Zheng Scarlett S. Wang
O diba parang si Vera Wang lang? Hindi ko alam kung matutuwa ako habang tinitingan kong mabuti ung buong pangalan ko sa nameplate ko o maiinis kasi kung kailan 3rd year college na saka pa nagprovide ng nameplate para sa mga katulad kong magaganda. Lagi kasi mali ang spelling ng pangalan ko na nilalagay nila, at ngayon lang sila tumama. Galing no? Sa wakas nakagraduate din ng kinder yung mga gumagawa nito. *rolls eyes*
So yes, hindi kayo nagkakamali, my name is what written on my nameplate, 3rd year college, Biology student. Parang tanga nga e, hindi ko alam kung bakit kailangan ko pa mag-aral when in fact scripted na ang future ko. My parents, Emilia and Ronald Wang...yes you've read it right, they own one of the biggest company here in the Philippines and in China. Pero gaya nga ng sinabi ko, planado na ang buhay ko, gusto nila pagka-graduate ko doon nako sa company namin mag-tatrabaho. Hindi naman nila ako pinilit kunin tong course ko, I did and I did that to escape to my shitty future. Bakit shitty? Kasi ayaw ko, hindi ko gusto maging katulad nina Mommy and Daddy, I've seen enough, at ayaw ko maging busy-person and workaholic katulad nila. Like duh, how about social life?
"Zheeeeeeng!" sigaw ng pararating na impakta.
"Please lang, i-remind mo nga sakin bakit tayo magkaibigan?" Sabi ko habang tinitingan ko siya from head to toe. Wala talaga siyang taste sa fashion, yuck.
"Kasi walang gusto makipagkaibigan sayo, bukod sakin! HAHAHA" Tiningan ko siya ng masama, at nung nakuha naman niya ang tingin ko, tumigil na siya ng kakatawa niya.
Unfortunately, she's hell right. Siya lang ang kaibigan ko kaya pinagtya-tyagaan ko na. Kidding aside, I don't have a large group of friends, I've been there, but trust me they're all snakes and wild boars.
"Wala akong pake at please lang tigilan mo ung pag-tawa, napakabaho ng hininga mo, kumakain ka pala ng basura?" I said it with a smirk. Haha! Ano ka ngayon!
"Grabe ka! Mayaman ako kaya never will I eat trash!" Sabi ni Diva Marie with matching pacute pa. Feeling ata niya napaka-cute niya.
Diva Marie A. Abarintos. My no class bitch friend. Oo, wala talaga siyang class. Kasi kahit sinong lalake pinapatulan niya. Aside from that, kapag nakikipag-away siya, para siyang palengkera haha. But I love those traits of hers! Kasi ibang iba talaga siya kapag nakikipagaway, hindi siya ang pacute-cute na Diva Marie na nakilala ko.
And oh, fast fact! She doesn't want to be called Diva Marie, para daw kasing 'Diba Marie?' HAHA. Kaya kapag tinatawag siyang ganon, naiirita agad siya. She simply wants to be called - Diva.
"Speaking of trash... walking trash bin alert." Diva Marie said with a bitchy smile.
Napatingin naman ako kung saan siya nakatingin, at nakakita nga ako ng walking trash bin na papalapit samin. Agad ko naman kinuha sa paper bag ung mga plastic na pinagkainan ko kanina, including ung ininom ko kanina na Mocha Frappe galing Coffee Bean at nung papalapit na ung walking trashbin and friends...
"What the F!!! What the hell is your problem Scarlett?!" Inis na sabi niya hahaha. I can see her soul getting darker and darker! What did I do?
Nilagay ko lang naman ung mga basura ko sa open bag niya. Open kasi e, akala ko tuloy basura. Her bad, sorry not sorry.
"Oops!" Kunwari akong nagulat sa pagtapon sa bag niya ang mga basura ko, "Sorry not sorry, akala ko kasi basurahan yang bag mo, nagkamali ba ako?" Sabi ko.
Magsasalita pa sana siya kaso naunahan ko siya. Kinuha ko ung Mocha Frappe ko na nasa bag niya at binuksan ung takip, sabay buhos ung mga natitira sa mukha niya.
"What the fuck!!!" Sigaw na niya, tinulungan din siya ng mga minions niya na hindi makapaniwala sa ginawa ko.
Si Diva naman tawa lang ng tawa sa ginawa ko.