Sabay-sabay kaming lima pumasok kaninang umaga kaya ngayon, sabay-sabay din kaming kumain ngayong lunch break. Naghintayan kaming lima eh, si Fia kasi kinausap pa yung pinsan niya sa kabilang room. Magkakaklase kaming lima, pero si Den at Rej ang kaklase ko mula grade 8. Si Berry at Fia naman nakilala lang namin last year, buti nga naging magkakaklase kami ngayon eh. Nagtatawanan kaming apat habang si Berry naman nakatingin sa cellphone niya at aba! Kilig na kilig ang lola niyo!
"Ano nanaman yang kalandian na yan?" sabi ni Fia.
"Tignan niyo dali!" sigaw naman ni Berry habang hinaharap sa amin yung phone niya.
Si J-Hope, V at Jin yung sumasayaw. Ang cute nila kasi yung Firse 'tsaka Boy In Luv na kanta nila, ginawa nilang pambata. Sa sobrang cute hindi mo talaga mapipigilang mapangiti. Nood lang kami ng nood tapos tawanan din kami ng tawanan hanggang sa pinagtsi-tsismisan na nila Den at Fia yung tatlong grade nine na na-guidance. Hindi naman ako nagsasalita kasi wala naman akong dapat sabihin kaya nakikinig nalang ako sa kanila. 'Di rin nagtagal nagyaya si Den na mag-cr, ako na yung sumama sa kaniya kasi busy yung tatlong magtsismisan sa kahit na anong bagay. Tsk. Mahahalata mong laking kalye kahit hindi eh.
Hindi naman kalayuan sa bench na kinauupuan namin yung building kayamedyo binagalan namin ni Den maglakad.
"Miya, alam mo na ba yung susunod na lesson? Hindi ko kasi ma-gets eh." tanong ni Den.
"Oo, pero madali lang yun ah? Ang nagpahirap lang naman doon yung mga formula."
"Kaya nga eh! Alam mo ba nung pinipilit kong intindihin yun, halos magkabuhol-buhol utak ko! Tapos yung nangyari nga pala kay Luke? Yung naging panlaban siya ng math club 'tsaka MTAP? Alam mo na ba yun?" Tuloy-tuloy na sabi ni Den. Umiling lang ako.
"Ang galing niya kaya! Napanalo niya yung school natin sa Math! Pero second place lang daw tayo sa MTAP eh, pero atleast diba? Tapos yung mga teacher nagkaroon na ng..." tuloy niya.
Tuloy-tuloy lang talaga si Den hanggang sa paglabas niya ng cubicle. Hindi ko masasabing madaldal si Den pero ganon na talaga siya. Actually, hindi ko madescribe sa sarili ko kung ano yung tunay na definition ng madaldal dahil buong buhay ko, napapaligiran na yata ako ng mga madadaldal na tao. Sanay na siguro ako? Minsan nga tinatanong nila kung napapanis ba yung laway ko, siyempre iiling ako kasi hindi naman talaga. Pero ganto na talaga ako simula pa noon.
"Kamusta na nga pala yung sampu mong manliligaw, Miya?" pambungad naman.
"Ewan ko sa kanila, ni hindi ko nga sila kilala eh." sabi ko ng halatang walang pake sa kanila.
"Sus, wala daw! *habang tinutuyo yung kamay niya* biruin mo sampung manliligaw meron ka?! Ako nga pangarap ko lang yan eh! Tapos ikaw? Ikaw na hindi man lang nagpapakita ng ekspresyon sa mga pinagsasasabi ko, magkakaroon ng ganon kadami?!" ang ingay naman, sumisigaw kasi eh.
"Tigilan mo nga ako Den. Edi sayo nalang sila."
"Sus, yabang naman. Haha."
Nakabalik na kami sa tatlong hindi parin tapos magkuwentuhan, at thank you po Lord dahil napag-isipan din nilang bumalik na ng classroom. Balak ko kasing planuhin yung mga gagawin ko sa mga susunod na araw, may planner kasi na binigay si Mama sa akin kaya gianagamit ko. Lakad lang kami ng lakad hanggang sa makaabot kami ng pintuan ng classoom, pero may lalaking nakatayo doon na mukhang may inaabangan. Nakapamulsa pa nga eh. Patuloy lang kaming lima hanggang sa biglang humarang yung matangkad na lalaki. Problema nito?
"Hi Miya, hindi mo ako nirereplyan kagabi kaya hinintay kita dito." sabi nung lalaki.
Eto namang apat na 'to, iniwan akong magisa! Hindi ba nila ako ilalayo sa taong 'to? Tinignan ko ng nagtataka yung lalaki.