♡ 6 ♡

317 30 142
                                    

(Therese's POV)

"Ano, ate? Naniniwala ka na bang si Ms. Lily ay isang diyosang palakad-lakad na lamang sa lupa?"

Nilingon ko si Zia habang prente na naman siyang nakaupo sa harap ng TV habang inililigpit ko ang mga pinagkainan namin ng dinner.

"Sabi sa'yo, eh! Ang ganda-ganda niya. Hindi na ako magtataka kung bakit inlababu pa rin si Kuya Blake sa kanya. Bagay na bagay silang dalawa. Sana nga magkabalikan na sila para hindi laging nagpapapansin si Kuya Blake." Mahabang litanya ng kapatid ko. Tutok na tutok pa rin siya sa pinapanood.

"Nakikialam ka na naman ng buhay ng may buhay," wika ko sa kanya. Inilagay ko na ang mga pinggan sa lababo.

Pasado alas dos na kami nakaalis sa SME kanina. Pagkatapos kaming magpirmahan sa kontrata ni Zia as exclusive artist nila for two years, nag-treat ng lunch si Sebastian. Kasama naming kumain sa isang mamahaling restaurant ang kapatid niyang si Lily.

Ito ang kasabay ni Zia na pumasok sa opisina ni Sebastian habang nakayakap ako sa huli. Wala naman silang sinabi pang iba maliban sa pagtawag nila sa amin. Nakarehistro lang ang gulat sa mga mukha nila pero maayos namang naitawid ni Sebastian ang nangyari. Pumasok kaming lahat sa deliberation room at dumating din si Perry para sa contract-signing ng kapatid ko.

After that, lumabas ulit sina Perry at Zia para magpraktis. Umalis din si Lily saka na kami nagkita-kita sa isang restaurant nang lunch time na.

"Tapos siyempre someday... ang makakatuluyan ko ay si Kuya DM. Nice! Sikat na sikat na ako pagdating ng panahon. Wait for me, prince charming!" Pumalakpak ang kapatid ko na siyang dahilan kung bakit ako namaywang habang papalapit sa kanya.

"Ano? Ano?" Kinutusan ko siya nang nasa tabi na niya ako. "Pakiulit!"

Bumunghalit lang siya ng tawa. "Sabi ko, si Kuya DM ang magiging asawa ko--"

"Bago ko pa tuluyang sunugin ang daanan mo papunta sa pantasya mong 'yan, maghugas ka na! Hala! Kung ano-ano ang pinagsasabi mo."

Sumimangot naman siya saka ako inirapan. "Ako si Zia Reyes, ate. Exclusive artist ako ng SME. Ako? Maghuhugas ng pinggan?"

"Aba!" Tinaasan ko naman siya ng kilay. "Kahit ikaw pa si Zia Reyes, ikaw pa rin ang tagahugas ng mga pinagkainan natin. Ikaw pa rin ang maglalaba sa mga panty mo at bra!"

Humagikhik naman ang kausap ko. "Pambihira. Wala man lang bang level up?"

"Wala," natatawa ko ring sagot sa kanya.

Huminga lamang siya nang malalim. Dumaan din ang ilang sandaling katahimikan habang pareho kaming nakatitig sa TV. Napakahilig talaga niyang manood lalo na kapag 'yong noontime show na parang concert ang dating. Gustong-gusto talaga niya ng mga kumakanta at sumasayaw.

Hinawakan ko ang kamay niya kaya lumingon siya sa akin. "Zia, mapapanood na kita sa TV."

Agad naman niyang pinagsalikop ang mga kamay namin at tuluyang humarap sa akin. "Ate, salamat sa'yo. Kung hindi ka pusher--"

Hindi niya itinuloy ang sinasabi dahil tumalim bigla ang tingin ko sa kanya.

Ngumisi lang siya. "Ang ibig kong sabihin, kung hindi dahil sa pagiging stage sister mo, wala namang Zia Reyes sa SME ngayon. Alam mo 'yon? Push nang push kahit ayaw ko na. Push nang push kahit tinatamad ako. Push nang push kahit pa alam mong hindi ko maiwan-iwan ang favorite teleserye ko. Push nang push na sumali ako sa mga singing contest. In short, pusher."

Hindi ko naman napigilan ang pagngiti. "Sira ka talaga, Zia. Kung ako pusher, ano ka naman, aber?"

"Puller!" mabilis naman niyang sagot saka rin tinawanan ang sinabi. "Huwag ka nga! Hindi pa ako tapos, Ate Reese. Ginugulo mo ako. May sasabihin pa ako."

Sean and Therese (TLA #3) [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon