Booooooom!!
Biglang sumabog yung pinto ng bahay ko! What the?!
Limang imahe ang mababakas sa unti unting paglaho ng usok
Tumalikod ang new neighbor ko.. Kinumpas nito ang kamay nya sa ere. Putrages ano toh magtatransform syang sailor moon? pero iba eh kasabay nun ay ang pagpasok ng mga kala mo wrestlers na mga nakasuit at shades..
"Halungkatin at kunin nyo lahat ng pagkain sa bahay na toh! Baliktarin nyo ang buong bahay kung kelangan mahanap lang ang tinatago nyang... SPAM!" sabi ng babaeng kanina lang ay sapilitang nagVolunteer na maging 911 ng buhay ko.. Sabi na Modus to eh!!
Pakingteyp!
Mabilis syang sinunod ng mga lalaki.
"Pero gutom na ako eh.." Sabi nya pa habang dahan dahan syang humaharap sakin "unahin na kaya kitang kainin wahahaha" sabay takbo nya papalapit sakin buong muka nya ay nakangangang bunganga!! Oo ganung kalaki sakop buong muka!
Natapilok ako sa pagmamadaling umatras.. Lumundag ito para lamunin ako ng buhaaaaaa...
"...HhhAaaaaaaaaaaaaay!!" Sigaw ko sabay tayo at napadilat!
Mapapadilat talaga ako dahil may bumato ng sandok sa noo ko!
"Ano ba papatayin mo ba ako nang buhay?!"
Ano daw? Gulo nun ah..
"Sabihin mo lang kung ayaw mo magpakain indi yung kung ano anong gimmick ginagawa mo! Kunwaring tutulog tas Pasigaw sigaw ka pa bigla dyan"
"wow ah ako talaga ang may gimmick?! Kaw nga tong may good manners manners pang nalalaman kung alam ko lang gusto mo lang lamunin mga pagkain ko eh.." Mahina kong bulong sa sarili ko..
Umangat ang muka nya tila tumitingin sakin habang natatakpan ang mata nya ng bangs nya at punong puno ang bibig ng pagkain..
Tsaka ako natauhan. nakatulog na pala ako. Kaya pala ang linaw na bigla ng paningin ko..
Matignan nga muka nitong babaeng toh ipapa Blatter ko sya bukas..
Bigla kong hinawi ang bangs nya
"Pandang Galaaaaaaaaa!!"
lalo lang ako napasigaw uli ng tignan ko ang muka nya"Aaaaaaaaaaaah" napasigaw din sya sabay tingin ng masama sakin ng mga mata nyang kala mo Panda na Sadako! "ano ba problema mo sigaw ka ng sigaw?!" Sabi nya sabay batok sakin ng plato nyang wala ng laman.
"Aray! Eh Pandang Ina tignan mo kaya muka mo sa salamin ako tong mamatay nang buhay sayo eh!"
"Ay pinanganak lang kahapon!.. Di ka pa ba nakakita ng kumalat na eyeliner ha?" Pang aasar nya pa sakin
"Namumula pa yang mata mo oh! Nagdadrugs ka ano?!"
"Kaldero na ipapalo ko sayo gusto mo?! Lakas mo magreklamo eh dahil kaya sayo kaya ako umiyak hanggang mamaga mata ko!" Galit na galit nyang sabi kala mo magsusuper saiyan
"Oh bat ako? Bakit are you one of the million girls na nanligaw sakin pero pumalya haha ampugepuge ko nga naman *villain laugh*"
Ah..
Tahimik lang sya at poker face..
"Uuwi na ako. Nabusog po ako salamat" she said formally. Tumayo sya then she bows in farewell before leaving my house quietly.. Anyari dun? Naoffend ko ba sya? Shit ayokong nakakasakit ng damdamin ng babae pangit man o maganda!
Agad agad akong tumayo at hinabol sya sa labas..
Nakita ko si Mang Jess nagba-bike pababa samin.. Huminto ito sa tapat ko ng makitang galing sa bahay ko yung babaeng panda..
Susundan ko sana si Panda pero nakapasok na sya sa gate ng bahay nya.
"Magkaibigan na pala kayo! Nice bilis mo talaga sa chix Rave!" Mang Jess chuckled
Chix daw.. Pagbigyan natin si Mang Jess malabo na mata nya eh..
"Hehe ngayon ko nga lang nalaman may kapitbahay na pala ako eh tatlong araw na daw" sagot ko
"Mabuti nga at mukang magkasundo na agad kayo. Kawawa kasi yang si Meiko alam mo bang nanakawan yan."
"Really?! Ang tanga naman"
" Unang unang araw nya pagkalipat dito napasok yung bahay nya ng masamang loob. Tsk tangay pati mga pagkain di pinalagpas. Nag aalala nga ako at di dumaan samin kagabi para makikain.. Yun naman pala kasi andyan ka na sa buhay nya yiiiiee" biro nya. Ito talagang si mang Jess kala mo bagets parin.
"Nahihiya na daw sya sa aming mag asawa. Eh wala naman samin yun para nga uli kami nagkaanak." Pagpapatuloy nya pa.
"Hehehe eh bat di pa kasi bumuo ng bagong bunso.." I said laughing mischievously
"Hahaha eh wala nung tumanda saka naging pabebe manang mo. makakaiscore lang daw uli ako pagnaging ala Mee Hi.. Meen Li Ho ba yun?"
"Haha baka Lee Min Ho"
"Oo yun nga.. Ata. Basta pag ala Mee Lin Ho na daw ako. Sus maryosep di ko nga kilala yun eh. pinakitaan ko nga ng abs.."
"Oh ano nangyari?!"
"Ayun nasikmuraan yung tabs ko"
"Lols hahaha"
"Mamaya susubok uli ako wish me luck" pataas taas pa ng kilay nyang sabi sabay pidal uli sa bike nya pababa
Pagkaalis ni Mang Jess, di ko maiwasang tumingin sa bahay ni Ms. Panda...
*sighs*
Sana nga nabusog sya
Siguro naman! Parang ako din nanakawan eh.. Mukang naubos nya lahat ng stocks na pagkain ko sa bahay haaaaay buhay
====Note====
I'll probably gonna stop here muna.
So what do you guys think? Tutuloy ko pa ba? :/ O sa SEXretary na lang ako magfocus XD
Please don't forget to vote and comment ;)
BINABASA MO ANG
The Girl in his Secret Phonebook
RomanceThe Unravelling of the mysterious girl in Rave's phonebook list that he always refrains to mention in the "SEXretary" (SPG) story. This happened 2 Years before book 1. "you started just like a silly bad dream, and the deeper I venture of kn...