Chester pov:
Sinod ko ang aking nararamdaman. Gusto ko maligtas si albert. Ilangbaraw nadin na may na diskobre akong aswang alam ko na kung susundan ko sya malalaman ko kung san nila tinago si albert. Di tulad dati nukas na ang aking mata kaya nakikita ko na kung sino ang normal na taobat kung sino ang may tinatago. May parang aura sila na madilim na wala sa normal na tao. Sinundan ko ang lalaking nakita ko gamit ang aking motor. Mabilis tumakbo ang aswang na to kaya kailangan ko mag ingat na hindi nya mapansin na sinu sundan ko sya buong akala ko ay hindi nya ako napansin.
Nang makaraying kami sa gubat ay bigla syang nawala. Hinanda ko ang aking espada at hindi nga ako nagkamali sumugod sya sakin gamit ang matutulis na kuko na agad kong na salag gamit ang aking sandata.
Tumilapon sya nang naging latigo ang aking espada nasusunog na parang tinapunan nang asido ang mga sugat na kanyang natamo. Pipilay pilay itong gumapang palayo dahil sa tama nito sa binte at tagiliran.
Naawa ako sa babaylang ito dahil bata pa sya halos kasing eded ko lang pero mas nanaig ang aking nais na makita ang taong mahal ko palapit nako sa kanya nang may nag bato sakin nang bolang apoy. Agad agad ko naman ito naiwan muntik nako mahagip. Mula sa taas ang nag bato sakin nito kaya tumingala ako at bigla ako natulala.. Hindi.. Hindi maari...#############
Alberts Pov: mag mamadaling araw na nang may nakuha akong mensahe isang hunter nang mga aswang ang humahabol kay chad isa sa mga babaylan na naging malapit sakin dahilbdi tulad nang ibang babaylan si chad ay kasing edad ko lang. Mabait si chad at hindi nya ginusto na maging aswang. Nais nya mabuhay nang normal at ito ang kanyang nais ipag laban na mawala ang sumpa na ibinigay sa kanya pagka bata palang. Nakakasympthya ako sa kanya dahil halos pareho kami na ipinanganak nang hindi ginusto ang aming mga kakaibang kakahayan. Nakapag kwento din sya na nung lumalaki palang sya wala din sya gaano nakakasama dahil takot sya na baka masaktan nya ang mga tao sa paligid nya kaya ninais nya sa bundok mamuhay malayo sa tukso nang kanyang pagka gutom sa laman nang tao. Hindi tulad nang iba purong karne nang hayop lang ang kanyang kinakain ayaw daw nya mawala ang kanyang pagkatao pag bumigay sya sa pagiging aswang.
Kaya nang malaman ko ang mensahe pinadala nya ay agad agad ako sumaklolo sa kanya. Kaya naman sya lumabas nang gubat aybnapag utusan ko sya kumuha nang balita tungkol kay chester Kahit na pinagbabawal na malaman ko ang mga balita sa labas nang kampo nang mga aswang nanabik padin ako malaman kung ano nangyari kay chester. Tumatakbo si chad nang makita ko sya sinusundan sya nang isang tao naka motor madilim kaya hindi ko mamukaan kung sino sya napaisip ako na kung kilala ko sya maaring pakiusapan ko ito na bumalik nalang muna. Pero huli na ang lahat. Kitang kita ko na sumungab si chad at smitoy nasalag nang hunter gamit ang kanyang espada na escudo imperial. Bughaw ito ang paboritonhmg kulay ni chester mabilis ang taong ito at nag bago mula espada naging latigo napuruhan si chad sa binti at tagiliran natakot ako na baka ma patay nya si chad kaya binato ko sya nang bolang apoy.
Naiwasan nya ito at tumingala sakin. Ikinagulat ko kung sino ang taong iyon. Si chester agad agad akong bumaba sa taas nang puno na kinatatayuan ko upang harangan si chester at chad. Halata ang pagkagulat sa mga mata ni chester.Albert mahal ko. Nakatakas ka na pala halika na bumalik na tayo sa bahay.
Hindi chester ikaw ang sumama samin ni chad.
Halatang nagugulahan si chester sa aking mga sinabi.
Mali ang mga katalona kaya nagpasya akong tulungan ang mga babaylan.
Albert hindi ko maintindihan tinutulungan mo ang mga mamatay taong ito? Anong salamangka ang kanilang ginamit para mapapanig ka nila sakanila?
Chester makinig ka sakin mali ang mga katalona kaya please sumama ka na sakin.
Pero huli na hindi ko narinig ang sagot nya. Biglang lumusob ang dalawa pang babaylan papunta kay chester maliksing nakaiwas si chester at ginamit nya ang kanyang latigo para matamaan ang mga sumusog sa kanya hindi sila makalapit bawat tama nang latigo parang na sabuyan nang asido ang Parteng tinamaan. Sabay sila sumungab kay chester alam ko hindi makakaiwas si chester tatalon ako para salagin ang isa pero nahuli ako nandun si nina gamit ang espada nya sa tabi ni chester sinalag nya ang isa sa mga aswang.
##########
Nina Pov:
Buti nalang at nilagyan ko na tracking device ang jacket ni chester kaya hindi nya alam na kaya ko syang sundan nasaan man sya.
Kitang kita ko ang pag iwas nya sa bolang apoy at ang matagumpay na pag iwas sa pag atake nang mga aswang. Nilito si chester nang mga aswang at sabay sya sinungaban halatado na hindi pa perfecto ang pagamit nya nang latigo bukas ang kanyang kaliwa agad agad sinalubong ko ang aswang na pasugod sa kanyang kaliwa.Sabi ko na nga ba mamatay ka pag mag isa ka bakit mo to ginawa chester hindi ba may usapan kayo nang magulang ni albert?
Sorry nina alam ko pero hindi ko na kaya na iniisip na mag isa si albert na ako ang dahilan kung bakit sya nag paubaya.
Sa bilis ko isang hiya lang tumba na ang kasugapaan ko ganun din ang nang yari sa kalaban ni chester mabilis nga sya matuto.
Pero wala makakapigil sa pagka gulat ko nang makita ko si albert na nakatayo pino protektuhan ang isang aswang.Albert anong ginagawa mo halika na at unuwi na tayo.
Hindi nina kailangan nila ako.
Kailangan saan? Alam mo na ba ang propesiya?
Alam ko na at bakit gusto nang mga babaylan na mangyari ito.
Albert makinig ka sakin kung ano man ang sinabi nila sayo ito ay isang kalokohan makinig ka samin ni chester.
Hindi nina umuwi na kayo ni chester alam ko ang ginagawa ko.
Agad agad binalot nang itim na na usok si albert at ang batang aswang sa likod nya. Naglaho sila na parang bula.
Hindi malakas na sigaw ni chester kasabay nang pagtakbo kay albert pero huli na hindi nya naabutan si albert. Nasalampak si chester rinig ko ang pag hikni at pag patak nang luha ni chester kasabay nang pag buhos nang malakas na ulan.
Nakakaawang pag masdan si chester isang masayahing varsity player na sikat na sikat kung tutuusin masaya ang buhay nya kung hindi dahil saki at kay albert hindi sya masasangkot sa gulo nang mga babaylan at katalona. Kung hindi ko sya ginustong gayumahin malamang masaya padin sya ang kanyang tangibg problema ay pano mapanalo ang varsity game. Pero mula nang mawala si albert.
Tulala si chester maliban sa mga oras nang training sa gabi alam ko na iniiyakan nya si albert. Ano kaya nang yari kay albert? Alam kaya nya na pag pumanig sya sa mga babaylan ay mawawala lahat nang katalona at mag hahari ang mga aswang?
Inakay ko si chester papunta sa motor at inangkas ko sya sa aking likod. Nang pauwi na kami yumakap si chester sa likod ko at nag salita.Bakit ang hirap mag mahal?
Bakit nasasaktan ako ngayong nakita ko naman si albert.May dahilan ang lahat mag hintay lang tayo alam ko na sa ngayon mahirap intindihin pero pangako ililigtas natin si albert.
Tahimik si chester buong byahe pabalik nang bahay nila albert.
Ako man ay naguguluhan bakit nanaisin ni albert na mawala ang mga katalona?Ituituloy...........
Sana magustuhan nyo po ang back to back chapters last four chapters na po ito i want to hear po kung ano ang opinion nyo about this story
Comment and vote po. Follow nyo nadin po sana ako.

BINABASA MO ANG
Ang boyfriend kong mangku
Romancebata palang si Albert ay alam na nyang hindi sya normal nabibilang sya sa angkan nang mga katalona si Chester varsity player babaero at pogi anak mayaman straight. pano nalang kung ang isang gayuma na dapat sana sa isang babae ay napunta sa crus...