Kung alam ko lang sana..

536 23 26
                                    

~~Dianne~~

"Kuya, bakit ganun? Lagi na lang kami nag-aaway. Kahit na maliit na bagay pinagtatalunan namin. Minsan nga, tumatahimik na lang ako para mas lalong hindi lumala yung away namin."

"Kapatid, lahat ng relasyon dumadaan sa ganyan. "

"Nakakasawa na kasi kuya eh."

"Ganyan talaga. Saka mag-iisang taon pa lang naman kayo. Pero kung mahal niyo talaga ang isa't-isa, malalampasan at malalampasan niyo rin yan."

Yan si kuya. Ang ever supportive kong kapatid. Siya lang lagi ang napaglalabasan ko ng hinanakit tuwing nag-aaway kami ni Xymon. Si mommy kasi nasa abroad at si papa naman ay busy sa kanyang business.

Mahal na mahal ko si Xymon. Nung una, tutol pa si papa kasi bata pa raw kami. Fourth year high school lang kami noon nung nagpaalam kami sa mga magulang namin. Buti pinayagan din kami.

After six months, lagi na lang kaming nag-aaway. Naiinis na ako sa kanya kasi sobra ang pagka-possessive niya. Minsan nga sinabihan niya ako na malandi kasi may iba akong kasamang lalaki. Masama bang samahan saglit ang pinsan ko? Minsan naman sobrang maliliit na bagay na nga lang pinag-aawayan pa namin. Nagsasawa na rin ako minsan. Pero ano bang magagawa ko? Mahal ko siya eh. Kahit na hindi ako ang may kasalanan, ako na ang unang nagso-sorry para naman maayos na ang lahat at magkaintindihan na kami.

...

First anniversary namin ni Xymon ngayon at sakto pang bakasyon. Hindi ko akalaing aabot kami ng ganito katagal kahit na lagi kaming nag-aaway. Sobrang especial ng araw na 'to.

"Pa, pwede po ba akong umalis?"

"San ka na naman pupunta?"

"Pupuntahan ko po si Xymon."

"Xymon na naman! Hindi ka pwedeng umalis. Lagi ka na lang wala sa bahay."

Kapag si papa ang nagsabi, wala ng makakapigil kundi si mama. Kaso nasa abroad siya. Mahal rin naman ang tawag. Sayang lang. Magagamit pa namin yun ni kuya sa tuition namin this coming school year. Pareho na pati kaming college ni kuya. Siya graduating at ako naman first year.

Ipapaliwanag ko na lang kay Xymon. Sana naman maintindihan niya ako.

To: Beh<3

Beh. Sorry. Hindi kita mapupuntahan ngayon.

From: Beh<3

Y?

To: Beh<3

Hindi ako pinayagan ni papa eh. Pero babawi ako sa susunod.

From: Beh<3

Kah8 d na.

To: Beh<3

Wag ka na magtampo. Gusto mo bang tumakas na lang ako?

From: Beh<3

wag na! bka magal8 pa sa'yo tatay mo. Sa2ma na lng aq sa barkada.

To: Beh<3

O cge. Ingat ka ha. Ano oras ka aalis at uuwi?

From: Beh<3

8pm. d q alm kung kelan ako uuwi. hihiramin nga pla ng kpatd ko 2ng cp kaya wla aqng dla mamaya.

To: Beh<3

K. Happy anniversary beh. I love you.

From: Beh<3

k.

Alam ko galit sa akin si Xymon. Sino ba namang hindi magagalit kapag hindi mo nakasama yung gf/bf mo sa first anniversary niyo? 'Di ba nakakatampo naman.

Kaya naman naghanap ako ng tyempo para makatakas kay papa. Hindi na rin ako nagpatulong kay kuya dahil hindi niya rin ako papayagan. Gabi na kasi. Seven PM na. Siguro nasa bahay pa nila siya ngayon. Ayoko ng mag-away pa kami ulit lalo pa't mahalaga ang araw na 'to.

