Aish. Wala akong nakuhang sagot kung bakat ba ang bra ko o hindi. Ewan ko ba dun sa Sir Von na yon kung pano nya nakikita ang bra ko. May x-ray ata ang mga salamin nun eh, o sadyang pervert lang siya. Palagay niyo?
Ayt. Wala na kong ibang binanggit sa inyo kundi bra. Anyways. Alam kong mababadtrip ako ngayon. Bakit? May pasok ulit kami sa klase ni Sir Perv este Sir Von. Dapat every other day ang meeting namin sa kanya eh. Hiniram niya ung time nung isa naming prof. At take note, dalaga un ha. Ano kayang ginawa ni Perv para mahiram ung time niya?
Good news for us kasi naligtas kami sa quiz, but VERY BAD news to me kasi naasar ako sa kanyang kamanyakan -__-
Pramis nakaka turn off!
Padabog akong umupo sa favorite seat ko. Alam niu naman, pag college. Hindi uso ang cheating arrangement. Este seating arangement pala.
Maya-maya pa eh dumating na din ung iba ko kaklase pati na din ang maingay kong bespren na si Lala.
"Girl, ang aga mo ata ngayon. Excited ka na bang makita si sir?" bungad niya sakin.
Napatingin naman ung iba kong mga classmate. Na halatang nakiki-chismis lang.
"As if naman gusto kong makita ung manyak na un noh!" sabi ko.
Ang manyak manyak nun. Alam niyo na naman ang dahilan kung bakit ah.
"Alam mo parang may gusto sayo si sir." sabat nung isa kong classmate.
Oo, may gusto siya sakin. Gusto niya kong asarin at inisin lagi. Isip ko.
Teka, sino ba siya para makisabat sa usapan ng may usapan. Were not even close.
May sasabihin pa sana ako nang biglang pumasok ng room namin si Sir Von.
Tumingin lang ako ng masama sa kanya tas nakita ko namang umayos na ng upo ung mga kaklase ko.
"Good morning class." bati niya. Nag greet din naman ung mga kaklase ko. Pero ako, no comment lang.
"Sorry kung kailangan kong hiramin ung klase ni Miss *insert name of teacher here*. Alam ko namang gustong-gusto niyo magklase sa kanya..." hindi pa tapos ung sinasabi niya eh umepal na ung mga kaklase ko.
Makakarinig ka ng :
'Ok lang sir, mas gusto naming magklase sayo.'
'Mas gusto ka namin sir. Masungit un eh.'
'Buti nga hindi kami nakapag quiz sa kanya ngayon eh!'
At kung anu-ano pang side comments nilang walang kakwenta kwenta.
"Well, may good news and bad news kasi ako sa inyo. What do you want first?" tanong niya.
Nagsigawan naman ung mga kaklase ko na 'good news' daw.
Ako naman, walang pakielam. Hindi ako interesado.
"Ok, the good news is, mapapaaga ang end ng klase ko sa inyo this sem. Imbis na 2nd week ng March, it will be moved at 4th week ng February."
Umingay na naman ung klase. Ngumiti naman ako. Two weeks kong hindi makikita ang loko.
Dapat na ba kong magcelebrate? Partey! Partey!
"Hephephep! Wag muna kayong masyadong magsaya. May badnews pa ko."
Napa-awww namang ung mga kaklase ko.
"Nakausap ko na ang dean tungkol dito. May dapat kasi akong asikasuhin kaya mapapaaga ang end ng klase ko. At ang sabi ng dean, before ko daw kayo iwanan, dapat magpasa kayo sa kanya ng written report kung anong natutunan niyo sa subject ko."
Bad nga un! Written report? Dagdag trabaho na naman. May thesis pa kami eh. . . *pouts*
Nagreact na naman ung mga kaklase ko. Kahit na bad news un. Di ko ipapakita na naapektuhan ako sa kanya. Tss.
"Before I forgot. May isa pa kong good news." napatigil naman sa pag-eemote ung mga kaklase ko.
"May exempted sa written report." sabi nya.
"Ilan sir?" tanong nung atribida kong classmate. Nagpapacute pa kay sir.
"Isa lang." ngumiti naman siya.
Tss. Pangit ng ngiti niya. Pang manyak pramis!
"Ang swerte naman nung exempted." bulong sakin ni Lala.
Tumango na lang ako. Swerte talaga ung exempted kasi mababawasan ung requirements niya sa pag graduate.
"Ms.Tanya." narinig kong tawag niya.
Lahat naman ng atensyon ng buong klase ay nasa aming dalawa. Halatang naghihintay sila kung anong mangyayari.
"Anong kailangan mo?" mataray na tanong ko sa kanya. Nakita ko na naman ung manyak niyang ngiti na sobrang mapang-asar. Dont tell me ide-describe na naman niya ang bra ko?
"Exempted ka sa Written Report." emotionless niyang sabi.
"WHAT?!"
Nagbulong-bulungan na naman ang mga bubuyog. Sinasabi nila na ang swerte ko daw, may gusto daw sakin si sir kaya ako inexempt, binabayaran ko daw si sir at kung ano-ano pa.
"I dont need the expemtion kung walang matinong reason. Its unfair." sabi ko.
Totoo naman eh. Unfair sa mga kaklase ko. Napa-gasp naman sila. Di ata sila makapaniwala na kaya kong tanggihan ang exemption.
"Tatanggapin mo ung exemption o hindi ka ga-graduate?" mapang-asar niyang tanong.
Nakatingin lang ako sa kanya at siya din ay nakikipagsukatan ng tingin sa akin.
Ayokong tanggapin ung exemption kung walang reason!
"I'll go out with you later. May date tayo. Kita na lang tayo sa parking lot. And that's an order."
What the?! Inannounce niya sa buong klase na niyaya niya kong mag date?
Nagsimula na namang bumulong ang mga bubuyog at umalis na si manyak sa room.
Ano pa bang bad news ngayong araw?
Matutuwa ba ko dahil exempted ako sa written report? O maiinis dahil sa broadcast na pagyayaya niya ng SAPILITANG date!!
I can't believe it.
--
Super late update! Sorry po!
Babawi po ako ulit next time!
Thanks!
Love,
Airi :)