Pagdating ni Sugar sa venue na ginanap sa malawak na garden ng pamilya ni Drake ay agad niyang hinanap ang mga kaibigan. Nagtext na siya sa mga ito at napag alaman niyang nauna na pala ang mga bruha. Sabay-sabay pa silang nagpaayos ayon sa kwento ni Bettina.
Tinanong niya ang isang kawaksi kung nakita ba ang mga ito (pinakita niya ang picture ng mga kaibigan na nakasave sa phone niya) at agad naman siya nitong sinamahan sa isang make-shift stage na malapit sa pintuan ng bahay kung saan ay pwede ka pumasok kapag galing ka sa garden.
Naabutan niya ang mga ito na nagseset-up na ng mga instrumento. May nag-aassist naman sa mga ito pero mukhang abalang-abala sila lahat. Agad naman siyang lumapit at nang mapansin siya ay napasinghap ang mga ito.
"OA niyo ha? Parang ngayon niyo lang ako nakita na nakaayos." Ingos niya.
"Bloody hell, you look so gorge." Si Violet na nagbritish accent pa.
"True, you look somewhat different. Hmmm, parang iba ang aura mo." sabi naman ni Mona.
"Yeah, and your eyes is twinkling, nahiya naman daw ang diamon ring mo sa kinang ng mata mo." Si Luna.
Napatingin ang iba pa niyang kaibigan sa singsing na tinuran ni Luna at agad naman pinuri iyon. At nakwento niya nga sa mga ito ang usapan nila nang ina. Pinagmasdan niya din ang kasuotan ng mga kaibigan. Ang gaganda din ng mga ito. Si Violet ay nakasuot ng black dress na bagay na bagay dito. Buti na lang at hindi ito naka goth make-up, tama lang ang kolorete nito at para sa panggabing pagtitipon. Bettina is wearing a pink haltered dress, she is lovely as ever, and her hair is fix on a waterfall braid. Luna is wearing a white cocktail dress, her hair is lose and she has a lovely heart-shaped locket necklace on her neck. And Mona looks sophisticated on a dress with slit. Kailangan ng slit dahil magdadrums siya mamaya. Yeah they look so lovely, and who will think that these chicks can rock and roll? :)
"I'm just happy girls, alam niyo naman how special this day is for me and -- " pero pinutol ni Mona ang sasabihin niya.
"Alam namin, at wag kna magdrama diyan, ayusin na lang natin lahat ng instrents para sa performance later."
Agad naman silang tumalima sa pag-ayos ng instruments na gagamitin. At nang matiyak nila na wala nang magiging aberya ay napagpasiyahan muna nila na pumunta sa assigned table. Nakita pa nila ang mga dati nilang kaklase at batchmates. Mukhang nagsilbi pang reunion ang birthday ng binata. Nagkamustahan silang magkakaklase, at syempre knowing Sugar, kaibigan ng bayan yan ehh. Edi ikot dito ikot doon. Hanggang sa mapagod at muli na namang naupo sa piling ng mga kaibigan.
"Daig mo pa tatakbo sa kampanya ahh? 'Di ka naman napagod niyan? Lahat na ata ng table pinuntahan mo. Birthday mo? Birthday mo?' Si Mona, nakataas pa ang kilay nito.
"Hmmmp! Masama ba? Friends ko sila ehh. " Sagot ni Sugar
"Saka birthday naman ng BF kuno niya eh." Ani Violet na ikinangiti at ikinaningning ng mata lalo ni Sugar. At ikinasimangot naman lalo ni Mona.
"Teka nasaan na ba si Drake? Ang dami nang bisita wala pa siya?" Tanong ni Bettina.
"Di ba stalker ka nun friend? Dapat alam mo." Asar na naman ni Mona sa kanya,
"Hindi ko alam eh, siguro nagpapagwapo para sa akin, alam mo na." Tila nangangarap na sambit ni Sugar.
"Whatever floats your boat dream girl." Si Mona, na binato naman ni Violet ng nirolyong tissue. Tinignan lang ito ng masama ng dalaga.
Wala namang epekto kay Sugar ang pagka negative ng kaibigan. Buong pag-aasam lang siyang nakalingon sa may pintuan na daan papunta sa direksyon kung saan naganap ang pagtitipon. At hindi naman siya nabigo nang bigla iyong bumukas at iniluwa ang lalaking matagal na niyang minamahal.
BINABASA MO ANG
Taming Drake
Romance"What a pest." That is Sugar according Drake. But for Sugar, Drake is her everything. they have been schoolmates since gradeschool. And until college. Why? Simply because Sugar's only motto in life is "Never say die." in short, she has been his tail...