PARAMDAM <3

292 15 1
                                    

"Haaaayyy..." pang ilang buntong hininga ko na 'to.

 Paano ba naman kasi, si Jethro.

Ako si Princess at si Jethro ang bestfriend ko.

Bestfriend ang turing niya sa akin pero ako bestfriend plus crush ang tingin ko sa kanya. Siyempre hindi niya alam yan kasi ayaw ko mag-iba pakikitungo niya sa akin.

Pero this past few weeks parang ano eh, parang nagpaparamdam siya.

Madalas niya akong purihin, akbayan, bilhan ng pagkain. Extraordinary care din pinapakita niya. Yung pinupunasan pawis ko, tapos sinasabi na dapat di daw ako masyadong nagpapagod.

Hindi naman niya kasi ginagawa yun dati.

"O sister ano na? Sa tingin mo ba talaga nagpaparamdam siya sa'yo?" sabi ni Max, yung isa pa naming baklang kaibigan.

"Medyo magulo din kayo ni papa Jethro eh, parang sa mga usual stories ng magbestfriend na nagkaka inlove-an" sabi niya

"Ewan ko ba dun kay Jets. Sana naman kasi sabihin na niya ng diretso kung talagang gusto niya ako para diba happy ever after na."

"E sister, baka nag-iintay lang naman si papa Jethro ng sign mula sa'yo. Kung magparamdam ka din kaya."

"Loka! Di naman kaya desperada labas ko nun?"

"Sira hindi yan. Sige ka, baka kapag hindi siya nakakita ng sign, mag turn left na siya."

"Turn left?" takang tanong ko

"Mangaliwa!"

"Alam mo ikaw, baliw ka na. Lakas ng topak mo eh no? Paano mangangaliwa eh hindi naman kami." sabi ko at iniwan na siya dun. 

-Pagdating ko ng Classroom-

"Cess!"

"Uy Jets!" sabi ko na parang usual lang pero siyempre with matching pacute

"Kamusta naman ang cute kong bestfriend?" cute daw oh

Eto, baliw na sa kaiisip sa'yo.

"O-ok lang naman."

"Alam mo na ba kakantahin mo sa foundation day? Two days na lang ah."

"Shoot! Oo nga no! Nalimutan ko na, kasi naman ikaw eh!.."

"Ako? Bakit ako?" patay nadulas

"Kasi ano... uhmm... ang pangit mo kasi! Tabi nga diyan." sabi ko sabay tulak sa kanya kasi naman naka akbay nanaman siya sa akin.

"Problema nun? Meron ba siya? Concerned lang naman ako." dinig kong tanong niya kay Max.

Concerned daw. Pumunta na ko sa upuan ko at napansin kong nagtatawanan na si Max at Jethro.

Haaayy! Ano nga ba dapat kong kantahin sa foundation day. 

Kung dun ko kaya iparamdam kay Jethro na gusto ko din siya?

-Foundation Day-

"Ang cute talaga ng bestfriend ko, kaya........" may binulong siya

"Kaya ano? Di ko nadinig!"

"Wala, sabi ko kaya ang gwapo gwapo ko!" connect nun?

Haay bahala na.

"Oh basta galingan mo mamaya ha. SIge ka, sayang outfit mo kapag pumiyok ka. HAHAHAHA!"

PARAMDAM &lt;3 (One shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon