Chapter Four- He's gone

2 0 0
                                    

Kinuha ni Ate Raej ang tablet ko at itinaas para hindi ko maabot. Naghanap na lang ako ng mababasa at inabot ang magazine na nasa center table.

"Ano ba nangyayari sa 'yo Sean?" Tanong niya.

"Wala naman."

Umupo siya sa tabi ko at pinatay ang t.v. "Sean, may nangyari ba nung martes?" Umiling ako. "Simula nang umuwi ka, ganyan ka na."

Bumuntong hininga ako. Naalala ko ulit yung nasa mall kami ni Dan.

Hinawakan ni Ate ang kamay ko at ngumiti sa akin. Pinilit ko na ibalik ang ngiting iyon. "Sorry, Ate Raej. Nalulungkot lang talaga ako."

"Sa pag-alis ba ni Daniel?"

Siguro. Tumango ako.

Tumayo siya at nginitian ulit ako pero may lungkot sa mata niya. "Sige, basta mamaya dapat balik na yung Sean namin ha."

Pilit akong ngumiti at umalis na siya.

Hindi ko alam kung dahil lang ba talaga ito sa pag-alis niya. Kahit anong pilit kong ibaling ang atensyon ko sa iba ay hindi ko magawa. Tinignan ko na lang ang repleksyon ko sa nakapatay na t.v.

Bukas na ang alis ni Dan. Bukas na din ang simula ng klase namin. Pagkatapos ng gala namin sa mall nung martes, hindi na din siya nagpakita o magparamdam man lang.

Siguro kailangan ko na lang lumimot na din para hindi na ako masyado maapektuhan sa mawawala.

Inayos ko ang magazine at ipinatong ang remote dito. Tumayo ako at plinantsa ng kamay ko ang gusot sa damit ko.

"Saan ka pupunta?" Rinig kong tanong mula sa likod ko bago pa man ako makarating sa pinto. Nilingon ko ito ng may pagtataka. "Pwede ba kako ako sumama?"

"Okay."

"Sandali lang, kukunin ko lang yung cap ko at jacket." Tumalikod na siya bago pa man ako makasagot. Tumaas siya ng hagdan at pumuntang kwarto niya.

"Bakit kaya sasama pa siya? Siguro idadahilan niyang kasama ako para makagala.", bulong ko sa sarili ko.

Pupunta kami sa shop ni Tatay na nasa centro.

"Sakay na." Sabi ni Ian at inabot sa akin ang helmet.

"Okay."

Tahimik akong umangkas sa motor niya at kumapit sa laylayan ng damit niya.

"Sean, gusto mo bang tumalsik? Kumapit ka ng maayos." Utos niya. "Pinsan mo naman ako, pwede ka naman yumakap."

Tumango ako kahit hindi niya naman ako nakikita at humawak sa balikat niya. "Dito na lang."

"Tss. Pag kay Dan, okay lang kahit saan ka humawak at hawakan."

"Hindi iyon ganon." Depensa ko. Hindi talaga ako komportable sa kanya, sa lahat kasi ng pinsan ko ay siya lang ang masungit sa akin. "Paandarin mo na nga lang. Kainis ka naman e."

Umiling ito at pinaandar ang motor. "Lagi naman." Hinigpitan ko ang hawak sa balikat niya nang bumilis ang patakbo nito.

Hindi ko alam kung bakit ang init lagi ng ulo nito sa akin, sa ibang pinsan namin ay hindi siya ganon. Close naman sila.

Tahimik lang ang biyahe namin. Walang nagsasalita. Pinakiramdaman ko na lang ang hangin na dumadampi sa mukha ko at nagpapalipad sa buhok ko. Masarap talaga ang hanging probinsya, pati na rin ang amoy ng dahon at puno. Sigurado akong mamimiss niya ito. May balak pa kaya siyang magpaalam sa 'kin bago umalis?

Sinalubong kami ng tahol ni Brownie pagkatigil namin sa tapat ng shop. Bumaba ako at tinanggal ang helmet at binigay kay Ian. "Salamat." Ngiti ko kay Ian.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 27, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The ManipulatorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon