Page 3: the myth of Sisyphus continuation

2.6K 18 0
                                    

Higit sa lahat ay ipinagdiinan din niya ang naging kapabayaan ng kaniyang asawa na magsagawa ng seremonyas sa kaniyang libing at ang pag-aalay. Sinabi niya na maaaring maging masamang ehemplo ang kaniyang asawa sa mga magiging biyuda sa hinaharap.

Nakiusap siya na payagan siyang bumalik sa itaas ng lupa ng kahit tatlong araw lang. Sapat na ang tatlong araw na iyon upang maisaayos ang kaniyang libing at maparusahan ang kaniyang asawa sa kapabayaan nito sa kaniyang tungkulin. Sinabi din niya na tuturuan niya ito kung paano ang tamang pagbibigay-galang sa mga Diyos sa Underworld. Nahulog si Persephone sa kaniyang mga pakiusap at pinayagan siyang bumalik sa kaniyang tahanan. Subalit walang intensiyon si Sisyphus na muling bumalik sa mundo ng kadiliman. Hindi siya tumupad sa kaniyang pangako, bagkus ay nabuhay pa siya ng maraming mga taon hanggang sa siya tumanda na.

The punishment of Sisyphus

Dahil sa mga kasalanan niyang nagawa kay Zeus at Hades . Siya ay napatawan ng walang hanggang parusa sa Tartarus, ang pinakamababang bahagi ng Underworld.

Ang hari ng Corinth ay habambuhay na magpapagulong ng malaking bato paakyat sa tuktok ng isang burol. Subalit ang kaniyang paghihirap ay walang saysay dahil sa tuwing malapit na siya sa tuktok ay muling magpapagulong-gulong ang bato pababa ng burol. Napipilitan tuloy siyang bumalik sa umpisa ng paulit-ulit.

***end

Next: Ursa Major in Greek Mythology (Zeus and Callisto love story)

Upcoming story: the myth of Tantalus

*the myth of Pygmalion and Galatea

*Odysseus and the cyclops

GREEK MYTHOLOGY STORIES (TAGALOG VERSIONS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon