Chapter Five

5 0 0
                                    

"Rae si Ivan" pagkasabing pagkasabi ni Jam ng panagalan nya bigla nalang bumagsak mga luha ko. Mga luhang matagal ko ng pinatahan.

"Saang bar?" 

"RAE! NO! WAG KANG PUPUNTA WAG MONG INTINDIHIN SI JAM!" sigaw ni Kor

"SAANG BAR?!" sigaw ko naman

Binigay nila yung panagalan ng bar at bilis bilis akong bumababa at sumakay sa kotse.

Damn! I'm crying again, sabi ko di nako iiyak pero bakit ganito?! Bakit umiiyak parin ako?! Ang sakit. Ang sakit parin!

Pagkarating ko sa bar pumasok ako agad, pano kaya nakapasok tong mga to sa bar?! Oh, CONNECTIONS. Tss.

Sht! Asan sila?! Ang dilim.

"Rae" biglang may humigot sakin. Si Jam

"Jam nasan sya?" sabi ko agad

"Dinala namin sya sa isang private room halika" sabi nya at pumunta kami sa isang VIP room. Nakita ko si Ivan na nakahiga sa sofa, lasing kasama niya si Kor at Tey.

"Anong nangyari sakanya?!" sabi ko agad at pinuntahan sya

"Tinawagan lang kami ng kabarkada nya" sabi naman ni Tey

"Jam dapat dimo na sinabi kay Rae!" sigaw naman ni Kor

"Oo nga Jam, look at her she's crying again!" sabi naman ni Tey

"I'm fine wag nyo kong isipin tulungan nyo nalang ako dito, alam ko may condo sya dun sya tumutuloy dun ko nalang sya dadalhin" sabi ko habang patuloy parin bumabagsak luha ko.

"Rae kami na" -Tey

"Ako na"

"Rae"

"Please! Kaya ko to! Kakayanin ko!" sabi ko naman

"Rae naman e! Rae! Ang tagal mo syang pilit kinalimutan tapos ano?! Mahal mo parin sya?! tutulungan mo parin sya?! Rae wag ka naman sanang magpakatana ulit. Wag na Rae tama na yung minsan ka namin nakita umiyak dahil sakanya" sabi ni Kor

"I'm fine girls, perfectly fine" sabi ko naman

"Yan ba ang fine?! Umiiyak?! Fine?! Umiiyak! Tangna naman! Tigilan mo na yan Rae! Sinaktan ka lang nya!" -Tey

"Tutulungan niyo ba ko o sisigawan nyo nalang ako?!" sabi ko naman

"Grls, hayaan muna natin sila please" -Jam

Wala na silang nagawa kundi tulungan ako. Pinasok namin sya sa kotse ko at sinimulan ko ng magdrive papunta sa condo nya buti nalang nasa bulsa lang ng polo nya yung susi.

Pagpasok namin sa condo nya dinala ko sya agad sa kwarto nya at nilinisan

"I'm sorry Rae" bigla nyang sabi habang pinupunasan ko sya

"Ssshhh" sabi ko at umiyak nanaman

"Don't cry please" sabi nya habang pinupunasan luha ko

"I will" sabi ko naman

"I still love you" sabi nya naman

"Lasing ka lang" sabi ko naman

"Di nako lasing Rae, mahal kita kaya please be mine again" sabi nya

Diko na napigilan umiyak, mahal ko pa nga talaga sya pero ayoko na. Ayoko ng masaktan ulit ng dahil sakanya. Tama na yung dalawang taon na iniyakan ko sya tama na yun. Ayoko na ulit

"Ivan tigilan mo na to"

"Why will I stop loving you Rae?!"

"Cause you've hurt me once and I don't want to hurt anymore"  sabi ko naman

"Rae please" sabi nya nagmamakaawa

"Ivan please ayoko na ayoko na" sabi ko at umalis na. 

Mahal din kita Ivan, mahal parin kita. Pero siguro naman tama na yung dalawang taon na nasaktan ako diba? Sana naman tama na yun Ivan dahil ayokko ng masaktan ulit. Ayoko na

Ashley's P.O.V:

"JAM naman e! Bakit tinawagan mo si Rae?!" sigaw ni Kor.

Nandito parin kami sa VIP room ng bar di parin kami umaalis since umalis na sila Rae

"They need closure!" sigaw naman ni Jam

"Closure?! Habang lasing si Ivan?! Alam natin parehas na mahal parin ni Rae si Ivan! Kahit sabihin natin na nakapagmove on na sya kay Ivan alam nating mahal parin niya si Ivan!" -Kor

"Tumigil na kayo hayaan nalang natin si Rae, kaya nya to Rae is the strongest girl I have ever met" sabi ko naman at umalis na

Kaya nni Rae yan. Malakas sya, matalino sya, alam na nya gagawin nya.

Bestfriend or Boyfriend?Kde žijí příběhy. Začni objevovat