Chapter 3

1 1 0
                                    

Sinenyasan sila nitong pumasok sa shop. Nasa ibabaw ng desk ni Zanaia Marie ang briefcase. Sinenyasan ng leader ang kasama nito na buksan iyon.
      "What the-----" usal ni Tristan na katabi niya.
      Samut-sari ang laman ng briefcase--- pictures,isang garapon,folder na mukhang scrapbook,pieces of clothing, mga kandila,maliliit na kahon.
      "Ano yan, brod?" tanong ni Theo. Sumiksik ito sa pagitan nila ni Tristan para makiusyuso nang matiyak nitong wala talagang sasabog.
      "I think I recognize-----" dinampot ni Tristan ang isang piraso ng kasuotan. "This." Itinaas nito iyon for all to see. "Into ang briefs kong Ninja Turtles! Matagal ko nang hinahanap to!"
      "Ibaba mo nga yan, brod. Ang baho!" wika ni Theo.
      Totoong may naamoy silang mabaho pero hindi lamang sa Ninja Turtles underwear nagmumula iyon kundi sa briefcase mismo.
      Inipit ni Tristan sa kilikili nito ang briefs at hinalungkat ang briefcase. "Ako to, ah! Itinaas nito ang isang larawan. " Ako rin to! Panyo ko to! Kurbata ko to! Medyas ko-----"
      "Paano napunta ang mga yan diyan?" nagtatakang tanong niya.
      "And what's that in a jar?" tanong naman ni Theo.
      Kinuha ng isang pulis ang garapon, itinaas iyon para suriin at lahat sila ay nagusot ang ilong. Walang dudang iyon ang pinagmumulan ng mabahong amoy.
      "Sa'yo rin to?" tanong ng pulis kay Tristan.
     "Ehh..." ngumiwi si Tristan.
      Yellowish, brownish at ubod ng baho ang laman ng garapon. Kinakalawang na ang takip niyon kaya siguro nakatakas ang amoy.
     "Tang-ina,ilibing mo na yan to," wika ni Theo.
      "Pabinyagan mo muna, pare," biro ng isang pulis.
      Condom ang laman ng garapon at base sa amoy, gamit na iyon at nabulok doon ang mga tiyanak ni Tristan.
      "B-baka hindi akin yan," ani Tristan.
      "Ipa-DNA test mo kaya," suhestiyon ni Theo.
      "This is sick," ganoon na lamang ang disgusto sa mukha ni Tristan. "Lahat ng nawawala kong gamit ay nandito. Sino'ng-------" Niyuko nito ang nakabukas na briefcase. Dumilim ang anyo, nagsalubong ang mga kilay, at saka dahan-dahang nag-angat ng mukha.
      "Zan-----"
      Sabay sila ni Theo na napalingon sa receptionist.
     "Ikaw ang may kagagawan nito!" saad ni Tristan sa babae "Sh*t! I trusted you!"
      "Pero...." anas ng babae.
      Tiningnan din niya ang briefcase. Sa gitna ng lid compartment ay may slate para sa pangalan ng may-ari. "Zanaia Marie Jones" ang nakalagay roon.
      "What's the meaning of this?" tanong niya sa receptionist na tatlong buwan pa lamang na nagtatrabaho sa kanila.
      "H-hindi akin yan. Maniwala kayo, sir.
     

"Curious Terrence And The Jilted Carnation"Where stories live. Discover now