(A/N: This is it!! Hahaha.. This is the most difficult part. So many things happened in this part. Oh! I could still imagine how terrible our situation was. Okay, so much for that. Haha! Enjoy Reading!)
November 8, 2013
Friday
After ng bagyo, transportation was a very difficult thing. There were so many debris all over the places! Gosh, I can't count anymore how many trees and houses were destroyed by that typhoon that lasted only for how many hours!
"Punta tayo sa Ubos?" may lugar kasi samen na tinatawag na 'Ubos' which means lower part of our place. Accident prone area ang lugar na yon at walang katao-tao. Maraming puno doon ang natumba that made everyone very disappointed.
Sumama naman ako sa anyaya ng childhood friend kong si Lea.
On the afternoon after ng bagyo, may mga bus na, na dumaan sa place namin.
Hindi sila makadaan, kaya naman malaking problema yon.
"Puntahan nyo si Konsehal, sabihan nyo na hihiramin natin ang chinsaw niya para maitabi na tong mga kahoy dito." sabi ni papa na parang baranggay captain kung makaasta.
"Pa! Ako na ang pupunta kay konsehal!" sabi ko kay papa.
Binigay niya ang susi ng motor saken, tapos nag drive na ako kasama si Lea papunta sa bahay ni konsehal na kapitbahay lang namin.
Nakahiram na kami ng chinsaw, si Lea ang humawak noon kasi siya ang angkas ko.
Pagdating namin doon, agad na sinimulan nila papa yung pag putol-putol ng mga malalaking kahoy. Ilang oras din na na-stranded ang mga bus doon.
Nasa gilid lang kami ni Lea, nakatingin lang sa mga tao na nagtutulungan na maputol at maitabi yung mga puno.
"Napansin nyo ba yon?" biglang nagtanong yung konduktor ng bus na PP Bus.
"Ang ano?" tanong noong brgy. tanod namin.
"May tao ata sa ilalim eh." sabi noong konduktor tapos sinilip niya yung ilalim ng bus.
May reserbang gulong kasi doon sa ilalim ng bus.
Pagsilip ng konduktor doon, nakita niya ang isang lalaking siguro nasa 23 na ang edad.
"Umalis ka dyan, bilis!" sabi noong konduktor at mabilis naman na umalis doon ang lalaki na may dala-dala pang supot na may tubig.
"Ano ang ginagawa mo dyan sa ilalim?" tanong ni papa nang makalapit siya sa lalaki at konduktor.
Kami naman nagsilapitan na rin.
"Wala po kasi akong pamasahe." nakayukong sabi ng lalaki.
Mukha naman siyang hindi baliw. Wala siyang t-shirt, naka shorts lang siya. Nakapaa lang. At namumutla pa.
"Saan ka pa galing?" tanong ulit ni papa.
"Surigao pa po." nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ang sinabi niya.
SURIGAO?
What??
As in Surigao?
Ang layo ng Surigao, my goodness!
Kailangan mo pang tumawid ng barko ng apat na oras, at babyahe ka pa ng 6 hours bago makarating sa lugar namin. Huwag nyong sabihin na doon lang siya sa reserba ng gulong ng bus sa ilalim for how many hours?
Delikado yun, di ba?
"Tapos na kuya!" sigaw noong kapitbahay namin kay papa.
Natapos na sila sa pag chinsaw at madadaanan na ang isang lane ng kalsada.
BINABASA MO ANG
Heaven after Yolanda
Short StoryLife is Exciting. Oh! What a word. I could imagine adventures whenever I hear someone says that life is EXCITING! Is it? Maybe? Yes? Just look at what happened to Leyte and Samar. I never thought that a Super Typhoon like Yolanda will hit our place...