Allison's POV
"Girl, ayan na naman si Boyfie mo. Nagaantay nanaman sa labas oh!" sabi ni Lea habang niyuyugyog ako.
"Grabe bes, walang palya ah? Eh hindi ata umabsent sa kakasundo at hatid sayo si Austin eh." wika naman ni Antonneth.
"Its, Kaius. Ako lang ang tatawag sakanya ng Austin. Anyways, Baka daw may umagaw sakin" sabi ko sabay ngisi. Habang nakatanaw sa binta at nakatingin sa labas kung saan di kalayuan ay nakatayo yung pinakamamahal ko.
"Grabe sya oh! Kagandahan ka ba? " -Lea
"Bigyan ko na ba ang friend naten ng salamin?" - Antoneth" Napaka supportive nyo rin eh nuh? Teka nga anong oras na ba tagal naman magkwento nito ni Sir" sabi ko sabay tingin sa professor namin na nagsstory telling kahit na financial accounting review ang subject.
Ako nga pala si Allison Cordova. And yes, isa akong Accountancy Student. Yung course na pinagkakamalan nilang magagaling daw sa math kahit ang totoo hindi naman. Yes puro numbers pero di naman kami yung tipong magsosolve ng mga nakakadugong mathematical equations. Anyways, Im actually on my 5th year. 5 years kasi tong accountancy and isang semester nalang graduation na. And those two ladies na kausap ko? They are my friends, close friends actually. And sila lang naman yung mga taong talagang nakakausap ko dito sa school. I dont have a lot of friends, I intented not to have . Okay na sakin silang dalawa, ang importante totoo sila sakin.
Riiiinnggggggg....
And then the bell rang.. Meaning uwian na.. Meaning makakasama ko na sya..."Girls una na ko ah? Alam nyo na. Byie!"
Lakad takbo ang ginawa ko para agad ko syang makita. Medyo madami ring nakakasalubong sa hallway kasi uwian na. Kaya madami akong nababangga. Syempre hindi naman ako maldita para hindi mag-sorry.
"Ay sorry!" -ako
"Tss..clumsy. Atleast help me pick up the books. -antipatikong lalaki.Kahit narinig ko yung sinabi nya di ko na nagawang lumingon kakamadali ko. Di ko rin nakita yun mukha nya. The hell I care, nagsorry na nga ako eh.
And then there he is.. prenteng nakatayo at nakasandal sa pader habang nakahalukipkip ang kamay sa dibdib. Naka jeans at naka white shirt lang sya pero napaka gwapo nya pa din. Bakat sa suot nyang white shirt ang kakisigan nya. May mga matang malalim kung tumingin at mga ngiting nagpapalambot ng tuhod ko sa tuwing iginagawad nya saakin. Hindi ko mapigilang mapaismid ng makita ko yung mga babae sa paligid nya na halos maglaway na sa sobrang pagkatulala sakanya. Ang mga hitad na to!
"Austin." -ako
"Hey love." -sya
"Kanina ka pa?" -ako
"Parang alam mo naman ata sagot dyan eh? Kanina ka pa nakadungaw saakin sa bintana ng classroom nyo." -sya
"Luh sya.. Hindi naman ak- tinakpan nya yung bibig ko gamit yung kamay nya. Sabay akbay sakin.
"Oo na alam ko namang idedeny mo nanaman. Tara kain tyo. I know you're hungry" -sya
"Ewan ko sayo. Hindi naman ako nagugutom eh." As if on cue, bigla namang nagalburoto yun tiyan ko.
"Hindi ka nga gutom." Sabay tawang mapanutya.And this guy I'm with? Sya si Kaius Austin Miranda. We've been together for almost 2 years now. Former student sya dito sa school ko. Kakagraduate nya lang kasi last year as Cum Laude. Accountancy Student din like me. I dont want to brag or what, pero this guy? Sya yung tipo ng lalaki na madaming admirers. Bukod kasi sa gwapo sya at makisig, matalino din sya. He's into basketball pero mas gusto nya pa din ang pagaaral. Gentleman. Sweet. Respectful.
Swerte ko nuh? Kaya naman nung grumaduate sya at naiwan ako dito sa school, madaming naglakas ng loob na awayin ako. Kesyo inagawan ko daw sakanila si Austin, ginayuma ko daw. Isa na rin siguro yun sa dahilan kaya wala akong gaanong kaibigan sa school. I think they hated me for being Austin's girlfriend. And that doesn't bother me at all. Well, di rin naman kasi ako kagandahan. Saktong maputi lang. Shoulder length ang haba ng itim na buhok. May katangusan ang ilong. At may bilugang mata. Kaya para sa ilan, hindi kami babagay ni Austin.
"Love? Are you okay? Ang lalim ata ng iniisip mo? Gutom ka na ba talaga?" sya sabay tawa. Habang tumatawa sya. Parang nagslow motion yung paligid. Ayan nanaman kasi yung genuine nyang ngiti na nagpapalambot palagi sa tuhod ko.
"Alright I get it. Gutom ka na nga. Lumilipad yung isip mo eh! Come here, pili ka ng gusto mo." Hinatak nya ko ng mas nalapit sakanya. I can't help but stunned. Kahit yung amoy nya nakaka in love. Haayy Austin.
While we're eating. Biglang may tumawag sakanya. He excuses himself and I nod.
About my family? Masasabi ko sigurong, wala na kong pamilya. My parents died in a car crash grade school palang ako. From then on, I had to live with my grandmother. Who died when I was in my 2nd year in college. Nagiisang anak si Dad ni Lola. Kay Mommy naman, wala akong nakilala sa mga kamaganak nya. So 2nd year palang ako independent na ko. Bumubuhay sakin? Yung pinamana sakin pera ng Lola at yung bahay nya which is sapat lang for my schooling.
"God, Ally, the results are out. Benny just called, nakita na daw nya yung result sa board exam." tuwang tuwang sabi nya pagbalik nya sa table namin.
"So? Ano na?.." Tanong ko kahit nahihinuha ko na yung isasagit nya.
"CPA na ko Love! Nakapasa ako!" Excited na sabi nya sabay yakap sakin ng sobrang higpit. Kaya naman ginantihan ko yung yakap na yun.
"I have to tell it to mom and dad. Sasamahan mo ko. Let's go!"
"What? Like, now? Wait I need to-.."
Di ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla nya akong pinatayo at hinatak palabas ng diner na yun papunta sa parking lot. Pero bago nya buksan yung pinto kung saan ako uupo, isinandal nya ko dito. At mariing tinignan sa mata."Love, magsisimula na yung pagbuo ko sa mga pangarap ko para saatin. I promise to do my best and give my all para magkaron tayo ng magandang future. Tayo at ng magiging mga anak natin." siniil nya ako ng isang matamis na halik pagtapos nun. Bago ako pinagbuksan ng pinto at pinapasok sa kotse nya.
Umikot sya sa kabilang side para sumakay. And I was like, What was that? Nababaliw na ba sya? O sobrang excited lang? I didn't know he's this dedicated. Ngayon ko lang nalaman na may ganung pangarap sya para samin. At mga anak namin?.. Ng marealize ko lahat ng sinabi nya. Pakiramdam ko uminit yung pisngi ko. At gusto ko magtago sa loob ng bag ko.
This man, he never fails to stun me.
YOU ARE READING
Too Late To Regret
General FictionHer greatest regret were white lies, while his was losing her love for him.