Part 3 (My Epic Nakaw-Experience)

143 9 10
                                    

(A/N: Naku! Dahil sa Push ni Arcie, nawala na tuloy ang gana ko to study for my exams tomorrow! Hahaha! I'm gonna finish this one now.)

November 11, 2013

Monday

"Saan ba ang boarding house mo?" tanong ni papa saken nang makarating na kami sa Tacloban.

Hanggang ngayon di ko pa rin matanggap na ito ang nangyari sa Tacloban.

The city where I spent my college years is already a mess now. The places I used to go when I am so depressed is already gone. tTe church I used to visit once a week is already an evacuation center now. The places where I used to spend my time with my friends are now empty, destroyed and closed.

Is this for real?

Is this really Tacloban City?

I was like a person with a nervous breakdown on that time.

I kept on asking myself those questions though I already know the answers.

I just can't accept it.

I really can't.

Parang isang malaking sasakyan ang dumaan sa lugar na 'to. 

Sa isang iglap lang, wasak na ang lahat.

"Doon pa sa Magallanes ang boarding house ko." I said in a low voice.

"Sige." then he continued driving. 

Nahirapan pa kaming makaabot sa Magallanes kasi hindi pa nadadaanan ang ibang kalsada ng downtown area.

Lahat ng nadadaanan namin ay puro may sira. There was no exception pala. Rich or poor, lahat naapektuhan ng bagyo.

Sigh.

"Nandito na tayo." sabi ni papa.

"Dyan nalang tayo huminto pa." papa stopped and he parked the motorcycle beside the street.

"Ikaw nalang pumasok doon, baka manakaw pa 'tong motor." sabi ni papa.

Nagtatakbo naman ako habang papasok ako sa kalye na papunta ng boarding house ko.

Habang palapit ako ng palapit sa boarding house ko,

Palaki ng palaki ang ngiti sa mukha ko.

"My boarding house is still okay! YES!" napatalon pa'ko nang makita kong ayos lang ang boarding house ko.

Paglapit ko, nakita ko ang landlady at landlord ko pati ang dalawa nilang anak na babae sa labas... naglilinis sila ng bahay.

"Kuya!!" sabi ko nang makalapit na'ko.

"Trex! kumusta?" sabi ng landlord ko.

"Ayos lang po. Kayo po? Anong nangyari sa inyo noong bagyo?" tanong ko nang makapasok na'ko sa ground floor ng boarding house.

"Naku, sobrang taas ng baha, 11 feet yung baha dito." sabi ni Kuya Ed, ang landlord.

"Talaga po? Eh ang mga gamit nyo? Anong nangyari?" tanong ko na may pagtataka.

Lampas tao ang 11 feet di, ba?

"Yun mga gamit na iba nadala namin sa second floor, kasi yung ref, hindi na, kaya nagpalutang-lutang nalang dito. Yung tv naman, pinagtulungan na namin ng boardmates mong mga lalaki na dalhin sa second floor kaso naabutan na kami ng baha. Di na nadala." he said in a lonely voice.

"Naku naman, sayang. Pero kuya, at least buhay kayo, di ba?" sabi ko to brighten up the atmodphere.

"Oo nga eh," sabi niya naman.

Heaven after YolandaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon