"Bes," bangit ng walang-hiyang bestfriend ko habang tinutusuk-tusok 'yung tagiliran ko.
Aba naman 'tong isang 'to! 'Wag ko ngang pansinin.
"Hoy, bes!"
"Aray naman, bes! Kingina naman 'oh! Kitang may ginagawa 'yung tao, tapos tusukin ba naman tagiliran ko! H'wag nga ako, iba kulitin mo!" ani ko nang ipagpatuloy 'yung pangongopya ko ng assignment niya.
"Tao ka pala, bes? 'Kala ko hayop ka."
Kita ko sa gilid ng mata ko 'yung pagsmirk niya. Langyang babae 'to.
"At kung maka-kingina naman 'to! Wala kang utang na loob! Ikaw na nga jan 'yung pinapagaya ng assignment e. Pasalamat ka at may maganda na sexy na mapag-uragang bestfriend ka na magpapakopya ng assignment sa'yo," dagdag niya sabay nagpout.
Yuck. Mukhang bibe. Cringey. Nagdrama pa, hindi rin naman bagay-
"Hoy, Artemis. Alam mo ba 'yung kasabihang 'birds of the same feather, flock together'? Kaya kung hayop ako, hayop ka rin kasi mag-bestfriend tayo!" Tinigil ko muna ang pagkopya para makaharap ko siya. Actually, tumingin lang sa kaliwa ko kasi katabi ko lang naman siya.
"At anong uraga? Baka ulaga! HAHAHA! 'Di bagay sa'yo magpout, para kang bibe!" Hinila ko nga nakangusong bibig nito at humalagpak ng tawa nung samaan niya ako ng tingin.
Dahil na rin sa pagtawa ko, nakuha ko naman atensyon ng buong klase. Kami lang kasi 'yung nagdadaldalan ng malakas na akala mo ay nakawala sa isang asylum! Iba talaga ang maganda.
Tumigil na rin ako sa pagtawa kasi syempre nakakahiya naman sa mga kaklase kong busy din makipagdaldalan. Naabala ko pa sila sa harmonious laugh ko!
"Seryoso na. Bakit mo kasi ako kinukulit? Busy pa ako sa pagkopya tapos tutusukin mo lang tagiliran ko. Problema mo?" tanong ko sa kanya ng tingnan ko ito bago ulit kopyahin 'yung assignment niya.
"Kasi si Crimson," bulong niya. Lumapit siya bahagya sa tenga ko kaya nakabulong siya. Napatigil naman ako ng banggitin niya 'yung pangalan ng crush ko. Pero syempre, bawal pahalatang affected ako kaya tinuloy ko ang pagsusulat ko.
"Oh, anong meron dun?"
"Pansin ko kasing kanina pa siya tumitingin sa'yo," kinikilig na bulong niya sa'kin at tinusok na naman tagiliran ko.
"Ayiiiiiie! Kinikilig siya 'oh!"
Ramdam ko naman umakyat 'yung dugo ko sa mga pisngi ko, pero dedma!
"Manahimik ka jan, Artemis ha. 'Di nakakatawang biro," sabi ko tapos napakagat sa ibabang labi ko para mapigilan 'yung ngiti ko.
Sino ba naman kasing timang ang hindi mapapangiti kapag nalaman mo na tinitingnan ka ng crush mo, 'di ba?!
Crimson Dominiq Cuevas. Matagal na kitang crush at matagal na rin akong nagpapapansin sa'yo, gumagana na kaya pagfi-flip ko ng buhok sa'yo tuwing nadadaan kita?
Kasi naman simula nung nagtransfer siya sa school namin nung second year high school, napansin ko na siya. Tapos hanggang ngayon nasa senior high school na kami, crush ko pa rin siya. Sa totoo lang, nung isang b'wan pa lang ako nag-umpisang magpapansin sa kanya. Tuwing dumadaan kami ni Artemis sa barkada ni Crimson, lagi kong finiflip 'yung buhok ko. Ayos lang naman sa'kin kasi maganda naman talaga ang buhok. Silky smooth 'yan, h'wag ka! Pero pagflip lang talaga ginagawa kong pagpapansin. Hindi na ako masyadong nagpapaganda kasi mas gusto ko 'yung natural look ko kaysa sa magmukhang clown ako tulad nung babaeng haliparot na nakasabit sa braso niya.
Ugh! Ilayo n'yo 'yang babaeng 'yan kay Crimson! Sasabunutan ko 'yan!
"Earth to Valentine. Are you here with me?" pagsnap ng fingers ni Artemis sa mukha ko. Nagtatakang tumingin naman ako sa kanya.
"Nagring na po ang bell, Ms. Soon-to-be Cuevas. Tigilan mo na ang pagpatay sa bruhang lumalandi sa Crimson mo sa isip mo. Baka matuluyan sa mga masasamng tingin na binibigay mo."
Napakurap na lang ako sa sinabi niya. Hindi ko namalayang tinitingan ko na siya ng masama.
"At ayusin mo pagkopya mo. Tingnan mo 'oh," turo ni Art sa isang number dun sa assignment. "After kitang sabihan nung pagtingin sa'yo ni Crim, natulala ka na jan tapos sinulat mo na lang 'yung buong pangalan ni Crimson. Jusko kang bata ka! Hala, sige! Ayusin mo 'yang sagot mo!"
Hala, oo nga! Sa sobrang pag-occupy ni Crimson sa isip ko, hindi ko na namalayang sinulat ko na pala pangalan niya. At take note, may kasamang heart pa!
Napafacepalm na lang ako at mahinang nagpakawala ng buntong hininga bago burahin ang pangalan niya at palitan ng tamang sagot.
YOU ARE READING
Crush
Short StoryONESHOT. Hindi ko alam kung namamalikmata ba ako or what, pero parang pasulyap-sulyap talaga siya sa'kin e! Tamo 'oh! Sumulyap ulit! Hays. Assumera ko naman. 'Yung nasa likod ko pala 'yung sinusulyapan niya. Tsk! --- //COMPLETED - 170614