chapter 4 WAR

16 0 0
                                    

ilang araw pa na lageng ganyan si cedrick, na wala sya saamin ni pupu, na laging ipapasa sa akin yung mga dapat sya ang gumagawa, minsan hindi na nga sya nag papakita eh, hindi na sya nakakapag text sakin, kesyo pagod daw sya, kesyo malapit na yung laban nila kesyo marami din daw syang ginagawa,lage syang busy sa swimming nya, alam ko namang malapit na yung laban nila, pero parang sumosobra na sya, hanggang sa dumating yung araw na napuno na ako sakanya

* * * * * * * * * * * * * * * * * * * *

CEDRICK'S POV

maaga kameng pinauwi na coach, bukas na kasi yung laban, mag pahinga daw kame at mag handa na para bukas, 

pupuntahan ko muna si Ana para sabihin sakanyang maaga kame pina uwi ngayon at masasamahan ko na sya kay pupu para mag observe, isusurprise ko sya para matuwa sya sakin, madame na kasi akong utang sakanya, hindi ko na sya nasasamahan kay pupu, baka mag tampo na yun, kaya ngayon ako babawi, 

pumunta muna ako sa ice cream parlor para bumili syempre ng ice cream alangan namang taho nabibili dun, pag sasaluhan namin nila pupu yun! yii!! excited na ako, alam ko kasing favorite ni Ana yung ice cream eh, lalo na yung cookies and cream nako!!

hinanap ko si Ana sa buong school pero hindi ko sya mahanap, nasan kaya yun?? ( TING! ) alam ko na, baka nasa rooftap ng lumang building madalas yun dun eh, lalo na pag may problema

pag kaakyat ko sa roof top, hindi nga ako nag kamali, nandun nga sya,kasama nya si pupu, nag lapitan ko sya

" bakit ganun sya pupu? hindi nya na tayo mahal, wala na syang pakialam sa atin! ako nalang gagawa ng project namin!!.... " galit ba sya?? kanino??

" Ana " nagulat sya,

" b-bakit ka nandito?! diba may training kayo!! dun kana sa swimming mo! "

" Ana, galit kaba sakin?? "

" hindi, hindi! natutuwa nga ko sayo eh! ang saya ko noh!! "

" iiii! ana naman eh, sorry na "

" sorry?? anu magagawa ng sorry mo!! "

" hindi ko alam, basta sorry na "

" lunuking mo sorry mo! mabubusog kapa! "

" Ana naman eh! patawarin mo na ako, "

" patawarin?? . . . . . "

" hindi hindi! patuwadin, "

" AH!! ganun! sayo na sorry mo!! ang bastos mo! wag kana mag papakita sa akin!! " umalis na sya, sinangga nya pa ng balikat nya yung balikat ko, tapos sabay hampas ng buhok nya sa mukha ko na nakain ko, hinabol ko sya kaso bigla nya sinara yung pinto, buti nalang umabot yung kamay ko kaso ayun naipit yung daliri ko, nangitim, patay na ata, huhu! T.T

hinayaan ko nalang muna si Ana, ayoko kasing nakikita sya na may sama ng loob sakin, naiiyak ako pag nakikita ko sya, hindi ko akalain na mapupuni sa akin si Ana, akala ko naiintindihan nya ako, sumobra na ata ako kaya nagalit na talaga sya, tapos binara ko pa kanina, tsk,

pumunta nalang ako sa bahay ng isa ko pang kaibigan si Drew, mayaman sila, sya palagi kong nilalabasan ng sama ng loob ko, kung gusto ko syang suntukin, ok lang sakanya, hindi nya ako ginagantihan, wag mo lang tatamaan yung ilong nya, napaka halaga sakanya yung ilong nya, dahil kilala naman ako sakanila, pinapasok na agad ako, pumunta ako sa pool nila na may buhangin sa labas ng pool, ewan ko ba kung bakit ganyan yun, gusto daw kasi ng tatay niya beach daw, kaso yung mama nya gusto pool, kaya yung kinalabasan swimming pool na may buhangin, pino yung buhangin dito kala nyo ha!

I love you kababataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon