"Good morning!" sigaw ko pag gising. At nag unat pa ako habang sinasabayan ng hikab.
Kinusot-kusot ko ang aking mga mata at tumingin ako sa orasan sa bedside table ko. 6:00AM, dali dali akong tumakbo sa CR na nasa loob lang din ng room ko at nagsimula na sa aking mga ritual. 9:00AM pa naman ang pasok ko, pero matagal kasi ako maligo at idagdag pa na mabagal ako kumilos kaya kailangan ko talagang gumising kung ayaw kong mahuli sa pagpasok. 1st day ng 1st Semester. 1st year College na din ako. Puro 1st no? hehe. At muli ay makikita ko na si Drake. :D yipeeee!
Si Drake ang love of my life ko. Siya na simula pa nung una ko madiskubre ang pakiramdam kung paano magka crush. Bata pa ako noon, nasa Grade 2 ako nung una kong makita si Drake. Naglalakad siya sa corridor ng school habang nagkaklase, ako naman nasa labas din dahil nag "May I go out?" ako sa teacher. Ang gwapo na ksi niya kahit bata pa kami.
Kaya naman simula noon, lagi ko na siyang hinahanap. Pinagbuti ko pa ang pag-aaral ko para lang maging classmates kami. Na-achieve ko naman yun nung Grade 4 na ako. Doon ko na din sinimulang makipag lapit sa kanya. Sinimulan ko sa pagtanong kung may extra ballpen siya at 1 whole na papel. At doon na din nagsimula ang unang pagsusungit nita sa akin. Sinagot niya ako ng tumataginting na
"Are you really a student? How come you go to school without any paper and pen? If you are a soldier and you are in the battlefield, you will die a tremendous and easy death."
-.- tumawa pa yung katabi niyang babae na halata namang may gusto din sa kanya. Pero sa halip na mainsulto ako, ngumiti lang ako kasi concern siya sa akin. Haahahaha. Ayaw niya ako mamatay pag nasa gera na, kaya iniba ko na lang ang taktika ko. Hindi pala uubra sa kanya ang mala Damsel in distress na arte.
Ayun na, at hanggang ngayon ay siya pa din ang aking sinisinta.
Ooops back to reality. Nagmadali na akong magbihis, siniguro kong presentable ang itsura ko, sinuklay ko ang basa ko pang buhok na shoulder length, nagpulbo, nagpabango at yun na yun. Maganda naman kasi ako. So no need to fuzz myself over the mirror.
Bumaba na ako sa grand stair case ng bahay namin. Nasa 3rd floor kasi ang kwarto ko. Dumeretso na ako sa dining hall na may 12 seater dining table. Nagsisimula na ding kumain ang mga magulang ko. 7:30AM na din kasi, my dad will go to our office, while my mom will go to her boutique.
"Goodmorning mum." sabay halik ko sa pisngi ng mother ko, then "Goodmorning pop." father ko naman ang hinalikan ko sa pisngi. Pareho silang nakatingin sa akin na nakangiti.
"Good morning princess, college student ka na. I can't believe my baby is now a young lady." Sabi ng mum ko.
"Hehe, I'm so excited na nga po pumasok eh, sabi nila ibang iba daw po ang college kumpara sa highschool, buti na nga lang po same school pa din kami ng friends ko so I have them with me through my adjustment periods." sabi ko naman.
"Yes darling, however you should not limit yourself with them, explore new individuals okay? Para ma widen ang circle mo, training na din yan para pag ikaw na ang magpapatakbo ng company natin. You should learn how to face individuals, no matter what class they belong to in the society. Always remember to be polite and respect each individual for them to respect you as well. Tandaan mo anak, hindi iniimposed ang respeto, na-eearn yan." mahabang paliwanag ni pop.
Napangiti ako, how i admire my father. He is strict but he is loved by many because he has a big and genuine heart for everyone. Hindi siya namimili ng tao, basta mabuti kang tao he will befriend you.
"Opo pop, alam ko naman po yun, I am your daughter right? I may have inherited you and mum's PR skills. Hihi, besides dad magkakaiba kami ng courses ng mga friends ko, kaya magkakaroon ako ng mga friends na bago talaga." Sagot ko naman na lalong nagpangiti sa mga magulang ko.
BINABASA MO ANG
Taming Drake
Romance"What a pest." That is Sugar according Drake. But for Sugar, Drake is her everything. they have been schoolmates since gradeschool. And until college. Why? Simply because Sugar's only motto in life is "Never say die." in short, she has been his tail...