PrologueSaturday and obviously walang pasok at rest day ko na rin pero mukhang di yata mangyayari ang gusto ko dahil siya naman tong pagyaya ng dakilang kong bestfriend.
"Gab! gising na nakailang tawag na ako sayo di mo ko sinasagot. Maligo at magbihis ka na diyan pagkatapos pasyal tayo. Haha!"
Text ng dakila kung bestfriend na siyang dahilan kung bakit nabitin yung tulog ko. Alam ko din na siya yung tumatawag kasi iba yung ringtone ko sa kanya di ko lang talaga sinasagot.
Himala umaga siya nagising eh halos magtanghali na yun magising kung walang pasok. Ano na naman nakain nun umagang umaga nagyaya mamasyal.
It was just 7 o'clock in the morning at madalas around 8-9 pa talaga ako gumising pag walang pasok. Pero dahil sa kanya ito napilitang magising ng maaga. Katatapos ko pa lang maligo ay may na receive na naman akong text mula sa kanya.
"Pagkatapos mo maligo at magbihis text mo agad ako 'wag ka na mag breakfast sa mall na lang tayo kakain. Susunduin kita diyan."
Pabor naman sakin yun na sa mall na lang kumain kasi di pa ako nakapag luto. Simula ng nag apartment ako minsanan na lang ako nakakakain ng lutong bahay, nakakamiss siya actually.
Simpleng white shirt, jeans at rubber shoes na lang sinuot ko kasi sabi niya mamasyal lang naman kaya okay na to mas comfortable. Naglagay din ako kahit papaano ng pulbo tsaka light na lipstick para magmukhang maaliwalas naman mukha ko.
"Tapos na ako saan ka na?" Tinext ko na siya agad pagkatapos ko mag ayos. Pero ilang seconds lang din ay narinig ko na yung tunog ng motor nya sa labas. Kinuha ko na agad yung bag ko at lumabas na para puntahan siya.
"Oh mabuti lumabas ka na agad akala ko matagal ka pa." Sabi nya habang kinukuha yung isang helmet para ibigay sakin.
"Alam ko naman kasi na mainipin ka kita mo kakatext ko lang na tapos na ko nandito ka na". Sabay kuha nung helmet sa kanya at sinuot ko na agad.
"Kakabasa ko pa lang ng text mo. Naiinip na ko sa bahay eh tsaka ayoko ko magbantay sa kapatid ko, mag apartment na rin kaya ako." Sabay tingin sakin na akala niya matatawa ako sa sinabi niya.
"Loko ka ba eh may bahay kayo na malapit sa school tapos mag aapartment ka? Sige Uno push mo yan." At siya naman ng pagsakay ko sa motor nya sa likuran.
"Sorry na po, kumapit ka ng maayos baka mahulog ka kasi di kita babalikan sakali." At sabay tawa ng mokong at dahil dun natampal ko yung likod niya.
"Sige di na lang pala ako sasama, mag isa ka mamasyal!" Bababa na sana ako kaso bigla nyang binuhay yung makina ng motor nya kaya nagulat ako at dahil dun napakapit ako bigla sa kanya ng mahigpit.
"Shittt!! One Lluis Suarez are you insane? gusto mo ba ako mamatay?" At bigla akong napabitaw sa kanya at pinagsusuntok ko yung likod niya at siya naman tong iwas ng iwas sabay tawa.
"Chill Gab Hahaha! binibiro lang kita tsaka masakit yung suntok mo ha!" At hinawakan niya ako ng sinubukan kong bumaba ng tuluyan.
"Pwes di magandang biro yun One, aatakihin ako sa puso dahil sayo." At naupo na lang ako ng maayos dahil ayaw ko naman na mag away pa kami dito lalo na at may mga dumadaan na tao.
"Sorry na promise di na mauulit. Please patawarin mo na ang gwapo mong bestfriend." At nakuha pang purihin ang sarili habang nag sosorry.
"Bestfriend ba talaga kita? Tss. Oh siya okay na, alis na tayo?" Sabay ngiti ko sa kanya kahit obvious naman na fake yun.
"Sorry na talaga, libre ko na yung breakfast natin okay."
"Peace offering? Well accepted tatanggi pa ba ako." Kahit maloko to minsan di naman to kuripot pagdating sa pera at lagi kang busog pa siya kasa mo.

BINABASA MO ANG
Bound To Be..
Cerita PendekMost people say a girl and a boy or a man and woman can't be just friends. Because other believes it is just to hide their true feelings to each other. One maybe inlove with the other that's why he or she befriended him or her. Or they are actually...