Chapter 2: Meet THE Jerk

54 0 0
                                    

“Oh hey, may dala ka bang pang disguise? Mukhang malapit na tayo eh.”

“Ay onga no? Hoody at shades lang dala ko eh.” –Trish

“Baliw ka talaga. Ba’t ba di ka girl scout?”

“Edi dumaan tayo sa boutique ni Tisay mamaya. Problema ba yon? O diba?” –Trish

Nagthumbs up naman siya. Sira talaga ‘tong best friend ko. Alam niyang magmamall kami, di pa nagdala ng gamit. Hay. -___- Sinuot niya na yung hoody at shades niya since nandito na kami. Sinabi namin kay manong na tatawag na lang kami pag magpapasundo na. Oh did I mention na mall ‘to ng pamilya niya? Yep, shopping in my best friend’s mall. Kaya madalas nakaka-discount ako eh. Hihi. ^o^v

“Okay na ba ko?” –Trish

“Honestly? Mukha kang timang. Sino ba naman kasi magsusuot ng hoody at shades sa loob ng mall, sige nga?”

“Pfft. Oo na. Tara, bilisan natin.” –Trish

AT THE BEST SALOON

“TISAY!” –Trish

“Oh em gee, Trishy!” –Tisay

At nagyakapan sila. Kung di ko lang talaga kilala si Tisay, baka pagkamalan ko silang sila. Sayang ‘tong baklang ‘to eh. Gwapo sana kaso boom. Di ko alam kung ano nangyari diyan.

“How are you doing? Grabe, namiss kitang bakla ka.” –Trish

“Okay lang no. Namiss din kita bruha! Pano ba naman kasi, simula nung sumikat ka na ng tuluyan kinalimutan mo na ko.” –Tisay

Napaluhod naman siya at nagpapanggap na parang nasasaktan talaga. Bruha talaga ‘to.

“Gaga. Busy lang ako sa bagong movie na shinushoot sa Korea. Syempre pagod ako kaya di na ko nakakabisita.” –Trish

Uh, hello? May kasama kaya si Trish. Ano ako, invisible woman? -___-

“Sabagay, oh ba’t ka napadaan?” –Tisay

“The usual. Magshoshopping kami ni Katie eh.” –Trish

“Katie? Nandito siya?” –Tisay

Ay grabe, di niya talaga ako nakita? Eh kung karirin ko na kaya yung pagiging invisible woman ko? Letse. -___-

“Oo. Ayan oh, nakaupo. Di mo ba napapansin? Kanina pa siya nandiyan. Sige, bihis lang ako.” –Trish

“Gee, napansin niyo rin ako no? Sige, usap lang kayo.”

“Omg, Kate! Namiss kita! Gumanda ka lalo. Natitibo na tuloy ako sayo. *hugs tightly*” –Tisay

Huh? Natitibo? -__-

“Aray naman! Ganyan ka rin ba sumagot ng ‘I miss you too’? Kailangan talaga mambatok? Langya naman, gaga ka.” –Tisay

“Eh kung anu-ano kasi sinasabi mo eh. Nakakakilabot ka. Alam mo bakla, sayang ka. Gwapo ka sana pero ano nangyari at naging..”

Tiningnan ko siya from head to toe. Tsk, sayang talaga. -___-

“GANYAN KA?”

“Hampasin kaya kita diyan? It’s my destiny to be like this.” –Tisay

“Destiny destiny pang nalalaman. O dali, ayusan mo na ko.”

“My pleasure. *grins*” –Tisay

After 5 minutes na tapos din akong ayusan ni Tisay at natapos na rin sa paghahanap ng damit ang bespren ko. Leggo shopping! \m/

“Okay na ko bes?” –Trish

“Yep! Tara na! I can’t wait for my discounts! Mehehe.”

“Ikaw talaga. Haha. Ang ganda mo bes! Kahit light make-up lang yan, maganda ka parin.” –Trish

Unrequited Love (currently on-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon