Ang pag-ibig ay napakahirap labanan. Hindi rin naman kasi natin kayang pigilin ang ating nararamdaman, hindi natin kayang kontrolin ang pagtibok ng puso natin.
Pag-ibig, diyan natin mararamdaman ang saya, kilig, lungkot, selos at higit sa lahat ang sakit. Ngunit hindi lahat ng pag-ibig ay may naidudulot na mabuti saatin dahil minsan napapahamak tayo dahil sa pag-ibig, binabali ang batas dahil sa pag-ibig at higit sa lahat ang talikuran ang lahat alang-ala sa sariling saya na dulot ng pag-ibig.
Hinahagkan niya ang bawat parte ng mukha ko, nagmula sa noo pababa sa tungki ng aking ilong, sa magkabilang pisngi ko at nagpatuloy sa pagbaba saaking leeg. Ang bawat dampi ng kanyang mainit na labi ay nakakabaliw, nakakawala sa sarili. Ang bawat pagdami ng kanyang mga kamay sa iba't-ibang parte ng aking katawan ay nakakapanghina. Isang mainit at puno ng pagmamahal ang kanyang halik sa aking mga labi. Ngunit bigla itong tumigil.
"A-anong problema? Bakit ka tumigil?" Nabibitin kong tanong
Umiling ito at saka tumayo. "Hindi, mali ito"
Lumapit ako sakanya at hinalikan siya ngunit tinulak niya ako sanhi ng pagkahiga ko sa kama
"Napakamalaking kamalian ang mahalin ka"
BINABASA MO ANG
Two Worlds
FantasíaIsang salot ang tingin ng mga tao sakanya rito sa mundo ngunit isa itong higit na makapangyarihang Prinsesa sa kabilang mundo. Magkakatuluyan pa kaya ang dalawa kahit na magkaiba sila ng mundo? Kahit kailan hindi nakatadhana ang isang Immortal sa Mo...