Uwian na rin sa wakas! Iisipin ko na lang na hindi nangyari 'yung sa library.
"Xynthia Red Valentine Tapalla," buong pangalangan tawag sa'kin ni Artemis.
"Artemis Sylvia Honasan," ganti ko. Hindi ko siya sinulyapan kasi inaaayos ko ang laman ng bag ko.
Ganito talaga kami ni Art kapag nagkita kami sa umaga at sa uwian. Ang pagbanggit ng buong pangalan ng isa't-isa ang naging way of greeting namin. Alam kasi namin sa isa't-isa na ayaw naming binabanggit ang buong pangalan namin pero kapag kaming dalawa lang ay ayos lang. Magbestriends e.
"Uwi na agad ako, bes. Naghihintay na si papa sa labas kasi. May importante raw kaming pupuntahan."
"Sige, ingat. Pasabi kay tito, hello kamo. 'Yung pasalubong ko kamo," sabi ko sabay tawa.
"Kapal ng mukha. Ge, bukas na lang, Val. Ingat ka! Mwuaps!"
Napabuntong hininga na naman ako kasi uuwi na naman akong mag-isa. Actually, ayos lang naman kasi maglalakad lang ako kaso ang dami kong dala! Hindi na kasya sa bag ko 'yung ibang books na kailangan kong pag-aralan! Buhay talaga 'oh! Parang life. Tsk!
Yakap-yakap ko na 'yung mga libro ko nang biglang may kumuha nun sa bisig ko na ikinagulat ko. Akala ko kasi ako na lang ang naiwan sa classroom. Pero ang mas ikinagulat ko ay kung sino 'yung kumuha ng mga libro ko kasi nagwawala na naman 'yung puso ko at parang ang daming paru-paru sa t'yan ko.
Litsing Crimson Dominiq 'to oh! 'Yung puso ko nakatakas na naman sa mental at nagwawala na naman!
"C-Crimson," nauutal kong banggit ng pangalan niya. "Ako na jan."
"Ako na, Red. Hatid na kita sa inyo. Malapit lang naman ang inyo rito, 'di ba?" ani Crimson.
Ihahatid daw n-niya a-ako? Am I dreaming? If I am, I don't wanna wake up.
"H-ha? H'wag na. K-kaya ko na," hindi ko talaga maiwasang mautal kasi nakakakaba talaga ng presensya niya.
"No, I insist. Tsaka medyo mabigat 'tong librong dala mo, baka mangalas ka," sabi niya at binigyan ako ng isang pilyong ngiti.
Kaaasar ka, Crimson! H'wag ka ngang ngumiti, naakit ako e!
Wala sa sariling napangiti ako kaya naman tumungo na lang ako at nag-umpisang maglakad pauwi. Hindi rin natakasan ng mga mata ko ang masasayang ngiti sa kanyang labi.
Habang naglalakad kami palabas ng campus ay wala kaming imikan. Tila nahihiya sa isa't-isa pero kahit ganun ay komportable pa rin ako sa katahimikan. Parang nawala rin bigla 'yung hiya kong naramdaman nung nasa library kami.
"Red-"
"Crimson-"
Sabay naming banggit sa pangalan ng isa't-isa pero kinilig ako at napangiti ng tawagin n'ya ako sa second name ko. Hahayaan kong tawagin n'ya akong Red para bagay kami. Kasi Red at Crimson iisa. Hihihi.
"Ikaw muna," sabi ko habang nakangiti pa rin at nakita siyang nahihiyang ngumiti sa'kin.
"Saan 'yung daan?" tanong niya.
"Sa kanan, kasi ayokong mangaliwa," ani ko habang tumawa at nanglakad muli sa kanan nang makalabas na kami sa gate.
"Double meaning ba 'yan?" tanong niya at natawa sa aking sinabi. Hindi na ako sumagot kasi ayokong sabihing tama siya. Ayokong mangaliwa sa kanya kahit walang kami. Loyal 'to 'no!
"Crimson-"
"Red-"
Sabay ulit naming banggit at mas natawa pa.
"Ikaw muna," sabay na naman namin saad matapos saglit na pagtawa namin.
"Ako na nga!" saad ko at bahagyang sumeryoso pero medyo nakangiti pa rin.