~~Xymon~~

Lagi na lang kami nag-aaway ni Dianne. Ang hirap kasing intindihin ng mood swings niya. Hindi ko masakyan. Lagi na lang kami nag-aaway nitong nakaraang araw. Pero siya lagi ang unang lumalapit para magkaayos kami. Hindi ko kasi maatim na ako ang unang hihingi ng tawad. Minsan nga nakokonsensiya ako kasi siya na lang lagi ang lumalapit kahit na alam ko sa sarili ko na ako ang may kasalanan. Kahit na ganun kami, hindi ko talaga siya kayang iwan o ipagpalit sa iba kasi mahal ko siya.

...

Nakakainis. Kung kelan espesyal na araw hindi pa siya pinayagan. Nagalit ako sa kanya. Tinamad na rin akong sagutin yung huling text niya.

...

Lagi kaming nag-aaway at sobrang nagsisisi ako dahil ni minsan hindi man lang ako nakapag-sorry sa kanya.

Linggo linggo kami nag-aaway pero ngayon limang araw ko ng hindi naririnig ang boses niya. Hindi ko na nakikita yung magaganda niyang mata. Yung mga mata niya na minahal ko. Hindi ko na rin marinig kung paano siya mag- I love you. Hindi na rin siya nakapag-sorry sa akin kahit na ako na naman ang may kasalanan.

Pero ngayon, tahimik na kami. Wala ng gulo. Sana kasi inintindi ko siya. Dapat ako na lang ang pumunta sa kanila nung gabing yun. Dapat kasi inayos ko ng pagsagot sa text niya. Kung maibabalik ko lang sana ang nakaraan.

"NANG DAHIL SA'YO, NAWALA ANG KAPATID KO! ANG LAKAS NAMAN NG LOOB MONG PUMUNTA PA DITO!"

"Alex, walang kasalanan si Xymon."

Nang dahil sa akin, umuwi ang nanay ni Dianne galing abroad. Nang dahil sa akin, nagalit sa akin ang kuya ni Dianne. Nang dahil sa akin, naospital ang tatay ni Dianne dahil inatake sa puso. Nang dahil sa katangahan ko, nawala ang mahal ko.

"Pero ma, kung inintindi niya man lang sana ang kapatid ko. Hindi mangyayari ito. Wala kasi kayo rito kaya wala kayong alam!"

"Anak, wag mo na siyang sisihin. Lahat naman tayo nawalan."

Padabog na umalis si Kuya Alex.

"Xymon, pasensiya ka na ha. Hindi ka namin pinagbabawalang pumunta dito."

Umalis na rin si tita. Agad namang pumatak yung luha ko. Naalala ko kasi si Dianne sa mama niya kanina. Ako ang may kasalanan kaya hindi nila kelangan humingi ng tawad.

Lumapit ako kay Dianne. Hindi ko na kayang pigilin pa yung luha ko.

"Dianne, mahal na mahal kita. Alam mo ba yun? Dapat hindi mo ginawa yun."

Gusto ko siyang yakapin, at marinig niya ang sorry ko. Pero huli na.

"Sorry ha. Sorry talaga. Hindi ko man lang nagawang intindihin ka kahit minsan. Hindi ko naman alam na hahantong sa ganito eh. Ramdam ko naman na mahal mo rin ako kaso hindi ko man lang naibalik yun nung mga araw na nag-aaway tayo. Sana pala hindi rin ako tinamad na i-type yung I love you. Kung alam ko lang sana.."

Hindi ko na napigilang umiyak kahit pa sa harap maraming tao. Hindi ko matanggap ang nangyari sa kanya. Tumakas siya sa kanila para puntahan lang ako. Pero na-rape siya at pinatay. Pakiramdam ko, ako ang may kasalanan.

Sa isang iglap, nawala siya. Iniwan niya kami. Ang sakit. Isa akong gago.

"Sorry talaga beh. Mahal na mahal na mahal kita."

Napaluhod ako sa harap ng kabaong na hinihigaan niya ngayon at humagulgol. Hindi ko na kasi kaya. Kasalanan ko lahat.

Naramdaman ko ang malamig na hangin na para bang niyayakap ako.

"Mahal kita beh. Patawad."

Siguro nga, oras mo na. Hayaan mo babawi ako sa'yo. Mahal na mahal kita Dianne. Kahit kelan hindi yun magbabago.

Hindi ko na uulitin ang mga katangahan ko. Pangako mas hahabaan ko pa ang pasensiya ko at magbabago na ako.

-END

Kung alam ko lang sana..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon