Battle of the Bands (One-shot)

148 3 0
                                    

   Pagpasok na pagpasok ko sa school, hindi magkanda-ugaga ang mga tao. Paano ba naman, school festival kasi namin ngayon at obviously, walang klase. Puro booths, fairs, stores, at meron pang mini- carnival. Mayaman 'tong school na 'to eh, pati yung mga pumapasok dito, maliban lang sa'kin. May kaya rin naman ang pamilya ko, it's just that, hindi naman afford yung ganito ka-high class na school. Scholar lang ako rito at sadyang maganda ang kalidad ng edukasyon dito kaya tinanggap ko ang offer nilang scholarship sa akin.

   Hindi lingid sa mga tao rito ang pagiging scholar ko. Wala namang nambubully sa akin, o nang-didiscriminate. Magaganda ang attitude ng mga estudyante dito kahit pa sabihing mayayaman sila. Diba ang first impression pa nga sa mga kabataang lumaki nang mayaman ay mga "spoiled brat"? Oo, spoiled brats nga yung iba dito, pero karamihan ay mga down-to-earth, friendly at mababait talaga. Pero di naman ibig sabihin na spoiled brats na yung iba ay madanggil mo lang sa daan ay ipapaprincipal ka na, di naman ganun, kumbaga feeling niya ay prinsesa na siya at sinasamba na siya ng lahat porket mayaman siya. Spoiled brat pero matino parin ang attitude.

   At ako, si Karen dela Cruz. At tulad nga ng sinabi ko kanina, isa ako scholar sa Elledelle High, isang paaralan ng mga mayayaman, which excludes me.

   "Karen!"

   "Abby!" Eto naman si Abigail, best friend ko. Siya ang una kong naging kaibigan dito mula pa noong first year. May kompanya ang pamilya niya, which means, mayaman itong lukaret na'to.

   "Hoy, bruha. Nakita ko ang list ng mga bandang maglalaban-laban para mamayang gabi! And guess what?"

   "Ano na naman yun?"

   "Si-- oh."

   Agad akong napatingin sa kanya nang mapansin kong tumigil ang bibig niya. Nakita ko ang kanyang pilyang ngiti kasama ng kanyang nakataas na kilay, sinundan ko naman kung saan siya nakatingin at-- oh.

   "Fafa Marco oh. Ang hot! Yum yum," panunkso ni Abby nang makita si Marco kasama ang barkada nito na siyang makakasalubong namin. Siniko ko naman ito upang mapatahimik. Mahirap na, baka mabuko pa.

   Hindi kaitiman at hindi rin naman kaputian ang balat. Makikislap na mga mata. Matipunoong tindig. Mamula-mula na labi. Mapang-akit na mga ngiti. At ang kanyang buhok na maayos nang sinuklay ngunit bahagyang magulo parin. Marco Lanceras. Ang medyo bad-boy look pero total sweetheart. Masama pag nagalit, pero pag nagalit ka sakanya, todo ka kung lalambingin. Heart throb ng bayan.

   Magdedeny pa ba ako? Oo, crush ko 'yan. Nung first year pa. Pero hanggang crush lang yun. Or love? Uhm, ayokong sabihing mahal ko si Marco kasi baka mamaya naguguluhan lang ako sa feelings ko para sa kanya. Pero kung liligawan ako niyan (na alam kong hindi mangyayari), sasagot agad ako ng "I do!" Biro lang, di pa naman kasal.

   "Hoy, Karenita," natatawang tawag sa akin ni Abby.

   "Oh," para akong tangang nagising sa pagkakatulog pero hindi naman nakapikit ang mata.

   "Tinatanong ko kung nag-umagahan ka na, kasi ayun si Fafa Marco oh, ulam na! Kanin nalang ang kulang, o pwede ngang walang kanin eh, keri na rin," ani Abby na siya namang naging dahilan ng pagkakahampas ko sakanya. "Joke lang! Chill! Pero seryoso, kung nag-umagahan ka na nga?"

   "Hindi pa, at wala akong balak kainin si Marco," saka ko lang narealize ang nasabi ko. Ang bastos pala pakinggan, eh napakadumi pa naman ng utak nireng si Abigail.

   "Oh my god," nanlalaki ang matang tingin niya sa akin na may mapang-asar na ngiti. "Ako rin, wala, andami kayang pagala-galang estudyante baka mamaya eh may makarinig pa sa amin," sabi nito ng naka-poker face. 

Battle of the Bands Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon