♡ 19 ♡

285 21 222
                                    

(Therese's POV)

Higit isang linggo nang hindi nagpaparamdam sa akin si Sebastian. Araw-araw ko siyang tine-text simula noong lusubin na naman ako ni Trisha pero wala siyang sagot.

Hindi ko naman matanong-tanong si Zia sa dalawang beses naming bonding time sa condo dahil masyado siyang excited sa ginagawang album. Ayaw ko namang mabahiran ng bad vibes ang maganda niyang mood. For sure, maba-badtrip din siya kapag naikuwento ko ang tungkol sa ex-girlfriend ng kanyang bossing.

Katatapos ko lamang maglinis sa bahay nang umagang iyon at nagdesisyon akong pumunta sa SME. Kung nasabi na nga ni Trisha kay Sebastian ang tungkol kay Zoi, handa na akong sabihin sa kanya ang naging takbo ng buhay ko kasama si Justin.

Tumawag ako kay Zia bago ako umalis ng bahay para ikumpirma kung nasa opisina si Sebastian. Nandoon daw siya habang nasa isang TV station ang aking kapatid para sa isang program appearance.

Nag-aabang na ako ng taxi sa labas ng gate nang lapitan ako ni Tiya Macel na nagwawalis sa harap ng kanilang bakod.

"Magandang umaga po, tiya," agad kong bati rito.

"Saan ang lakad mo?" tanong nito agad. Ibinaba nito ang hawak na tingting.

"Sa SME po," sagot ko.

Tumango lamang siya. "Kanina pa nakaantabay ang mga pinsan mo sa harap ng TV. Panonoorin daw si Zia. Saka tutulong din daw para mag-trending na naman sa Twitter 'yang kapatid mo."

Napangiti naman ako. Kahit minsan ay nabubungangaan kami, hindi naman talaga kami matitiis ni tiya. Mabuti pa rin ito sa amin.

"Oh, siya. Sige na. May taxi na, oh. Ingat ka." Itinuro nito ang paparating na sasakyan.

"Salamat po. Sige po, tiya." Lumakad na rin ako para sumakay sa pinara kong taxi.

Hindi naman nagtagal at nasa harap na ako ng SME. Binati ako ng isang kasamahan ni Sebastian.

"Nasa loob siya?" nakangiti kong tanong.

"Oo yata, Ms. Therese. Lumabas kasi ako kanina. May inasikaso ako sa isang radio station. Kararating ko lang din," sagot ni Maureen.

"Sige. Papasok na lang ako." Diniretso ko na nga ang pinto ng opisina. Binuksan ko ito. Bumungad na naman sa akin ang nanunuot na lamig na dulot ng aircon.

Nagsalubong naman ang mga kilay ni Sebastian nang makita ako. Nakaupo siya sa harap ng drums sa kanyang mini stage.

"Hi!" masigla kong bati sa kanya.

"What are you doing here?" masungit niyang tanong.

Tumikhim naman ako. Unti-unting nawala ang ngiti sa aking mga labi.

"I don't have any news regarding Zia. Alam kong alam mo na ang lahat. Perry already gave you the updates. Nothing to add. You may go." Tumayo siya at dire-diretsong umupo sa kanyang silya tangan ang isang bond paper na may mga naka-print na nota.

Sinundan ko naman siya ng tingin. "Sebastian, puwede ba tayong mag-usap?" lakas-loob kong tanong. "Sa inaasal mo ngayon, may nasabi na si--"

"I am busy," putol niya sa aking sinasabi. Ni hindi man lang siya tumingin sa akin.

"Iniiwasan mo ako." Lumapit ako sa kanya. Tumayo ako sa harap ng kanyang lamesa.

"Why not?" malamig niyang tugon.

"May sinabi ba si Trisha?"

Doon naman siya tumingala sa akin. "I have work. Get out."

Umiling ako. "Hindi ako aalis. May sinabi na ba sa'yo si Trisha?"

Sean and Therese (TLA #3) [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon