the myth of Tantalus prt.2

1.8K 10 4
                                    

Ninakaw din ni Tantalus ang paboritong alaga ni Zeus na gintong aso. Hindi malinaw kung si Tantalus ang mismong nagnakaw nito subalit ipinatago niya ito sa tanyag na magnanakaw na si Pandareus na sa bandang huli ay tumanggi ng ibalik ito sa kaniya.


Sa kabila ng mga kasalanang nagawa niya ay hindi kaagad siya pinarusahang ng mga diyos sa pag-aakalang matatauhan din siya sa mga nagawang kasalanan. Sa kasamaang palad ay hindi itinama ni Tantalus ang kaniyang mga kamalian at mas gumawa pa ng mas matitinding kasalanan.

Inimbitahan ni Tantalus ang mga Diyos sa isang salu-salo. Hindi malinaw kung alin sa dalawa ang rason ni Tantalus, maaaring nais niyang subukin ang katalinuhan ng nga diyos o wala siyang maipakain sa mga ito kaya niya nagawa ang pinakanakakadiring krimen sa buong Greek mythology.


Pinatay niya ang anak na si Pelops, niluto niya ito sa pamamagitan ng pag-iihaw sa mga parte ng katawan nito at iyon ang inihain niya sa mga diyos. Subalit may hinala na ang mga Diyos sa nangyari kaya naman tumanggi ang mga ito. Tanging si Demeter lamang ang kumain ng pagkaing inihain ni Tantalus. Kinait niya ang balikat ni Pelops. Ayon sa kuwento, nagpasiya si Zeus na buhayin si Pelops at binigyan naman ito ng balikat ni Demeter na gawa sa ivory kapalit ng balikat na kinain nito.



Ang kasalanang ginawa ni Tantalus ay hindi mapapalagpas ng mga Diyos kaya pinarusahan siya ng mga ito. Pinatay siya ni Zeus sa pamamagitan ng pagdurog sa kaniya sa isang bundok at sinira din nito ang mga nilikha ni Tantalus.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 28, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

GREEK MYTHOLOGY STORIES (TAGALOG VERSIONS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon