Chapter 5:Pagbabalik

5 0 0
                                    

6 Months Ago.

Naglalakad ako sa isang park ng biglang gumulat saakin. Si raz lang pala.

"Ano ba raz ang hilig mong manggulat!"

"Haha di kana nasanay april, Hmm magbibigay nga pala ako sayo!"

"Ano naman yung ibibigay mo saakin?"

"Tantananan!! Isang teddy bear ang cute cute nya noh? Sayo na yan!"

"Ano kaba raz masyado na akong malaki para bigyan mo nyan!"

Di ko masabi na ayoko ng regalo nya saakin dahil baka kung ano pa ang maramdaman nya kaya tinanggap ko nalang kahit na inis ako at baka masanay sya na teddy bear ang ibigay nya saakin lagi imbes na chocolate na paborito ko.

"Alam mo april ang ganda mo talaga!"

(Tsk nambola pa ang kuripot) pabulong na sambit.

"Ang ganda mo talaga april kaya ayokong mayumagaw sayong iba kaya ipaglalaban kita kahit pa iaalay ko ang aking buhay"

"Tsss. K."

Nakapansin ako sa pamatay na titig ng dalawang mama sa aming gilid
Kaya nagpasya na akong umalis doon.

"Raz tara na bilisan mo nagugutom na ako!"

"Teka lang naman may tindahan naman dito ah!"

"Ayoko jan hindi masarap ang fishball jan!"

Nagulat ako ng harangin kami ng dalawang mama habang nag sasalita.

"Ang ganda mo naman miss hatid na kita!"

"Sumama kana saamin miss libre pa lahat"

Nakaramdam ako at nagiisip ng gagawin ng biglang sumigaw si raz.

"Hoy!! Umalis kayo sa dinadaanan namin!"

"Aba? Matapang ka totoy! Sawa kana ba sa buhay mo?

Napatingin ako kay raz na halatang takot na takot at bigla nalang itong nagsalita.

"April uwi na akp ha! Ingat ka! Hinahanap na siguro ako ni mama bye!"

"T*ngN* kala ko ba paglalaban nya ako?"sambit sa sarili.

At lumipas pa ang ilang minuto ay hinawakan na ako ng dalawang mama sa balikat at ramdam ko ang gigil nila.

"Ahhh mga bastos hayup kayo lumayo kayo saakin!" Sambit ko.

At habang papalapit ang ulo ng mama saaking mukha ay may biglang sumapak dito kasabay ng paghila sa damit ko palayo sa dalawang manyakis.

"Naalala ko yung mga oras na yun.
Kahalintulad ng ginawa ni lhyl saakin dati nung may magtangka saakin"

Balak ko sanang tingnan ang mukha ng lalaki ngunit tinulak ako nito at sabay sabi ng ( umalis kana dito ng hindi kana mapahamak)

Napatango nalang ako sa sinabi nya at sabay takbo na ako palayo.

"Sino ba sya? Bat ang sungit nya?"

Di ako mapakali sa mga tanong na paikot ikot saaking isipan kaya bumalik ako sa may bandang atheneum,
At nakita ko ang dalawang mama na nakahiga sa lupa at nanghihina.

"Teka parang yun yon ah?"sambit sa sarili.

Sinundan ko ang lalaking nagligtas saakin hanggang sa makarating na kami sa Love Memorial Park at makaraan ang ilang minuto ay lumuhod ito at nagalay ng mga bulaklak sa isang nityo.

"Wow ah! Ang drama nya rin pala, saka bakit naka all black sya? Hihi baliw lang? Sambit sa sarili."

At ng matapos na ang lalaki ay umalis narin ito at dun ako nagkaroon ng pagkakataon na lapitan ang nityo.
At ng mabasa ko ang pangalan ng nakalibing duon ay nanlaki ang mga mata ko sa pangalang nabasa ko.
TRIXIE ZENEMIJ. Eto nga ba yung babaeng sinambit ni lhyl nung huli kaming nagkita? Ano bang nangyare dito? Posible kayang si lhyl nga yung tumulong saakin?

--

Nagulat ako ng may humila ng braso ko at sabay banggit nito ng --

"Anong ginagawa mo dito?

Di ako mapakali ng magsalita ang lalaki mula sa likuran ko at sobrang lakas ng kabog ng puso ko ng hawakan pa nito ng mariin ang braso ko! At ng masaktan na ako sa pagkakakapit nya ay pinilit kong pihitin ang aking katawan para makita ko ang itsura ng lalaki! Laking gulat ko ng makita ko ang mabilog nitong mga mata at pangong ilong? Teka pango? Hindi pango si lhyl!

"Bitawan mo nga ako sino kaba? Sambit ko.

"Ako si efren anong ginagawa mo sa nityo ng kapatid ng tropa ko?"

"Ahh wala nililinis ko lang!"

"Ahh pwede paki linis narin ng nityo ng lola ko? Eto isang daan oh!"

Nanggigil ako sa inasta ng efren na ito kaya di ko napigilan ang sarili ko.

"TangNaMo! Di ako tagalinis ng nityo ng kamaganak mo kaya wag mo ako mautos utusan! Ang lakas ng loob mong utusan ako at pahiyain jan sa kasama mo!

"Teka sabi mo kasi nililinis mo yung nityo ng kapatid ng tropa ko?"

Biglang nagsalita ang kasama nitong efren!.

"Teka sino ba yang kausap mo efren?

"Di ko kilala to lhyl."

Nagulat ako ng marinig ko ang pangalan na lhyl kaya agad akong dumungaw sa likod ni efren para masilip ang mukha ni lhyl.
At ng makita ko sya ay parang pumula ang paligid at nililipad ako ng hangin sa nakita ko.

"April?"

"Lhyl?"

"April ikaw na nga? Musta kana? Anong ginagawa mo dito?"

"Lhyl? Ikaw ba yan? Ang daya mo naman bakit mo ako iniwan? Bat di ka nagpakita? Di mo ba alam na namiss ko yung rice cooker mo?
Ang daya mo! (Galit at naiyak na sambit ko)

"Teka wag ka ng umiyak april. Dapat nga ako ang naiyak ngayon e dahil sa nangyari sa kapatid ko. Tahan na.
Ganito nalang tutal namis mo rice cooker ko mag didinner tayo ngayon na!"

Napaisip ako habang naiyak kung sasama ba ako o magtatampo sa kanya na parang girl friend nya ayiie. Ano ba yang nasaisip ko! Pero bago ako magdisisyon ay natanong ko sa kanya kung anong nangyari sa kapatid nya? Yun ba yung trixie?.

---

Sorry guys pumangit ang pagbabalik kasi nakagawa na ako nito totally e. Kaso biglang nahulog cp ko at nagkalas sa tatlo at ng binuksan ko ulit ay nabura yung draft ko sa wattpad na chapter 5 kaya gumawa ako ng bago ito na ang kinalabasan tinamad kasi ako e. Kainis

Hello tricia geducos magiwan kayo ng vote at comment bago umalis

Chapter 6 is coming haha.

Enjoy.










You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 17, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Who Are YouWhere stories live. Discover now