Akala ko puro happy endings kapag kwento tungkol sa love pero nagkamali ako.
Noong nagtratrabaho ako sa isang commercial company ay may nakilala ako dun. Isang lalaki na gwapo, mestizo, matipuno ang katawan at maporma.
Isang araw, nung nasa cafeteria ako ay may umupo sa table na kinauupuan ko at sa harap ko pa talaga umupo at nagpakilala sakin. "Miss, pwede ba kitang i-entertain kahit habang kumakain tayo" sabi niya na with charming looks.... Patay tayo dyan baka malaglag yung puso ko sa kanya agad-agad. "Ok sige. Pero bago muna yun ay ano muna name mo?" Sabi ko na walang kasiguraduhan kundi seryoso portion muna ako. "Ako nga pala si Hanzriel. 2 years na empleyado dito. Ikaw, ano naman name mo?" "Ah ako si Jhiezelyn. 3 years na empleyado din dito. So, ano naman yung mga hobbies mo kapag rest day mo?" "Ahmp... Watching hollywood movies and listening music like love songs and opm." "Ah... Nice naman".
Habang nag-uusap kaming dalawa ay hindi ko namalayan na 1pm na pala kaya hiningi ko yung number niya at saka ako umalis para bumalik na sa work dahil para matapos na yung mga paper works na ipapasa sa department head namin bukas ng umaga.
Kinabukasan ay natapos na rin sa wakas ang mga paper works na ginagawa ko at tinext ko si Hanzriel na magkita kami sa isang resto na malapit lang sa kumpanya na pinagtratrabahuan namin at nagreply siya. Sabi niya na oo sige kita tayo doon at natuwa naman ako dahil pumayag siya kasi ngayon lang ako nakipagkaibigan sa lalaki dahil before puro girls ang kaibigan ko.
Nung nagkita na kami doon sa resto ay nagkwentuhan kami sa mga bagay-bagay at sa bandang huli ay nahulog na ang loob namin sa isa't - isa.
Naging magjowa kami ni Hanzriel, maganda naman ang naging relasyon naming dalawa pero noong 2 months na kami ni Hanzriel ay parang may ginagawa siya na ikasisira ng relasyon namin. Nakita ko si Hanzriel na may kinakasamang babae sa mall at masayang - masaya sila dalawa na lalo ko pang ikinagalit.
Tinatawagan ko siya sa cellphone ko pero hindi niya sinasagot yung mga tawag ko pero noong kinabukasan ay sinagot na niya ako. "Mahal mo pa ba ako?" "Oo, mahal pa rin kita! "Eh! Sino yung kasama mong babae?" Bigla siyang nanahimik pero after five minutes ay sinabi niya na yung babaing kasama niya ay yun ang pinalit niya sa akin.
Lalo talaga akong nagalit sa kanya. Kaya ang sinabi ko sa kanya na makikipagbreak na ako sa kanya.
Noong narinig niya yun ay binaba niya agad yung telepono niya.
Pagkatapos nung magbreak kami ni Hanzriel ay hindi ko na siya pinansin at nagleave ako sa trabaho ko nang isang buwan....
How sad talaga kapag ang saya sa simula ng isang relasyon pero sa bandang huli ay nauwi sa hiwalayan. So after niyo nabasa ito, ano kaya ang lesson na makukuha niyo dito?
Thanks for reading this story....,
BINABASA MO ANG
A sad story (based on real life) (one shot)
Short StoryIto ay isang kuwento na hango sa tunay na buhay. Ito ay kuwento ng isang babae na may magkakagusto sa isang lalaki. Naging magkasintahan pero magiging sila pa rin kaya hanggang sa huli? This was publish in March 2014.