Buong hapon na nakatitig lang ako sa aking butler na nasa gilid lang ng classroom na malapit sa bintana, at mukhang wala siyang balak pansinin ako. Di ako makapaniwala na kaklase ko ngayon ang butler ko. May kumalabit naman sa akin mula sa likod, napalingon naman ako.
"Gusto mong mall tayo later?"
She's Jessa.
"Oo nga Lilliane, wala tayong klase sa hapon"
At siya naman si Lanie.
Gusto ko talaga sana mag mall kaso si butler Lance nandito. Mahirap na, baka sumunod siya sa akin at malaman ng mga friends ko na ang bodyguard slash butler ko, classmate namin. Augh!Anong gagawin ko?
"Class dismiss!"
Napatingin naman ako bigla sa professor namin, nagsitayuan naman ang iba at lumabas sa classroom. Ang mga kaibigan ko naman kinuha ang kanilang bag at tumayo sa kinauupuan nila.
"Lilliane let's go?"
Nginitian ko sila. At napalingon naman ako sa pwesto ni butler Lance.
O_O
"He's gone!"
Napalingon naman ako sa friends ko, parang nagulat sila sa sinabi ko.
"Ummm, who's gone.....Lilliane?"
Lumingon ulit ako sa inuupuan ng butler ko kanina, tumalon ba siya sa bintana di ko naman siya napansin na dumaan ah.
"Lilliane?"
Napalingon ako kay Lanie.
"No-nothing, let's go?"
Mukhang wala namang balak na sundan ako nung Lance na yun, bahala siya basta ako mamamasyal. Sabay kami na lumabas sa classroom, pagkalabas sa classroom nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang mga taong naghihintay sa labas.
"JASMINE! SHEENA!"
"Hey girl"
Napayakap ako sa kanila. Namiss ko sila, kahit kagabi magkasama lang kami sa bahay ni Sheena. Kakaiba lang talaga ang feeling kapag wala sila sa tabi ko. Agad kaming tumigil sa pagaakapan.
"By the way, where were you last night?"
Napatingin ako kay Jasmine.
"Yeah, bigla ka na lang nawala pagkatapos mong magpaalam na mag C-CR ka"
Napakamot naman ako ng ulo. Sasabihin ko ba sa kanila na muntikan na akong ma-rape kagabi, at may isang mysterious guy who fought alone to save me from danger? Well. They'll think Im too drunk that I starting to have hallucinations that time. Ngumiti lang ako sa kanila.
"Never mind that, let's go shopping?"
Actually, di ko makakalimutan yung nangyari kagabi. Im scared to death that time. At isa pa, ang lalaki na yun na tumulong sa akin. I owe him a lot. Nabigla naman ako ng hinila nila ako.
"Tara muna sa CR, magpopowder lang kami"
Tumango na lang ako at sa sumunod sa kanila, pati na rin sina Jessa at Lanie.
Agad kaming pumasok pagdating sa girls CR. Pumunta kami kaagad sa harap ng malaking salamin. Kinuha namin ang mga powder at make-up sa bag namin at nagre-touch. Pagandahan kami ng make-up, syempre halata namang ako na panalo sa aming lahat. Kakatapos na ang iba sa pagrere-touch at inayos ang mga gamit nila sa kanilang bag. Di pa din ako tapos, di pa kasi ako naglagay ng powder.
BINABASA MO ANG
My Mysterious Butler
HumorI am Lilliane Kayle The princess of the KAYLE Family My parents hired a body guard/personal butler para bantayan ako Pero di ko aakalain na may something pa pala sa butler ko