Chapter 2

15 2 0
                                    

- LJ's POV

CLASSROOM

'Yun lang pala sadya niya may pa tawag-tawag pa sa office. Pwede namang pag-usapan sa phone. Bakit kailangang ako pa? Iniintindi ko parin ang sinabi ni mommy kanina sa office.

FLASHBACK

"Ikaw Naba yan LJ? Get in!. " Hindi talaga maganda sa pandinig ang boses niya, para saken ang boses nya ay naakasawang pakinggan.

Marahan kung binuksan ang pinto ng opisina nya at ng makapasok ako ay umupo lamang ako sa upuan na nasa harapan nya at walang kibo-kibong tumingin lang kung saan-saan.

"Good morning Son." Panimula nya na hindi ko naman tinugon. "LJ anak, I know you don't wanna talk to me but please this time listen to me carefully." Alam na alam nya talaga na kahit kailan hindi na ako magkakaroon pa ng dahilan na makipag-usap sa kanya tulad ng sa dati.

"Kung ano man ang sasabihin mo ay sabihin mo na, baka ikaw pa magiging dahilan kung bakit mali-late ako." Walang pagdadalawang isip Kong sambit. "Just talk straight to the point Dean so I can go now."

"Ok." Tumingin sya saken na parang napapahiya at nagpatuloy sa pagsasalita. "JC, your tita KC's only child and daughter is here. I want you to guide her and make her feel comfortable in our school Son."

"JC ? tita KC's daughter... You mean pinsan ni Ivan?." Tumango-tango lamang say sa bawat tanong ko. "Then why didn't you asked him to guide her anyway? Bakit ako pa? Gusto mo lang yata ay pahirapan ako at bwesitin ang buhay ko kaya ako ang inuutusan mo."

Bahagyang napakunot noo sya at tumingin saken ng derecho.

"Laurence Jay! Hindi ko i-uutos sa iyo ang isang bagay kung hindi kinakailangan." Huminga sya ng malalim at bahagyang isinantabi ang inis nya. Naiinis sya alam ko. "Ivan is a very busy person, marami syang pinagkakaabalahan lalo pa at huling taon nyo na at sya ang expected ng marami na magiging valedictorian sa batch nyo. You know him very well son, at isa pa dati naman ay kayo lage magkalaro ni JC magkasundong magkasundo kayo nung mga bata pa kayo at alam kong mas magiging maayos ang lahat kung ikaw ang aalalay sa kanya. This is our school, do your part as apo ng may-ari at gawin mo yan para sa lolo mo."

"That's all? I have to go." Ang haba ng paliwanag nya.

Lumabas ako ng office na walang Lingon lingon. Derecho ang lakad ko pabalik ng classroom.

Iniisip ko si JC. Matanda ako sa kanya ng isang taon. Ibig sabihin nasa 3rd year sya. Senior nya ako at hindi ko alam kung ano ang itsura nya ngayon. Iniisip ko ang lahat ng merun kami nung mga bata palang kami ....merun pa kaya syang naaalala tungkol dun?

END OF FLASHBACK






"Tol!" Kamusta ang pag-uusap nyo ni Dean?" Nakakagulat na tanong ni Ivan. Hindi ko sya namalayang NASA tabi ko. "Kanina kapa tulala simula nung pumasok ka dito galing office. May ano ba? Bad or good news?" Panunuksong tingin ang itinatapon nya saken kasabay ng mga tanong nya.

"Magkasundo ba kayo ng pinsan mong si JC?" Wala sa huwesyo Kong tanong sa kanya.

"Hindi masyado Tol, but wala akong problem sa kanya. Magkakilala pala talaga kayo?" Nagtatakang sambit niya. May tanong sya sa pananalita nya pero hindi ko pinansin. "Masyado syang tahimik kapag magkasama kami at kabaliktaran iyon nung mga bata pa kami. Siguro at ngayon lang Yang pananahimik nya. Naninibago pa seguro sa paligid."

"Ganun ba?." Naka kunot nko ako. Ewan ko lang kung nahahalata ni Ivan pero wala akong gustong gawin kundi ang makita sya.

Naka ngisi syang tumingin saken at akmang may sasabihin pa ngunit dumating na ang lecturer kaya wala syang nagawa kundi ang tumahimik.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 22, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

TEENAGE PAG-IBIGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon