Snow's POV
Heto ako ngayon naglalakad sa hallway. Nga pala hindi parin ako makaget over kasi magkavillage lang kami ni Clyde yun nga lang malayo mga aling block pa ang agwat.
At ito pa ang malupit...
**Flashback**
Nagstop yung bus sa harap namin. Agad naman kaming sumakay
Siya nasa bintana ako nasa walk way.
"Ahmm pwede ako nalang dyan?"
"Bakit nahihilo ka ba? Sige lika dito" tumayo siya kaagad at ayun umurong ako at nagkapalit na kami ng pwesto.
"Oh ayan okay ka na ba dyan?" sabay ngiti niya.
"Yes po okay na. Thank you" at binalin ko din ang ngiti ko sa kanya
Pagkatapos nun ay nakatingin na lamang siya sa daan. Habang ako titig sa kanya.
Bakit kasi ang tangkad niya. Buti pa siya nabiyayaan ng height eh ako hay nako
"Hoy Snow!" nagulat ako sa tawag niya
"A-ah ano?" yan na lamang ang nasabi ko.
"Okay kalang?" tanong niya
"Yes I'm fine" sabay tingin ko sa daan. Dahil sa sobrang katititig ko sa kanya ay nalampasan na yung bahay namin.
"Naku! Lumampas na sa amin Clyde. Manong! Para!" hininto naman ng driver at tumayo na
"Sige Clyde kita nalang tayo bukas sa school sige" at nagmadaling bumaba
Umaambon nalang nun kaya tinakbo ko nalang.
Pagkauwi ko ng bahay.
Hinanap ko yung dalawang libro ko.
"Naku! Nasaan na yun? bakit hindi ko mahanap?" nagpapawis na ako at lahat wala pa rin
Tapos ayun naalala ko din pala. Naiwan ko dun sa bus. Sana makita ni Clyde yun. Nakakainis naman. Kung bakit ko pa kasi naiwan.
*End of Flashback*
Kaya ngayon may kukunin nanaman ako sa kanya. Book ko sa Filipino at Math nakaipit pa man din yung mga assignment ko dun sana hindi mahulog.
Eksaktong may humintong kotse.
At nakita kong bumaba ng kotse si Clyde.
Medyo nagtago naman ako sa may poste.
"You take care now honey" sabi nung magandang babae sabay kiss niya sa noo ni Clyde
BINABASA MO ANG
My First Heartbeat For Him
Humor"I LOVE YOU. I FIGHT BECAUSE OF YOU. I WANT TO TAKE CARE OF YOU EVEN IF IT HURTS ME A LOT. SO I ASK THIS. CAN YOU BE MY BOYFRIEND?" -Snow Micaella Perez YamaiKaguya(Author) All rights Reserved @2014.