Prologue

82 2 2
                                    

Takot na takot akong pumasok sa aming silid at umupo sa isang sulok na kahit anong siksik ang gawin ko ay alam na alam kong makikita nya din naman. Nanlalabo ang aking paningin dahil sa luha mula sa aking mata. Lungkot, takot at galit ang namamayani saakin. Alam kong nandyan na sya at ilang segundo lang ay bubukas na ang pinto at makikita ko nanaman ang nanlilisik nyang mga mata.

"You think mapagtataguan mo ko Allison? Kahit anong takbo at tago ang gawin mo, hinding hindi mo ko matatakasan!" Sigaw nya as soon as mabuksan nya ang pinto.

Lumapit sya sakin at pinatayo ako sa pamamagitan ng paghawak nya sa buhok ko. Sinadal nya ako sa pader at hinawakan sa magkabilang braso ng pagkadiin diin. Walang pagiingat. Na para bang wala akong pakiramdam. Na para bang hindi ako tao para itrato ng maayos. Na para bang hindi nya ko asawa...

"Nasan na ang tapang mo? Hah? Kanina lang kung pagsabihan mo si Emy napakatapang mo. Pero ngayon para kang maamong tupa. At anong karapatan mong saktan sya?"

"Anong karapatan ko? Asawa mo ko Austin. At kung sinampal ko man sya dapat lang yun sakanya kasi malandi sya. Nilalandi ka nya kahit alam nyang kaharap na nya yung asawa mo. Na ako Austin.. Ako..."

Isang malakas na sampal ang natanggap ko sakanya... Na hindi na bago sakin.. Na sa tuwing mararansan ko ay parang tinutusok ng libong libong karayom ang puso.

"So dapat lang ding sampalin kita. Malandi ka diba?" sambit nya na may halong pagngisi. Muling tumulo ang mga luha ko.

"Oh c'mon Allison? Yan nalang ba gagawin mo? Iiyakan mo nanaman ako? Masakit pa din ba? Di ka parin ba sanay sa mga salitang 'malandi ka'? That's what you are Allison. At kahit anong gawin mo, hinding hindi na magbabago ang tingin ko sayo."

Matapos nyang banggitin lahat ng yun tumitig sya sa mata ko. Puno ng galit, poot at sakit ang kanyang mga mata. At halos halukayin nya ang buong pagkatao ko sa titig nya. Bago nya bitawan ang mga salitang paulit ulit nyang sinasabi saakin na syang paulit ulit ding pumapatay saakin...

"Pinagsisisihan kong nakilala kita. At mas lalong pinagsisisihan kong minahal kita."

Nakita ko ang sakit sa mga mata nya bago sya tuluyang tumalikod at iwanan ako sa silid na yun. Sakit na alam kong ako ang may dulot. Sakit na habang buhay kong pagbabayaran...

"Ayos lang na saktan mo ko Austin. Ayos lang na maranasan ko lahat to. I guess I deserve this. I dont know how much hurt I have caused you, pero kung habang buhay kelangan pag bayaran ko yun.. Ayos lang.. Wag mo lang hilingin na umalis ako sa tabi mo. Dahil yun ang bagay na hindi ko kaya. Mahal kita eh.. Mahal na mahal.. Ngunit tuluyan ka na atang nagbago."

Too Late To RegretWhere stories live. Discover now