Act 3

92 2 2
                                        

"Tell me....ang lalaking tumulong sa akin sa restaurant.....and the guy in the parking lot...is it you?"

And then silence follows....

I think he knows something about what happened.

"Di po"

O_O!

Ano? Di siya yun?

Nanlaki ang mata ko ng marinig ko ang sagot niya.

DUH. Well, maybe I'm expecting too much.

Ano ba gagawin niya dun? Parang di nga siya nakabantay sa akin eh. Napabuntong hininga lang ako.

"Ok, everyone let's rest"

Sabi ko sa kanilang lahat, nag-bow down silang lahat sa akin.

"Thank you and good night miss Lilliane"

Sabi nilang lahat sa akin. Lumakad na ako papunta sa kwarto ko, di maiwasang mapadaan ako sa harapan ni butler Lance at tinignan ko siya. I feel something on him, di ko ma-explain. Umakyat na ako sa hagdan at pagkarating ko sa kwarto ko kaagad na akong pumasok.

6:30 ng umaga. At nag-eexercise ako sa treadmill, it's been an hour ng nagsimula akong magpapawis dito sa fitness room ng mansion namin.

"Miss Lilliane?"

Napalingon ako sa aking likuran ng tinawag ako ni miss Donna, may dala siyang towel at energy drink. In-off ko muna treadmill at naglakad papalapit sa kanya, inabot ko ang towel at pinunasan ang pawis sa noo ko. Kinuha ko din ang energy drink.

"Mamayang 8:00 po pupunta tayo sa office niyo, kaya mas mabuting magpahinga na muna kayo"

Nakinig lang ako sa sinabi niya habang iniinom ko ang energy drink. At dahil sa pagkawala ng mga magulang at lolo ko, ako ang napilitang pumalit sa kanila bilang tagapamahala ng KAYLE kahit wala pa ako sa proper age. Mabuti na nga lang diyan si miss Donna para tumulong sa akin, kung di dahil sa kanya baka bumagsak na ang company namin. Bago kasi siya maging manager ng mansyon, naging secretary siya ni lolo kaya may alam siyang mga ideas para mapabuti ang company.

"Ok, tell butler Clark na ihanda ang sasakyan, maglalakad-lakad na lang muna ako sa garden"

Tumango si miss Donna at naglakad papalabas sa fitness room.

Naka-upo ako sa isang bench na nasa loob ng garden namin at pinapanood ang tubig na lumalabas sa sprinklers. It's all bright and shiny, such a wonderful sight. Bigla akong may narinig na ingay sa di kalayuan, parang tumatalbog na bola.

"Someone's playing?"

Tumayo ako naglakad papalapit sa ingay, may basketball court kasi malapit sa garden. Ng makalapit na ako sa basketball court, may nakita akong lalaki na naglalaro dun. Whoever he is, he's really good playing basketball. Parang siyang proffesional player, ang mga galaw, pati ang mga tira niya hindi nagmimintis. Lumapit pa ako sa court para tignan kung sino ang naglalaro.

Si Lance?

Di ko akalain na magaling siya mag-basketball. Bigla na lang siya napatigil sa paglalaro. He held the ball with his both hands, and then he threw it upwards.

"Anong ginagawa niya?"

Tanong ko sa sarili ko habang sinusundan ng tingin ang bola sa itaas ng ere, is this some kind of basketball trick? Nanlaki ang mata ko na babagsak sa akin ang bola.

"WHAT THE--"

Mabuti na nga lang nasalo ko ang bola kung hindi tumama na ito sa ulo ko. Naiinis na tumingin ako sa court.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 02, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Mysterious ButlerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon