Yasmien's Point of View
Kakatapos lang ng klase ko kaya nandito kami sa mall ng mga friends ko. Bihira lang kaming gumala ng kumpleto kaya sinusulit na namin 'tong araw na 'to.
"Tara sa KFC mga besh!" sigaw ni Yvette unnie. Super bubbly niya kaya kapag nakilala mo siya magiging close kaagad kayo.
"Ihhh! Sawa na ko dun! Mcdo na lang, magmove-on tayo!" sabi ni Jane unnie. Medyo boyish siya. Kaya kapag nakita mo siya aakalain mong tomboy siya. Pero hindi naman siya tomboy, ayaw niya lang talaga sa skirts and dresses. Mas gusto niyang t-shirt and jeans lang ang kanyang isusuot.
"Ayoko dun! Dun kami nag-break ni Mike, remember? Sa Chowking na lang tayo." sabi ni Kim unnie at umirap. Medyo mataray siya pero when you get to know her at kapag naging close kayo, medyo mababawasan ang pagiging mataray niya.
"Oops! Sorry! I forgot eh." sabi ni Jane unnie.
"Whatever." sabi ni Kim unnie at umirap.
"Hmmp! Nag-sorry na nga ako eh!" sabi ni Jane unnie.
"So? Anong gagawin ko sa sorry mo?" sabi ni Kim unnie. Madalas silang nag-aaway pero maya-maya magbabati rin sila.
"Tama na nga yan! Mag-sorry kayo sa isa't isa!" saad ni Ivy unnie. Siya ang pinaka-mature kung mag-isip. Parang leader namin siya. Kasi siya yung umaawat kapag may nag-aaway sa grupo. She also gives advice to us whenever we had problems.
"Oo nga! Stop it na. Like duh! You guys are always fighting." sabi ni Daisy unnie. She's so conyo. Laking America kasi yan si unnie. Kaya minsan nahahawa ako.
"Kapag hindi pa kayo nagbati, babatukan ko kayo!" saad ni Perrie unnie. Amazona yan si unnie, pero ni minsan hindi niya pa ko nabatukan.
"Jane unnie and Kim unnie, please say sorry to each other." sabi ko. Napatingin sila sa akin.
"Oh! Nagsalita na ang ating maknae, gawin niyo na!" sabi ni Yvette unnie.
Ako yung pinakabata sa group at masyado nila akong bine-baby. Sometimes they talk without me 'cause I'm innocent daw. Ewan ko nga kung ano ang pinag-uusapan nila eh. And hindi rin sila nagmumura kapag kasama nila ko. Medyo mahiyain ako kaya sila unnie lang ang friends ko sa school.
Nagpuppy-eyes ako na alam kong hindi nila mare-resist. Bumuntong hininga naman si Jane unnie and Kim unnie. Nagtinginan silang dalawa.
"Sorry." sabay nilang sabi.
"Yey! Tara na unnies!" sabi ko.
"Ang cute talaga ng maknae natin." sabi ni Ivy unnie at pinisil ang cheeks ko. See? Bine-baby nila ko. Pero hindi naman ako nagrereklamo, kasi sa ganung paraan nararamdaman ko na mahal na mahal nila ko.
"Unnies! Pwede po ba mag-request?" tanong ko.
"Alam mo namang hindi ka namin matitiis eh. Pero sige, ano ba yun?" tanong ni Perrie unnie.
"Sa Mang Inasal na lang tayo kumain." sabi ko. I want sisig!
Nagtinginan naman sila at nagngitian.
"Sige!" sabay-sabay nilang sigaw. Nagtinginan tuloy yung mga tao sa amin.
~¤~¤~¤~¤~¤
"Wahhhh! I'm so busog!" sabi ni Daisy unnie.
"Me too! Sira ang diet ko! Huhu!" sabi ni Yvette unnie.
Kakatapos lang namin kumain and it's already 8pm in the evening. Nakapag-paalam naman ako kay mom and dad kaya walang problema.
"Let's go home na guys!" saad ni Jane unnie. Tumayo na kami at lumabas na ng Mang Inasal.
Lumabas na kami ng mall.
"Bye guys!" sigaw ni Yvette unnie at sumakay na sa kotse ng boyfriend niya. Kumaway naman kami pabalik.
Lahat sila may boyfriend na maliban sakin at kay Kim unnie dahil kaka-break lang nila nung boyfriend niya. Ako naman walang boyfriend kasi sabi ng parents ko bawal pa daw. At yung mga nanliligaw naman sakin tinataboy nila unnie.
Pero okay lang. Hindi ko naman minamadali ang pagkakaroon ng lovelife.
"Paalam!" sabi ni Ivy unnie at sumakay na sa kotse ng boyfriend niya.
Ganun din naman si Jane unnie and Perrie unnie . Hanggang sa naiwan na kami ni Daisy unnie. Dumating na rin yung boyfriend niya.
"Yas! Sumabay na kaya you sa amin?" tanong niya. Pero umiling lang ako. Nakakahiya kaya, baka masira ko pa yung moment nila ng boyfriend niya.
"Hindi na unnie. Hihintayin ko na lang yung driver ko. Parating na daw siya. Bye unnie!" saad ko.
Kahit parang hindi siya naniniwala sa sinabi ko ay sumakay pa rin siya sa kotse dahil pinagtulakan ko na siya.
"Okay! Bye na!" sigaw niya.
Ang tagal naman ni Drei oppa. Siya yung personal driver ko and parang kapatid ko na siya.
*ring*
Tumunog yung phone ko kaya binuksan ko ito at tinignan yung message.
From: Drei oppa
Sorry dongsaeng, I can't fetch you there. Nagpapahatid kasi yung mommy mo. Wala kasi si Manong Fred. Take care, okay? Text back, ASAP.
Napangiti ako sa text ni Drei oppa. Ang sweet niya talaga. I don't have any romantic feelings for him. Big brother lang ang turing ko sa kanya since wala akong kapatid. At little sister din ang turing niya sakin dahil wala rin siyang kapatid.
To: Drei oppa
It's okay oppa. You don't have to worry about me. Pauwi na rin ako. Take care din oppa!
Pagkatapos kong i-type ang message ko ay sinend ko na ito.
Kailangan ko tuloy mag-commute. Nagsimula na akong maglakad papuntang terminal ng jeep since ayokong mag-taxi. Dahil baka kung anong mangyari sa akin at baka kung saan lang ako dalhin nung driver.
Walang masyadong tao at medyo madilim kaya medyo natakot ako. Feeling ko rin may sumusunod at nagmamasid sakin. Eto na naman itong feeling na 'to. Feeling ko kasi laging may nakatingin sa akin. This started two weeks ago. Hindi ko alam kung bakit nangyayari sa akin ito.
Nakarinig ako ng mga yabag kaya mas binilisan ko ang aking lakad. Tumakbo na nga ako sa sobrang takot eh.
"Hey!" sigaw ng isang lalaki kaya mas binilisan ko yung takbo ko. Nakahinga ako ng maluwag ng makarating ako sa terminal ng jeep. Hindi na ko lumingon sa dinaanan ko kanina dahil sa sobrang takot at kaba.
Naghintay ako ng jeep sa terminal ng biglang may tumakip sa bibig at ilong ko gamit ang isang panyo. Nagpumiglas ako pero dinalaw ako ng antok, tuluyan ng sumara ang aking mata at nandilim na ang aking paningin.
BINABASA MO ANG
Living with Hot, Sexy Vampires
VampirosShe was just a simple girl with a simple life. But her simple life changed when she met fifteen boys that introduced themselves as her future husbands. And they are not your normal teenage boys, because they are vampires. Powerful, cute, handsome, h...