Ito na ang araw na magcoconfess ako sa kanya. Masyado nang mahaba ang halos apat na taong paghanga sa kanya ng hindi man lang niya nalalaman. Tsaka magkokolehiyo na rin naman kami sa susunod na taon. Baka next year, hindi ko na siya makita at pagsisihan kong hindi ako nagconfess sa kanya. Hindi ko pagsisisihan ang pagtatake risk ko sa pagconfess sa kanya ng nararamdaman ko para sa kanya. Kahit anong kahantungan nito, magiging masaya ako. I'll live my life without having any regrets on the decisions I made and will make.
"Crimson Dominiq," banggit ko sa pangalan niya at tumingin sa kanya nang mapansing nakatigil ito katulad ko at nakatingin din sa'king mga mata. Nang dahil doon ay hindi ko maiwasang kabahan.
"I like y-you, Crimson," nauutal na naman ako kasi ang intense talaga ng titig niya siya. As in titig kung titig! Maiihi na ata ako sa nerbyos dito!
"I like you simula pa lang nung naging classmate kita nung second year. Hindi ko makakalimutan 'yung ngiti mong totoy nun na akala mo sobrang bait pero may tinatagong kabulastugan," dagdag ko at napayuko na. Hindi ko na kasi talaga kaya 'yung mga tinging binibigay niya sa'kin. Bukod sa nahihiya na ako, nilalamon na ako ng titig at ngiting sumilay sa kanyang mga labi.
"Sinabi ko 'to sa'yo kasi gusto kong malaman mo 'yung nararamdaman ko para sa'yo. Kahit na hindi ko alam 'yung nararamdaman mo para sa'kin, ayos lang. Kahit hindi mo ma-reciprocate 'yung feelings ko, ayos lang basta nasabi ko 'to sa'yo. Kahit hindi mo ako gusto, ayos lang din at least maiihatid mo ako sa amin kahit isang beses man lang. At wala akong pagsisihan sa lahat ng sinabi ko ngayon kasi totoo 'tong nararamdaman ko para sa'yo," sabi ko at tumingin na sa kanyang mga mata.
Hindi ko inaasahang may masayang ngiti sa kanyang labi at ramdam ko ang kakaibang saya sa kanyang mga mata. Ang mas hindi ko inaasahan ay ang paghawak niya sa aking kamay na kung saan parang may dumaloy na kuryente sa aking buong kalamnan.
"Who said that I didn't like you?" May pilyong ngiti siyang binigay sa'kin bago niya pagsiklupin ang aming kamay at hinila na ako patungo sa aking bahay.
"Wh-what do you mean?" takang tanong ko kahit na parang naintindihan ko naman ang kanyang sinabi. Hindi lang talaga rumehistro sa aking isip kung ano man 'yon.
Hindi niya ako sinagot ngunit nakahawak parin sa aking kamay. Hindi ko tuloy maiwasan mapangiti, ewan ko ba kung bakit. Siguro presensya lang ng isang Crimson Dominiq Cuevas ang makakagawa nito sa'kin.
Hindi ko tuloy napansin na nasa tapat na kami ng gate ng bahay namin. Napansin ko na lang 'yun ng bitawan niya ang kamay ko at ibinalik sa akin ang mga libro ko. Aaminin ko, medyo nalungkot ko nang binitawan niya ako pero ngumiti pa rin ako sa kanya kahit medyo pilit unlike nung kanina.
"S-salamat sa paghatid, Crimson."
Ngumiti siya sa'kin at iniligay ang mga kamay sa mga bulsa ng pantalon niya.
Nagtitigan lang kami ng ilang minuto bago niya bitawan ang mga salitang paniguradong hindi ako patutulugin ngayong gabi o ng mga susunod na araw at tsaka umalis na may malawak na ngiti sa kanyang labi.
Natutulala ako bago nag-iirit kahit na alam kong sisitahin ako ng mga kapitbahay namin dahil sa matinis kong boses. Wala akong pake!
"I like you, Xynthia Red Valentine. Kahit noon pa man. Hindi ko alam kung bakit hindi mo napapansin pero lahat ng mga kaklase natin nakahalata na. Ikaw na lang talaga 'yung hindi. Hahaha. Pero really, I like you, Red. The feeling is very mutual. See you tomorrow, Xynthia Red Valentine."
END.
YOU ARE READING
Crush
Short StoryONESHOT. Hindi ko alam kung namamalikmata ba ako or what, pero parang pasulyap-sulyap talaga siya sa'kin e! Tamo 'oh! Sumulyap ulit! Hays. Assumera ko naman. 'Yung nasa likod ko pala 'yung sinusulyapan niya. Tsk! --- //COMPLETED - 170614