Chappy 3

2 2 0
                                    

Ken's POV

*vibrate vibrate* (text yan. *ring ring pag call*😂😂)

*phone convo
Drake: pre asan ka? Kanina ka pa namin tinatawagan di ka nasagot.

Me: padis.

Drake: at ano namang ginagawa mo diyan? Ang daya mo pre! Di ka nagyayaya!

Di ko na siya nireplyan and yes nasa padis ako ngayon. Nacurious ako sa sinabe niya kanina so I decided na magpunta din dito, hoping na may makalap akong impormasyon. At tama nga ako, may nakalap akong impormasyon. Importanteng impormasyon. I never saw Cassandra being heart broken. And it is heart breaking. I don't know why pero parang ang sakit na makita siyang ganyan. Yung akala mo matigas at walang puso, ito ngayon sa harap ko. Nagpapakalasing at humahagulgol. Cassandra, the heart breaker is broken hearted. 💔 Ngayon nagdadalawang isip na ko kung itutuloy pa ba yung plano. Pag tinuloy ko baka mas dumoble yung sakit na nararamdaman niya. Pag hindi ko naman tinuloy hindi mapapasaakin si Isha. Now what should I do?

Napansin kong nakatulog na siya sa balikat ng kaibigan niya. Nakita kong bumaba yung kaibigan niya sa high chair habang inaalalayan si Cassandra. Napansin ko na medyo pagewang gewang yung kasama niya kaya medyo lumapit ako para umalalay sa likod nila. At ayon nga nung ibababa na niya si Cassandra sa upuan na out of balance siya buti na lng nakaalalay ako sa likod at nasalo ko si Cassandra. Yung kaibigan niya? Ayon napaupo sa sahig.

May lumapit na 2 waiter inalalayan patayo yung kaibigan ni Cassandra. Tapos yung isang waiter akmang kukunin sakin si Cassandra. Inilayo ko siya sa waiter.
"Sir ihahatid na po namin sila sa bahay nila."

"No. Give me their address. Ako na maghahatid sa kanila"

"Pero sir hindi po puwede. Kami lng po yung may permission na ihatid sila pag nalasing"

"Kaibigan ko sila" kinuha ko yung phone ko at tinawagan si Cassandra. Yuuuup. Nakuha ko na agad yung number niya 😂

*riiiiing riiiiiing* napatingin yung waiter sa phone ni Cassandra

"Isa pa?"

"Hindi na po sir. Pasensya na ho. Kukunin ko lng po yung address nila."

Pagbalik niya, isang address lng binigay niya.

"Bat isa lng to?"

"Sir si Ms. Patricia lng po ang nag iwan ng address dito. Ayaw po kasi ni Ms. Cass na nagpapahatid sa bahay niya kaya dun na lng din namin siya iniiwan sa bahay nila Ms. Patricia"

PlaygirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon