Chapter 1: Meet the Domingo Family

3 0 0
                                    

                   Xyne's POV

"Hoy! Babae! Gumising ka na! Anong oras na!" -sigaw ni Ate Rhona, boses pa lang alam na.

Grrrr... Ang aga-aga nangbubulabog! Grabe talaga tong si Ate Rhona walang kupas. Parang manok, putak ng putak.
Makabangon na nga lang baka buhusan na naman ako ng isang timbang tubig. Hayss...

   BOGSH(tunog ng pintuan)

"Hoy! Buti naman at gising ka na! Sa susunod, mas agahan mo pa. Hindi yung nagbabagal-bagal ka! Naintindihan mo?" -Ate Rhona

"Opo" -sagot ko.

"Hmm... Mabuti!" -sabi niya at lumabas na sa kwarto ko.

   Ang sungit-sungit talaga ng babaing yun. Nga pala. Before anything else I am Allure Xyne Domingo, 15 years old. Mahilig ako sa mga baril, katana, shuriken at iba pang gamit na hilig ng mga lalaki. Pero hindi ako tomboy ah! Babae po ako.
As usual gagawin ko na naman ang trabaho ko araw-araw since malapit na ang pasukan kailangan kong magdoble kayod.
Teka, gagawin ko muna ang morning rituals ko.

Ligo...
Bihis...
Luto ng pagkain...
Kain...
Hugas ng pinggan...
Linis ng bahay...

And lastly, kailangan kung pumunta sa palengke hindi para mamili kundi para bantayan ang aming tindahan. Tindera man ako at least marangal. Nasanay na ko sa ganitong buhay dahil bata pa lang ako ganito na ang ginagawa ko, ni hindi ko nga naranasan ang maging malaya eh. Dahil ang buhay ko umiikot lng sa bahay, trabaho at paaralan.

*FAST FORWARD*

"Mga Ate, bili na po kayo ng paninda kong gulay at prutas, mura na fresh pa." -sabi ko sa mga mamimili dito sa palengke.

"Magkano ba ang kilo ng sitaw?" -tanong ng isang Ale.

"25 po" -sagot ko at ngumiti.

"Sige, tatlong kilo 'yung sakin tas dagdagan mo na rin ng isang kilong talong."- she said.

"Bale, 80 pesos po lahat." - sabi ko at ibinigay ang mga gulay. Ngumiti sya at iniabot ang bayad at saka umalis.

"Teka! Ale, yung sukli nyo!" -sigaw ko pero di n'ya ata narinig kaya hinabol ko s'ya. Isang libo kasi ang binigay n'ya.

   Ang rami-raming tao sa palengke kaya medyo nahirapan akong  hanapin s'ya buti nalang nakita ko sya sa may tindahan ng karne. Lalapitan ko na sana sya nang may nakita akong isang lalaking may hawak na kutsilyo papunta sa direksyon nya at alam kong holdaper yun. Kaya gumawa ako ng paraan. Nagkunwari akong nagmamadali at binangga sya which is naging dahilan para mahulog ang hawak nyang kutsilyo. Tutok na tutok pa rin sya sa bag ng Aleng bumili ng gulay sakin kanina hindi alintana ang ginawa kong pagbangga sa kanya at sa pagkahulog ng kutsilyong dala niya. Hmmm... Desperado talaga siyang makuha ang bag ah? Akmang hahablutin ng lalaki ang bag ng Ale nang binato ko sya ng tsinelas ko at boom! Diretso sa ulo ng lalaki. Napansin ng Ale ang pagtama ng tsinelas kaya naalerto sya.

   Pansin kong nasaktan ang lalaki sa pagtama ng tsinelas at saka dahan-dahang lumingon sa direksyon ko, tumingin ng matalim at bumunot ng isa pang kutsilyo sa likod n'ya. Hanep! Di halatang prepared sya. Edi s'ya na ang boy scout! Laging handa! Tumakbo sya papunta sa direksyon ko and I know na sasaksakin n'ya ko. Tingnan natin kung hanggang saan ang kaya mong ugok ka.
  At eksaktong pagkarating nya sa pwesto ko sinipa ko ang maselang parte ng katawan nya dahilan para mamilipit sya sa sakit at nabitawan ang hawak ng kutsilyo. Hinatak ko sya at sinuntok sa tiyan. At ayun tulog na.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 17, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Secret IdentityWhere stories live. Discover now