2 Moons Ep 1

652 7 2
                                    

A/N

May binago ako ng slight sa story para hindi gayang gaya mismo sa story ni chiffon_cake. Pero yung takbo ng story ay katulad na katulad parin sa akda niya. ENJOY GUYS!

Wayo's POV

Pagkatapos na pagkatapos kong makita na qualified ako sa Thai University ay agad akong nag ayos ng mga papeles na kailangan para sa school na papasukan ko.

Hindi naman ako nahirapan sapagkat tinulungan ako ng bestfriend ko na si Ming.

Kahit babaero at loko loko tong bestfriend ko mahal ko yan.

Mahal na parang kapatid na. Kung na itatanong niyo ay kame ang magkasangga niyan simula high school palang kame.

Fastforward

Sakay ako ng isang van habang papunta sa Thai university.

Hindi ako makapaniwala na matatanggap ako dito.

Syempre di naman kasi ako pala aral.

Pero di ako bumabagsak ha. Ako yung studyante na pumapasok araw-araw at nakakapasa.

Ako rin yung studyanteng himdi na papansin noong highschool pa kame ni Ming.

Sa buong biyahe namin ay nakatingin lang ako sa bintana ng van.

Tinitignan ko yung mga tanawin. Syempre pati narin yung mga nadadaanan namin.

Hindi ko kasabay sa van si Ming dahil nasa kabilang van na assign ang loko.

Habang nakamasid ako sa paligid ay biglang nahagip ng mata ko ang kumpulan ng mga tao.

Naka kumpol sila sa basketball court. Wari bay may artista sa dako paroon. Pero malay din naman natin baka may artista nga.

Tinignan ko yung mga naglalaro ngunit hindi ko sila maanimag ng ayos dahil may kalabuan ang mata ko.

Hindi ko nalang binigyan ng pansin iyon at sinara kona ang bintana ng van saka tinuon ang sarile sa daan.

Phana's POV

Kanina lamang ay naglalaro kame nila Kit sa court na to ng walang sagabal.

Ngunit makalipas ng ilang minuto ay nagulat nalang kame sapagkat napapalibutan na kame ng mga tao.

Nakakasawa narin minsan dahil parang wala ng privacy.

Hindi naman sa pagyayabang ngunit sikat kame dito sa paaralan namen.

Marami-rami na akong na syota dito (Syota - Syort Taym)

Marami na din akong na ikama dito.
At marami na akong na experience sa pagdaan ng panahon na nagpahubog kung sino ako ngayon.

Kahit nga dun sa school kung saan ako nag highschool ay sikat na sikat kame.

Dahil bukod sa matalino kame ay may ipagmamalaki pa ang mga Mukha at katawan namin.

Nag time out muna ako upang makaiwas narin sa mga tao.

Papunta na ko sa kinaroroonan ng bag ko ng maaninag ng mata ko ang isang black na van.

May sakay ito at wari ko ba kung nakatingin ito sa amin.

Hindi konalang binigyan ng pansin iyon.

Sakay siguro nung van yung mga freshman na papasok sa aming paaralan.

Nagkibit balikat nalang ako at navtungo na sa bag ko.

tinignan ko yung bag ko kung nandoon yung tumbler ko.

2 MoonsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon