Hi Pandak 😄😄 Oh diba nag update na ang Idol nyu heheh 😁😁 Gusto ko lang humingi ng sorry sa pag tatalo natin 😟😢 Alam ko nasasaktan kita , kulang ang isang daang 'SORRY' para mapatawad mo 'ko .. walang kwenta 'yung Oink mo Ma , ang alam lang nya 'yung maging loyal sa'yo at hinde ka kayang lokohin kahit kailan 😟😟 Sinasabi ko lagi sa sarili ko na kailangan nakangiti ka lang , ayoko ng makitang umiiyak ka dahil sa sama ng loob mo sa'kin , alam ko wala akong ka-effort effort sa katawan , ito lang nakayanan ko .. ang isang UD para sa'yo sana mapatawad mo 'ko sa away natin ,, I Love you Mahal 😍😘😋😄 Tandaan mo lagi na hinde ko sinasadya kung masaktan man kita , Miss na kita Mahal :( uwi ka na .. di na ako galit Hahahah Love you Pandak ! 😍😘
-Oink
---------------------------
Lumabas na si Alyssa sa kwarto nya ng makita nyang prisentable na ang ayos nya , tulad ng pinoproblema nya nitong mga nag daang araw , kailangan nyang makakuha ng trabaho para sa pamilya nya , kundi magugutom sila .
Lito - " Oh Anak , mabuti naman at gising ka na .. tara kumain ka muna dito bago ka pumasok sa trabaho mo "
Nakita ni Alyssa ang kanyang Ama na nag hahain , marahan na napangiti si Alyssa saka tumango . Naiisip nya paano sya makakalunok kung alam nya sa sarili nya na wala naman talaga syang trabahong nakuha . " hayyy bahala na , basta ngayun kailangan kong makakuha ng trabaho .." sa isip na lang nya
umupo na si Alyssa at nag sandok na ng kanin saka kumuha ng isang itlog , umupo na din si Lito bago nag timpla ng kape . Bumaba na din ang tatlong kapatid ni ALyssa saka umupo din sa hapagkainina .
Arvie - " Hayyy itlog na naman ? Diba may trabaho ka na aly ? sana sa susunod , bumili ka naman ng hotdog "
Andrew - " Ano ka ba , mahiya ka naman sa bunso natin "
Kulas - " Tama .." sagot nito habang hawak 'yung libro na binabasa nya
napangiti na lang si Alyssa , kahit naman mahirap sila .. nakukuha pa din nilang mag saya . Kahit wala ng makain at kaunti na lang mawawalan na din sila ng koryente at tubig , nakukuha pa din nilang tumawa .
Aly - " Sige kuya , sa unang sahod ko .. bibili tayo ng hotdog heheh "
Arvie- " Talaga bunso ?! Wow Hahahah "
Lito - " Ano ka ba Arvie , hayaan mo si Alyssa ang bumili ng mga gusto nya .." saway nito
Aly - " Hindi po tay , ayos lang po sa'kin heheh .. para din naman sa'tin 'to kung bakit ako nag tatrabaho eh "
Andrew - " Sige kumain na tayo , ikaw naman kulas , tama na nga 'yang pag babasa mo .. kaya nalabo paningin mo eh "
kulas - " wala naman tayong T.v eh kaya mag babasa na lang ako .." sagot nito sa kuya nya ng hindi man lang tumitingin
Aly - " Oo nga naman , ano ba yang binabasa mo kuya ? "
kulas- " ah wala , wattpad lang heheh .. 'yung Nerdy Fighter lang "
Nilapag na muna nito 'yung libro nya saka nakisabay sa pagdadasal , pag katapos nito kumuha na din sya ng pagkain nya .
Arvie- " Nerdy Fighter ? tss ang baduy ata nyan ? Hahahah "
Andrew - " Grabe ka kay kulas, hindi naman nya pag pupuyatan 'yan kung wala lang diba kulas ? " kinindatan pa nito si kulas
Napatigil naman sa pag nguya ang ikatlong panganay sa mga lalake at tinignan ang dalawa nitong kuya ng masama . Nag pigil naman ang dalawang kulokoy at kunwaring ngumuya na lang ..
BINABASA MO ANG
I Do , I DIE (Alyden)
FanficGaano ba kahalaga ang ngiti sa isang babae ? Para sa taong handang gawin ang lahat maibalik lang ang dating ngiti na nawala dahil sa bangungot ng nakaraan , mahalaga 'yun . Maaring kahibangan lang 'yung gagawin nya pero alam nya sa sarili nya na mas...