Unang Pagkikita

57 0 0
                                    

Salvacion Pov

"Magandang buhay! Welcome to Luzon!" sa sobrang excitement ko, dali-dali akong lumabas ng barko. Aba first time ko kya makarating dito.

Ang saya saya ko. Ilang araw din akong naglakbay syempre, nakakapagod din yun no. Binuksan ko ang cellphone ko para tignan ang oras. 6:05 am. Maaga pa. Siguro, wala pa ang magsusundo saakin, di pa nagtetext eh.

Naginat ako ng braso habang dinarama ang hangin. Ang sarap sa pakiramdam. Na hindi ko na naalala na hindi nga lang pala ako yung tao dito. At pinaalala yun sakin ng mga taong sumisigaw sa likod ko.

"Hoy! Wag ka ngang humarang sa daanan!"

Tumingin ako sa taong nagsalita, pero huli na, bago pa ko makapag react. Nabunggo na ako ng mga tao. Take Note: MGA tao.

At dahil dun, tumilapon ang cellphone ko na aking pinagkakaingat-ingatan. Gumapang ako sa pagitan ng mga binti ng mga taong nag-uunahang maglakad. At ng malapit ko nang maabot ang cellphone kong pinakamamahal, isang paa ang humarang sa akin....

Natapakan ang cellphone ko! At nagulungan pa ng bag!

Agad agad akong tumayo para damputin ang mga labi ng cellphone ko. "Baby ko.... Wag kang magalala, pagbabayarin natin ang gumawa sayo nito!"

hinanap ko ang salarin. Sa pagkakaalala ko, isang itim na dihilang bag ang dala nya. At sapatos na may CHECK ang suot nya. Lumakad ako ng patakbo para hanapin ang sapatos na yun. Pakiramdam ko, ako si prince charming na naghahanap ng sapatos ni Cinderella.

At sa wakas, nakita ko na rin ang sapatos na hinahanap ko. Agad agad ko syang nilapitan. Nakaupo lang sya sa di kalayuan.

"Hoy!" kalabit ko sakanya pero tinignan nya lang ako ng bahagya.

Napangiwi naman ako at kinalabit sya ulit. Mas malakas ngayon.
"Hoy ! Mister! Wag ka ngang bastos!" sigaw ko.

Tinagilid nya ang ulo nya at may hinila sa tenga nya. Naka earphone pala ito.

"Do I know you?" aba ... Bastos talaga tong mokong na to ah!

"Hoy! Wag mo akong ingles inglesin dyan, nasa Pilipinas ka kaya!" sigaw ko. Ano bang akala nya sakin? Ako kaya best in English sa school namin.

Tumayo sya at napatingala naman ako. Napalunok ako ng tumingin sya saakin at nagsalita.
"Look, miss, just tell me what you want and leave."

Isinupalpal ko sa mukha nya ang cellphone kong nadurog "bayaran mo!" utos ko.

"Are you kidding me?" sagot nya. "Seryoso ako. Natapakan mo, kaya bayaran mo!" sigaw ko.

"Are you part of a syndicate and this is your modus? oh I tell you, you are aiming the wrong person" ano daw? Pinagbintangan nya ba akong kasama ng sindikato?? Ngumisi pa sya. Buwisit!!!! Makikita nya ang hinahanap nya!

"Ipapabaranggay kita! Guard guard! mfff!" nagsusumigaw ako pero agad naman nyang tinakpan ang bibig ko.

"Hey! Quiet! You are making a scene!" bulong nya. Pero nag pupumiglas ako. Infairness ah, malakas sya. Pero mas malakas ako. Bibigwasan ko na talaga tong taong to eh.

"Maam, hinaharas po ba kayo nito?" sabi ng guard. Agad naman nya akong binitiwan. Pasalamat sya, dumating sila manong guard kundi, nako, baka pilantod na sya ngayon.

.

.

.

.

.

@ baranggay hall.

"Ikulong nyo yang lalaking yan! Ayaw bayaran ang cellphone kong sinira nya!" sabi ko.

I am Salvacion Delmal (Lesbian Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon