Chapter one

22 0 0
                                    


Love conquers all. Love is the most beautiful thing na mararanasan mo sa buong buhay mo. Sabi nila, ang pagmamahal masakit. Magulo. Malungot. Tama naman sila e. Kapag nagmahal ka dapat handa kang masaktan. Dahil kung hindi baka hindi ka naman totoong nagmahal. Sabi nga ni John Green. Pain demands to be felt. At kung nasaktan ka dahil sa pag-ibig, wag mo naman isisi lahat ng kamalasan mo sa kanya,choice mo naman yan e. Nasayo kung anong pipiliin mo. We are our own Scientist, we can make or break ourselves. Kaya kung Miserable ka ngayon, its your choice because you let yourself cling into life's catastrophes.

I'm Jose Emanuel Borja. Isang dyosa. May dual citizenship ako. Half filipina. Half filipino. A woman stuck inside a man's body. Im an avid fan of fairytales and happy ever after. Kahit ilang beses nakong umiyak at nasaktan dahil sa pag-ibig never akong naging hopeless romantic. Dahil narin siguro sa pagmamahal na nakukuha ko mula sa aking pamilya. Idagdag mo pa yung kulot at sakang Kong bestfriend na tinatawag akong Joe. Diba ang pangit? Maton masyado. E ang sexy kaya at flawless ng body ko. Tawag sakin ng marami ay Vice. Ewan ko, gusto ko yun e walang basagan ng trip. Hmmm mabalik tayo, ayun na nga bata palang ako alam kong isa akong sirena at shokoy ang hanap ko. Ooops! Kashokot charot lang. Isa akong prinsesa na prinsipe ang hanap. Pero parang unti-unti ng nagbabago ang lahat. Hay na co-confused na talaga ang beautiful fez ko! Dahil sa babaing ire. Si kassandra. Pero hindi pwede. Hindi pwede.
----

" Aaaah, Joe!!!!" hinihingal niyang sabi habang patakbong lumalapit sa akin.

" Ano ba yan! Ang ingay ingay ang sakit sa tenga" tinakpan ko ang taenga ko ng sobrang higpit, sobrang oa. Pero sa to too lang yung Boses niya parang musika sa taenga ko. " Siguraduhin mo lang na may sense yan ah, kung hindi kukutusan talaga kita " ayan na naman ang tibok ng puso ko nagiging irregular kapag kaharap ko na siya.

" Joe, look Mitch Albom noticed me on IG. Aaah!!! Joe!! Joe!! Mitch Albom. Pwede na yata kong mamatay " kahit kailan ang Oa talaga ng sakang na to! ayan siya nag tatatalon at panaka nakang yumayakap at humahalik sa pisngi ko. Ganyan yan pag masaya. Kasi wala naman sakanyan yung pagyakap at paghalik sa kanya. Kasi nga best friends lang kami.

" K, ang Oa mo! E paki ko dyan sa mitch albom nayan " nakita kong kumunot ang noo niya " Ay to naman di mabiro. Halika nga dito" at ako na ang yumakap sa kanya " alam mo naman na kung anong nagpapasaya sayo susuportahan kita. Patingin nga" kumalas siya sa pagkakayakap sa aking upang ipakita ang kanina pa niyang pinagmamalaki. Ah si Mitch Albom pala, favorite Author ni Bruha. Ewan ko, ang hilig sa mga ganyang bagay ng kulot na niyan. Minsan nga nahuli ko sinisingkot singkot yung libro. Parang naka drugs. Ang weird talaga. Itapon ko to sa Mars e.

" Hmm Joe, can we go sa NBS mamaya? Please? May bibilhin lang ako. After ng office mo ha?"
ano nanaman kayang trip Neto, pero shempre sasamahan ko, mahirap na maraming lalaki doon. Baka may mangyari pang masama dito at ako ang masisi. Talaga ba Vice? Ahh basta. Ayokong pinababayaan tong gumala mag-isa. Best friend ko nga diba?

" Okay, fine. May choice ba ako?" sabay irap sa kanya " Teka nga, ano palang ginagawa mo dito? Wala kabang pasok? "

" Eh! namiss kita bigla e. Uy, wala ng bawiaan ha? Wag kang drawing diyan mamaya hindi mo na naman ko siputin niyan e. Nako! Sinasabi ko sayo. Magtatampo na talaga ko" nakapa mewang niyang sabi, na akala mo nanay na kuda ng kuda sa anak. Bibig talaga nito. Halikan ko to e.

" Aww ang sweet naman ng baby ko. I miss you too " sabi ko sakanya habang hinihila papasok ng office ko. Kilala ko to Hindi nako tatantanan nito hanggat Hindi makukuha ang gusto.

Ganito kami ni k sa isat-isa sobrang clingy. Akala mo naman mag jowa. Sobrang selosa din to' gusto niya sakanya lahat ng oras ko. Kaya kapag nagkakajowa ako kulang nalang bugahan niya ng apoy. Dragon pa naman to! Malinaw sa amin na mag best friend kami. Oo alam ko hanggang doon lang talaga kami kasi hindi naman naniniwala sa love to e.

" Vice...." dinig kong tawag niya sakin habang nag-aayos ako ng mga dokumento. Hala! May kailangan ko. Madalas kasi Joe, bakla, pike, panget ang tawag niya sakin. Pero ngayon vice aba ano kayang gusto nito.

" Vice..." tawag niyang muli sakin and this time tumayo na siya at pumunta sa likod ng upuan ko sabay yakap sa likod ko. Naglalambing na naman. Ano kaya gusto nito.

" Oh bakit nanaman? May kailangan ka no?" Nakita kong ngiting ipis siya. Alam kona to napanood ko na to e. " Alam ko na. Oo na! Oo na! Pupunta tayo ng Arcade pagkatapos nating dumaan sa NBS" sabi ko, nakita Kong tuwang-tuwa siya at hinigpitan ang pagkakayakap sa akin. Baliw talaga ko. Gustong gustong naglalaro ng basketball kababaing tao. Wala, eh mana sa kin. Haha

" Thank you vice, I love you" sabay halik sa pisngi ko. At tsaka na siya lumabas ng office ko para kumain. Ako naman ay naiwang nakatulala. Kung alam mo lang Astrana Kassandra kung ano yung nararamdaman ko sa tuwing ginagawa Mo yan. Iba na to k! Iba na.

" I love you"

" I love you"

" I love you"

Napakasarap pakinggan sa tenga. Napakasarap ulit-ulitin. Pero ang taong? Mahal kaba? Oo mahal ka. Bilang kaibigan nga lang at wala ng iba. Hanggang doon nalang. Hanggang doon nalang.


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 19, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Masterpiece Where stories live. Discover now