Kyle POV's
"KYE!!!"
Sigaw ng isang boses lalaki sa likod ko kaya napalingon ako dito
"Joshua? Ikaw bayan?!"
Tanong ko dito na gulat na gulat dahil tatlong tao lang ang tumatawag sa palayaw ko at kabilang na siya dun
"Oo hay! Salamat naabutan kita!"
Sabi nito na mukhang pagod sa pagtakbo
"Ahaha, antagal na natin hindi nagkikita! Paano monga pala ako nahanap?"
Sabi ko at ngumiti
"Oo nga eh, kanina kasi bumibili ako dun sa Ministop ng maiinom dahil nga medyo pagod ako sa byahe papunta rito sa lugar na nilipatan niyo pero sa swerte ko nakita kita sa labas nun at palabas ka ng grocery store malapit dun kaya ito hinabol kita"
Sagot niya at ngumiti ng malapad
"Naku mukhang hindi kapa nakabili ng inumin mo halika may malapit na maiinuman dito dun tayo ano?"
Tanong ko dito at ngumiti naman ito ng abot tenga
"Sige ba! Matagal narin kitang hindi nakasama haha halika na!"
Sagot nito at inakbayan ako at lumakad na kami
Hello nga pala sa inyo ako si Kyle Garcia, mag-18 sa October 13, mag aaral ng Engineering sa darating na pasukan bilang 3rd Year College, may isa akong nakakatandang kapatid at yun ay si Kuya Rody Garcia isa siyang Manager sa isang maliit na company na pinapasukan niya ngayon kaya maayos naman ang pamumuhay namin si Mama ang House Wife sa bahay at si Papa naman ay isang butler hindi kolang alam kung saan dahil minsan hindi naman ito nagkukwento tungkol sa trabaho niya kaya hinahayaan nalang namin dahil baka pagod siguro ito
At ito pala si Joshua Ivan Del Mundo isa sa mga bestfriend ko well hindi lang naman siya ang bestfriend ko pero mas close ko siya dati pa pero dahil sa lumipat kami ng matitirhan kaya hindi na kami nagkikita simula noon, pero ngayon masaya nako dahil andito na siya kaya magiging mas masaya nanaman ang buhay ko
"Kamusta ka na pala? Matagal din akong walang balita tungkol sayo doon sa San Antonio ah?"
Tanong ko dito habang andito kami ngayon sa harap ng park kung san ko siya dinala, bumili kami ng 2 palamig at tig 2 sticks ng street food, solve na kami dito simula dati ganito na ang hilig namin
"Okay naman ako doon kaso kailangan kong magkaroon ng kahit manlang kaunting pera para matulungan sila Mama at mga kapatid ko kaya andito ako sa Manila para maghanap ng mapapasukan at mahanap ka narin haha!"
Sabi niya at tumawa kaya napatawa narin ako pero napalitan yun ng awa para dito
"So kailangan mo nang mapapasukan ngayon? Eh pano ang pag aaral mo dun sa lugar natin?"
Tanong ko rito at kinain saglit yung kwek-kwek, napatigil naman ito sa pagkain at uminom saglit
"Edi dito ko ipagpapatuloy tsaka parehas naman tayong magte-3rd year college eh diba? Atsaka isa pa wala naman siguro bayad yung school na pinapasukan mo?"
Tanong nito
"Oo wala, atsaka dun ka muna sa amin makitira tiyak na matutuwa sila Mama na makita ka haha!"
Sabi ko at tumawa kaya napatawa narin siya
"Seryoso ka? Hindi ba't nakakahiya naman yun kung makikitira ako sa inyo tapos wala pa akong dalang malaking pera para-"
Napatigil ito ng salpakan ko ito ng kwek-kwek sa bunganga
"Hep-hep! Ano kaba kaibigan moko kaya handa kitang tulungan sa mga problema mo, tsaka antagal na nating magkaibigan hindi ka parin nasanay? Hahaha! Kumain na nga lang tayo tapos pupunta na tayo sa bahay namin dahil baka malagot ako kay Mama kapag hindi kopa naiuuwi yung mga grocery na pinabibili niya sakin"
Sabi ko at tumawa sa itsura niya kasi habang ngumunguya siya nakasimangot siya hahaha cute lang! Teka?! Cute?! Aish! Ano ba Kyle!
"Oo na po! Pero maraming salamat Kye ah? Napaka-bait mo talaga! Payakap nga namiss na kita yakapin eh!"
Aktong yayakap na sana siya ng tumayo ako at kinuha ko yung mga pinamili ko
"Hahaha! Halika na tsaka ano nalang ang iisipin ng mga tao rito oh! Hahaha!"
Sabi ko at tumawa sa itsura para tuloy sasakit yung tiyan ko sa dahil sa kaniya pero napahinto ako ng pagtawa ng may biglang naramdaman akong yumakap sakin
"Ang sarap lang ng ganito Kye antagal din simula nung nayakap kita ng ganito, at anlaki ng pasasalamat ko sa diyos at sa iyo dahil may taong kagaya mona mala anghel"
Nakaramdam naman ako ng init sa sinabi at sa puwesto namin ngayon hindi ko alam kung ilang tao naba ang nagtitinginan sa amin ngayon karamihan ay mga bata dito sa park
'Anu na Kye? Wala kabang balak iuwi yang pinamili mo?'
Nabalik ako sa ulirat ko sa sinabi ng isip ko kaya naman humiwalay ako sa yakap nitong si Josh
"Ikaw talaga Van! Halika na baka mahambalos ako ng malaking sandok ni Mama dun sa bahay hahaha!"
Sabi ko at tumawa naman siya
"Akina iyan ako na mag bibitbit"
Sabi niya at kinuha ang dalawang malaking supot na naglalaman ng mga pinamili ko, napangiti nalang ako sa sarili ko
'Ano ba Josh huwag ka ngang ganiyan baka.. HOI Kye! Gumising ka nga sa iniisip mo naku!'
Sabi ko sa isip ko
#WATTYS2017
#GaySeries
#Bromance-KimPanda25
BINABASA MO ANG
My Childhood Friend is My Master
FanficSi Kyle Garcia ay isang simpleng tao lamang at tahimik ang kaniyang buhay pero ng siya'y tutung-tong ng labing walong taong gulang ay nag-simulang maging isang buhol na sinulid na ang kaniyang buhay simula ng maging pambayad utang siya ng kaniyang m...