Chapter 2

41 0 0
                                    

Allison's POV

We went to their house. And along the way di  ako mapakali. Panay din ang tingin ko sa salamin. Paano ba naman kasi, Austin never gave me a chance na umuwi muna saglit para sana makapagpalit ng mas maayos at presentableng damit. For godsake, imimeet ko ang parents nya for the first time I need a good first impression syempre. Hindi ko tuloy mapigilang sumimangot dahil wala man lang kahit lipstick sa bag ko o foundation. Pulbos lang. Sino ba naman niloloko ko? Eh hindi rin naman ako marunong mag make up.

And if you are asking kung bakit ngayon ko lang mamimeet parents nya. Ako kasi nagsabi sakanya na huwag muna. Gusto ko kasi pag humarap ako sakanila yung mga maipagmamalaki naman ako. Ayokong isipin nila na ulila ako na umaasa lang sa namana. Ayoko ding isipin nila na humuhuthot ako kay Kaius. I know, its a bad habit na pagisipan ko n ganun yung parents nya. Pero kasi, they are very rich and a well-known family. While me on the other hand, langgam lang na maituturing sakanila. Kaya siguro ganun na din ako kaparanoid magisip ng kung ano ano tungkol sakanila. But this man? Nakalimutan na ata yung sinabi kong huwag muna ako ipakilala. I guess I have no choice then.

"Stop frowning love. You dont have to try hard to look beautiful. Because you already are beautiful." sabi nya habang nakatingin sa daan at nagmamaneho. Napansin nya sigurong hindi ako mapakali.

"Paano ba naman kasi. It's your parents Austin. It's my first time meeting them. I just want to look presentable." sabi ko na may halong pagkairita.

"One thing na gusto ko sa mga magulang ko eh, yung kahit sa anong bagay sinusuportahan nila ako. Pero syenpre hindi sa mga maling bagay. Hindi sila yung tipo na kayang magjudge ng isang tao sa unang pagkikita palang. And I know they will like you. Trust me. I know them very well. Baka nga maging sobrang close pa kayo ni Mommy eh kasi halos parehas kayo magisip." aniya.

"I dont know, it's just that, ayokong magmukhang katawa tawa sa harap nila. I mean, Im your girlfriend, baka iba yung ineexpect nilang ipapakilala mo kesa sa makikita nila."

"They heard enough love. So chill okay? They will like you."

"Heard enough? You mean kinukwento mo ko sakanila?"

"We're almost there love."

At dahil sa sinabi nyang yun. Halos kumalabog yung dibdib ko sa kaba. Naku Lord, magustuhan kaya nila ako.

"You ready?" tanong nya ng huminto kami sa tapat ng malaking gate.

"Kung sasabihin ko bang hindi, babalik na tyo para makapaghanda muna ako?" sagot ko ng may halong kaba.

"Silly. Relax okay. I promise, everything will  be fine."

God, para akong hihimatayin. Sa school palang mataas na yung reputasyon ni Austin. Kaya naman nung makapasok kami sa gate, halos manliit ako sa laki ng bahay nila. Bahay ba? O mansyon? At dahil dun mas lalo kog napatunayan na hindi basta basta ang pamilya niya. Kaya mas lalong nadagdagan yung takot ko na baka hindi ako magustuhan ng magulang niya.

Pinagbuksan nya ako ng pinto para makababa. At di ko mapigilang mamangha sa nakikita ko. Sumisigaw ng karangyaan ang mga bagay na nakikita ko dito palang sa labas. Paano pa kaya sa loob?

"Hi son!" wika ng isang ginang na may katandaan na ngunit mukhang sopistikada at gaya ni Austin ay may matamis ring mga ngiti. Marahil dito nya ito namana. Teka.. Its his Mom.
"Hi Mom, I'd like you to meet Allison. My girlfriend." sabay akbay sakin.
"H-he-hello po.. Ma'am.." sabay abot sakanya ng kamay ko para sana makipagkamay.

Tinitigan nya lamang yung kamay ko at sa pagkakataong yun, gusto kong lamunin ako ng lupa. Ngunit bago pa man mangyari yun, ngumiti sya sakin ng pagkatamis tamis at hinatak ako para bigyan ng mahigpit na yakap.
"I've heard so much about you hija. Call me Mommy Alicia. I know soon you will be a part of our family." bulong nya habang nakayakap saakin.
At dahil dun para akong nabunutan ng tinik.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 09, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Too Late To RegretWhere stories live. Discover now