Two.

82 5 1
                                    


Kasalukuyang nasa library kami para mag-aral. Kasama siya sa schedule namin kaya buong klase ay nandito. Katapat ko sa upuan si Artemis sa isang long table rito, samantala si Crimson naman ay nasa kaliwang bahagi na hanay ng upuan ni Artemis sa table rin namin. Mga apat na upuan ang pagitan nina Art at Crimson.

Yes! Masusulyapan ko si Crimson my loves so sweet! Kinikilig na isip ko kahit na mukhang seryoso ako sa pagbabasa ng libro about programming.

Sumulyap muna ako kay Artemis para malaman kung anong ginagawa niya at pasimplemg sumulyap din kay Crimson para malaman rin kung anong ginagawa niya. Napangiti naman ako ng seryosong nagbabasa ito kahit na may higad sa tabi niya na kinukulit siya.

Si Crimson, hindi siya heartthrob o campus crush. Ma-appeal siya, sobra, kaya kahit hindi siya ang pinakagwapo sa campus, may nagkakagusto pa rin sa kanya. Pero para sa'kin, siyang ang pinakagwapo sa lahat! Matalino rin siya at may sense of humor. Alam ko kasi minsan na kaming nagkagrupo sa isang subject. After kasi na matapos namin 'yung activity namin, free na kaming pag-usapan kahit ano and siya palaging 'yung nagjojoke. Minsan nga, kahit corny nung joke niya, matatawa ka pa rin kasi bigla na lang siyang tatawa sa joke niya. 'Yung tawa kasi niya, sobrang nakakahawa!

Hays. Iba ka talaga, Crimson.

Nalingat na lang ako ng may sumipa sa paa ko sa ilalim ng upuan. Nilingon ko 'yun at napansing nakatingin si Artemis sa'kin.

"What?" I mouthed at her.

"Baka matunaw," aniya at patuloy na nagbasa.

Hindi ko napansin na napatitig na pala ako kay Crimson. Masyado kasi akong humanga sa seryoso niyang itsura. Masulyapan nga ulit. Hihihi.

Inayos ko muna ang pagkakaupo ko at inayos ang pagkakahawak sa librong hawak bago pasimpleng sumulyap ulit kay Crimson.

Nanlaki ang mata ko nang makitang nakatingin ito sa'kin ng may maliit na ngiti sa labi. Sa sobrang pagkagulat ko ay bigla akong napatayo kaya biglang nahulog at gumawa ng ingay 'yung upuan sa wooden floor ng library. For the second time, nagsitinginan na naman ang mga kaklase ko sa'kin at sinenyasan ako na manahimik. Napayuko ako at nag-sorry ng mahina at inayos ang upuang nahulog. Nakarinig ako ng mahinang pagtawa sa kaliwang bahagi ng lamesa. Hindi ako magkakamali kung si Crimson nga 'yun kasi bukod sa alam ko kung anong tunog ng pagtawa niya, nakita niya rin akong tumingin sa kanya. Lupa, kainin mo na ako please! Nakakahiya!

Pumunta ako sa isang shelf para ibalik 'yung binabasa ko kunong libro at kumuha ng bagong mababasa. This time, libro ng statistic ang kinuha ko. Kahit alam kong wala akong maiintindihan sa librong 'to, why not 'di ba? Hindi naman masamang sumubok, para lang sa pag-ibig. Kailangan nating subukan or kailangang magtake risk tayo para gumana ang isang relationaship. 'Di ba?

Bumalik na ako sa inuupuan ko at seryoso pa rin si Artemis sa pagbabasa. Hays. Buti pa siya.

Nang buksan ko na 'yung libro kong hawak, nakita ko sa peripheral vision ko na nakitingin siya sa'kin. OMG! Nakatingin siya sa'kin?!

Hindi ko siya tiningan or sinulyapan kasi baka mangyari na naman 'yung kanina. Pakikiramdaman ko na lang siya. Hihihi.

Pinilit ko magbasa at intindihin 'yung mga formula na nakasulat sa libro, promise sinubukan ko pero litsing peripheral vision ko at radar ko kay Crimson kasi napansin kong sumusulyap talaga siya sa akin!

Hindi ko alam kung namamalikmata ba ako or what, pero parang pasulyap-sulyap talaga siya sa'kin e! Tamo 'oh! Sumulyap ulit!

Hays. Assumera ko naman. 'Yung nasa likod ko pala 'yung sinusulyapan niya. Tsk!

Paano ko nalaman? May salamin kasi dun sa isang book shelf na nasa likod ni Artemis tapos nakita ko na nasa likod ko 'yung girl crush ng campus. Malamang si Aicee 'yung sinusulyapan n'ya.

Dreams crushed. Aral na lang ako.

Napabuntong hininga na lang ako at nag-aral na talaga.

CrushWhere stories live. Discover now