SIMULA

151 46 7
                                    

DALSHANTA.

13 Enero 2031

Kung patayan ang pag-uusapan, buhay na buhay ako.

Mula rito sa likod ng maalikabok na bintana ay namamataan ko ang isang lalaking nakaputing toga. Hindi ito isang suotin na kadalasan nakikita sa mga pagtanggap ng medalya sapagkat ito ang karaniwang suot ng mga pasyente.

Nakasampa lamang siya sa kama at nakatitig sa kawalan. Tanging siya ang nasa kwarto at mukhang naghihintay sa doktor.

Nananatiling nakatali ang kurtina kung kaya hindi naging mahirap sa akin ang pagsilip.

Tila isang opisina ang nasa loob ng kwarto. May mesa na bunton-bunton ng maraming libro ngunit iyon lamang ang napansin ko maliban sa isang malalim at nakaaawang boses.

"Shanta..." nanginginig na bulong ng lalaki. "Shanta! Shanta!"

Isang ngalan ang paulit-ulit niyang binabanggit. Nanaisin ko man na magpakita ay hindi ako basta-basta puwedeng magbasag ng bintana para lang makapasok.

Katahimikan. Iyan ang nais kong mangyari sapagkat kung walang katahimikan, madali akong mahuhuli. Hindi lang iyon dahil kahit saang anggulo mo tignan ay nakasuot ako ng itim na sombrero, panyong nakapulapot sa pisngi ko, at salamin na itinatago ang lihim sa mga mata ko.

"Shanta... Sigurado ako, ikaw 'yon. Ikaw iyon. Imposible ang mga sinasabi nila, buhay ka!" nanlulumong sambit niya na ikinarindi ng tainga ko.

Kahit pa na sarado ang bintana ay nakalapat ang pandinig ko sa jalousie nito, sapat para mapakinggan ang kanyang boses.

Sa itinatagal ng panahon ay ngayon pa dumating ang araw na ito. Ang araw na sa tanging isip niya lamang ako naaalala, nahahagkan, ngunit sa totoo ay hindi na ako.

Burado na ako sa mundo at sa alaala ng mga taong minsan ay naging parte ng buhay ko.

"Kage..." marahan na bulong ko.

Nais ko siyang lapitan at ikulong sa mga bisig ko. Nais kong iparamdam sa kanya ang maiinit na haplos. Iyong mga haplos na dati ay nakapagtatahan sa pagwawala ko.

Makita ko pa lang ang pagtakip niya ng tainga ay nangingilid na ang luha ko sapagkat ngayong nagwawala siya ay wala rin ang mga haplos ko.

Nanlulumong napasandal ako sa matigas na bato at isang malakas na bugso ng hangin ang umukit sa balat ko.

Umulan ng mga dahon at tila nagtatago ang araw sa likod ng maiitim na ulap.

Sa malayong bakod ay nakakandado ang itim na gate, isang tarangkahan para sa mga nakakulong sa kanilang mga isip.

Nakabaligtad ang mga letrang nakakapit sa taas nito, binubuo ang ngalan ng ospital.

ERAC LATNEM EGDILOOC

At dahil nakatayo ako sa paloob nito, isa na rin akong pasyenteng nasisiraan ng bait. Bagaman hindi literal na inaalagaan ako ng ospital, isa lamang akong buhay na patay.

Nakapanhihindik-balahibong balikan ang mga pangyayari sa pasilidad na ito at napakapamilyar pa rin ang amoy ng ospital.

Bumaling ako sa aking likuran at napagmasdan kong nakaupo na muli si Kagan. Sa oras na ito, kalmado na siya, wala nang ingay na maririnig, kung kaya walang alinlangan na kumatok ako sa bintana.

RELICS OF DAWNWhere stories live. Discover now