Chapter 1: First day of summer ^_^

130 2 0
                                    

Chapter 1

First day of summer

“TJ!!”

Nagising si TJ dahil sa isang malakas na sigaw at dahil sa sunod sunod na katok sa kaniyang pintuan.

TJ PADILLA GUMISING KA DIYAN!!!”

Inis na napasabunot si TJ sa kaniyang buhok bago bumangon. Napatingin siya sa alarm clock na nasa bedside table niya.

“8 pa lang ng umaga. Ano ba yan!”  bulong niya. Napatingin tuloy siya sa pintuan ng kwarto niya na kalabog ng kalabog dahil sa katok ng best friend niya.

Tumayo siya at bigla niya itong binuksan. Dahil sa biglaan ang pagbukas niya ng pintuan ay nalaglag sa kanya ang bestfriend niya.

“Ano ba yan, Catherine! Ano bang problema mo? An aga aga pa oh! First day of summer ngayon.” sabi ni TJ kay Catherine Bernardo – ang bestfriend niya.

Nag peace sign sa kanya si Catherine. Umayos ito ng tayo dahil nakasandal pa rin siya kay TJ.

“Sorry na bestfriend! Eto naman. First day of summer kaya dapat i-enjoy natin.” sabi nito.

“Psh. May kailangan ka no?”

Tinakpan ni Catherine ang kaniyang ilong kaya naman nagtaka si Tj sa kanya.

“Ang baho kasi ng hininga mo Padilla! Mag mumog ka muna. Dun muna ako sa baba!” sabi ni Catherine at dali daling bumaba.

 Napa-iling na lamang si TJ at pumasok na ulit siya sa kaniyang kwarto para maghilamos.

----

“Ano ba kasing kailangan mo?” tanong ni TJ pagkababa niya.

Nadatnan niya si Catherine na nakain sa kanilang kusina kasama ang mama niya.

“Aba feel at home na feel at home ah.” pang-aasar ni TJ.

“Tse. Nakakapagod kayang pumunta dito." reklamo ni Catherine habang nakain ng sandwich.

"Anong nakakapagod dun? Eh katapat lang naman ng bahay niyo ang bahay namin?" tanong ni TJ kaya naman inirapan na lamang siya ni Catherine.

Natawa ang mama ni TJ na si Karla sa kanilang dalawa.

"Iwan ko muna kayo dito." sabi ni Karla.

"Okay tita. Masyadong confidential rin ang paguusapan namin." sabi ni Catherine habang nakangiti.

Umupo si TJ sa tabi ni Catherine pagkaalis ni Karla.

"Confidential ka diyan. Ano bang kailangan mo?" tanong nito.

"Eh kasi diba nga attracted ako sa mga lalaking may pangalan na Xander.." 

"Ano ngayon?" 

"Kasi may naiisip ako.. Di pa ako nagkakaboyfriend at gusto ko ang first boyfriend ko ay may pangalan na Xander kaya naman may naisip ako. Pwede ka ba?" tanong ni Catherine.

"Busy ako. May date kami ni Chelsey."

 "Pumayag ka na please!!! *puppy eyes*" nagpuppy eyes pa ako niyan ha.Sana effective. XD

"Hindi pwede." sagot ni TJ.

*** *** ***

Pano na yan? Ayaw pumayag ni TJ.Pano na magagawa ang "Operation: Finding Xander"?

Operation: Finding XanderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon