Chapter 2

9 1 0
                                    

What a not so bright sunny day! Hanggang panaginip yung mga basura parin ang nakikita ko. Sinong matutuwa diba? Pinilit ko ngang gumising sa bangungot na nangyari sakin kagabi kaso I felt like I was stuck. Oh well.

*Tok tok*

"Pasok" utos ko sa kung sino man ang kumakatok.

"Mam Scarlett may bisita po kayo sa baba." sabi ng isa sa mga katulong ko. Yup, isa lang siya sa mga katulong ko, dahil marami akong katulong dito sa mansion. Ako lang ang nakatira dito, si mommy and daddy nasa China, hindi ko alam kung kailan sila babalik o may balak pa bang silang bumalik? Nakalimutan na nga ata nilang may maganda silang anak dito sa Pilipinas. May dalwang kuya din ako, ung isa kasama nina mommy, at ung isa nasa Puerto. Bakit siya nasa Puerto? Hindi ko alam, basta ang alam ko kasama niya ang fiancé niya. That's all.

"Sino?" Tanong ko. Mukha pa siyang nagaalinlangan sabihin kung sino ang bwisita ko. "Kakatok-katok ka dito para sabihin may bisita ako, tapos hindi mo kilala kung sino? Papasok ka ng papasok ng tao dito sa mansion baka mamaya bwisita pala ng kapitbahay yan." irita kong sabi sakanya.

"Si Sir Kyle po mam" kabado niyang sabi sakin. Nagulat naman ako, ano nanaman kayang kailangan niya? 

"Sabihin mo wala akong plano makipagusap sakanya, masyadong maaga para siya ang bumungad sa umaga ko." utos ko sakanya at tumango naman siya. Humiga na ulit ako sa kama pagka-alis niya, akmang pipikit na ulit ako ng biglang...

*TOK!TOK!*

"Scarlett!" pasigaw sabi ng walang-hiyang kumakatok ng malakas sa pintuan ko. Hindi ko pinagbuksan ang walang-hiyang basurang si Kyle. "Scarlett! Buksan mo tong pinto! Magusap tayo ng ayos!" Walang tigil niyang pag-sigaw at pagkatok. Rinig ko na din na sinasaway na siya ng mga katulong ko sa labas, pero basura talaga. Basura na nga, wala pang modo. Ganyan ba ang paraan ng gusto makipagusap?

Tumayo nako at lumapit sa pintuan, binuksan ko ito dahil sobrang irita nako. 

"Kapag nabutas ng kamao mo tong pintuan ko, sisiguraduhin kong kamao mo ang ipapalit ko dito sa pintuan ko." Irita kong sabi sakanya. Seryoso ba to sa itsura niya pag punta dito? Nakapangtulog pa siya at gulo ang buhok, naka tsinelas at mukang hindi pa nagtoothbrush. Kadiri.

"What are you saying Scarlett? I can't break this door." Kalmado niyang sabi, hingal na hingal din ang impakto. Saang branch ba ng payatas to nanggaling at ganto ang pagmumuka nito? Siya na nga ang una kong nakita ngayong umaga, ganyan pa itsura niya. It's torturing my eyes.

"Hindi kita tatanungin kung anong kailangan mo dito dahil una sa lahat hindi ako interesado. Pangalwa, tiningan mo ba sarili mo sa salamin bago ka pumunta dito? Because really, I feel like I will be having sore eyes any minute now." Sabi ko sakanya habang tinitingan siya from head to toe. Seriously me, ex ko pala to?

 "We need to talk Scarlett. SERIOUSLY" Ma-awtoridad niyang sabi sakin at mas nakapag-painit ng dugo ko sakanya.

"SERIOUSLY DIN KYLE," Madiin kong sabi, "I won't talk to you, may dapat ba tayong pagusapan? And look at yourse-" Naputol kong sabi dahil bigla niya akong dineretso.

"Ikaw ba ang nagpakalat sa buong campus ng rumors tungkol kay Brenda?" Diretso niyang tanong sakin. Tinaasan ko lang siya ng isang kilay dahil hindi ko alam ang sinasabi niya. Hindi rin ako umimik.

"Yung chismis na nagsasabi ng kung anu ano tungkol kay Brenda!" Galit niyang tanong sakin. Nagpantig ang tenga ko. 

"Chismis? Kay Brendang basura? Masama ang ugali ko pero I won't stoop down to that level. Masyadong cheap. And please lang, kung gagawa ako ng ikasasama ng image ni Brenda, hindi yung ganong style, because you know what? Gamit na gamit na yon. Gamit na gamit ni Brenda ang style na ganon. And why am I even explaining to you? You can accuse me if that's what you want." Mahaba kong sabi sa kanya.

The Payment to My Revenge (ON-GOING SERIES)Where stories live. Discover now