Im with Harry Styles

113 8 9
                                    


"Hoy Misay magising kana nga sa katotohanang hanggang tingin kana lang jan sa Harry Styles na yan. Nangangarap kana naman eh" Sigaw sakin ng kaklase kong si JB

"Pake mo ba ?" singhal ko sa kanya at padabog na lumabas ng classroom para puntahan ang mga kabarkada kong nagtatawanan sa harap ng room.

"Oh ? Nakabusangot kana naman jan." nagtatakang bungad sakin ni Khaye.

"Psh. Nakakabadtrip si JB eh."nakasimangot kong sagot sa kanya kaya nagtinginan nadin yung apat ko pang barkada.

"Hahaha. Inasar kana naman ba about kay Harry ?" Tanung ni Aya sakin. Kaya tanging tango lang ang naisagot ko.

"Hay hayaan mo one day makikita din natin si Harry." Nakangiting sabi sakin ni Shane.

"Mrs. Maria Teressa Magsino-Styles" nakangiting sigaw ni Khaye habang mukhang kinikilig pa sa naiisip niyang future ko.

SANA.

Sana nga mangyari yan.

Dahil ngayon ...

Tanging hanggang sana pa lang ako ngayon. Tanging mga pictures,poster at videos lang niya ang pinanghahawakan ko.

Ako nga pala si Maria Teressa Magsino at isa ako sa milyon-milyong taga hanga ng One Direction lalo na ng pinaka-mamahal kong si Harry Styles.

Isa sa mga nangangarap na balang araw makita, mahawakan at mayakap siya.

"Huy Misay ?"tawag sakin ni Cess.

"H-Huh ? Baket ?" nagtatakang tanung ko kay Cess.

"Tulala kana naman jan eh, sasama ka ba ?"tanung ni Cess sakin.

"Bibili kami o dito ka lang kasama si Khaye at Aya?" sambit naman ni Shane na parang inip na nag-aantay sa sagot ko.

"Hindi na dito lang ako." Tumango lang yung dalawa at agad ng umalis para pumuntang canteen.

Kaya naman napatingin ako kay Khaye na busy sa pagkalikot dun sa cellphone niya at kay Aya na tahimik lang na nakaupo sa tabi ni Khay----

"OMG Misaaaaaay." Sigaw ni Khaye na kasalukuyang nakatayo na at parang maiiyak na sa saya na pinagtitinginan na ng mga kaklase naming at ng mga estudyante sa kabilang room.

Buti na lang at dito sa second floor ang room namin, kundi pinagtinginan na naman kami nito.

"Hoy maupo ka nga andami na ng nakatingin sayo, naka-" bulyaw ni Aya sa kanya na naputol din kaagad dahil sumigaw na naman si Khaye.

"Misay may concert si Harry dito sa Pinas." Nakangiti at naiiyak ng sigaw ni Khaye sakin.

"Edi mabuti magcoconcert na siya dit---MAGCOCONCERT SI HARRY ?" Pasigaw kong tanung sa kanya.

"OO BAKLAAAA." Sigaw niya din sakin kaya mas lalo na kaming pinagtinginan.

"M-magcoconcert siya d-dito." Umiiyak kong bulong sa sarili ko kaya napatingin ako kay Aya at Khaye na naluluha na din na nakatingin sakin. Lumapit ako sa kanila at niyakap sila habang umiiyak at nagtata-talon.

•••

"3,994"

"3,995" bilang ko sa kahuli-hulihang pera na natitirang nakakalat sa kama ko.

"3,995 lang ? Huhu kelangan ko ng 6,890 para sa VIP ticket." Umiiyak kong sigaw habang nakatingin sa tatlong alkansya na binutas ko.

"San ako kukuha ng 2,895 ?" umiiyak kong bulong sa sarili ko at kinuha ang cellphone ko at nakitang may text na si Aya, Khaye at Shane.

Im With Harry Styles Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon