ONE SHOT STORY.❤❤❤
Author: DRIZZLE FANTASIA
Theme Song: The Gift...
Plagarism is a crime.
-Don't ever try to do it-
*I'm warning you*This part is dedicated to my very own friend.
She made this wonderful book cover....thanks friend..
imLiyahKimPark.
Your one of the best.♡♥♡GAIL'S POV
Sabi ng nanay ko malayo daw ang mararating ko. Tanda ko pa noon kung paano siya nangarap ng napakagandang kinabukasan para sakin.
Malayo nga ang narating ko, maganda!
"Hoy,anong tinatanga-tanga mo diyan? Tirik na ang araw nakahilata ka pa? Aba hindi ka pinapasweldo rito para maging palamon lang." singhal ng mayor doma.
Tama kayo nang nabasa. Malayo nga ang narating ko dahil ipinadala ako ng aking nanay dito sa Maynila para maghanapbuhay. At maganda, maganda ang mansyong tinitirhan ko rito.
Pinuntahahan ko na yung amo ko para tawagin."Master,kakain na po." tawag ko sa Master kong ubod ng yabang at arogante.
"Leave. I'll eat later."
"E di leave."Bago ako umalis nakita kong pinanlisikan niya pa ako ng mata kaya bumaba na nga ako bago pa ako mamatay ng maaga.
Habang naglilinis ako bigla akong may naalala.Oo! Nakalimutan ko kasing magpakilala. Ako nga pala si Gail Reynera.17,Philippines! Thank you! Take note: Babae po ako.
Normal lang akong babae hindi tulad ng mga nababasa ko sa wattpad na mga magaganda at sexy pero masasabi ko namang may hitsura din ako. At yung masungit kong Master ay si Lorrence Mendez, ang lalaking ubod ng gwapo at macho pero saksakan ng pagka-antipatiko. Siya yung may-ari ng mansyon na to at ako ang 'Personal Alalay' daw niya. Pwe! May sapak din e. Dami dami niyang katulong ako pa ang ginawang alalay!Since 15 ako pinadala na ako dito dahil yung magaling kong nanay hindi na daw ako kayang pag-aralin. Paano ba namang hindi, lahat ng kinikita ni tatay ipinangsusugal lang niya,ayan tuloy kailangan kong lumisan sa aking lupain. Huhu!
Okay, tama na ang drama, trabaho muna.
"REYNERA" sigaw ni Master.
Sa dalawang taon kong paninilbihan sa kanya saulo ko na ang ugali niya. At kapag tinawag na ako niyan sa apelyido ko, magdadasal na ako.Lumingon ako sa kanya.
"Bakit Master?"
"Where the hell is my shirt?"
" Aling shirt? Black? Grey? White? Blu--"
"Niloloko mo ba ako?"
"E alin bang shirt? Ang dami mo kayang damit!""The one I usually wear."
"Ah! Nasa labahan kasama nung iba mong maruruming damit."
"WHAT?!""Bakit ka ba sumisigaw?"
"Bakit hindi pa yun laba? Susuotin ko yun ngayon.""Magsuot ka na lang ng iba, marami ka pa namang damit ah."
"I want that one. "
"K dot.""Anong sabi mo?"
"Sabi ko, lalabhan ko na po KAMAHALAN." sarkastiko kong tugon.
"Good."Tss. Bwisit na lalaki yun nang-aasar lang e. Hayst! Magaling pa'y sundin ko na lang.
Mayamaya.."Master, eto na ang damit mo."
"Itabi mo na lang hindi ko na yan susuotin. Ang tagal mo e."
"Aba't ang gagong to. Matapos kong- Hayst!"Padabog kong inihagis sa kanya ang damit niya at lumabas na ng kwarto habang siya papatay na ng pagtawa.
"Mabilaukan ka sana." pahabol ko pang sabi.Matapos ng lahat ng gawain ko humilata na ako sa kama.
"Haayy! Nakapahinga rin."
Kung tinatanong niyo kung nag-aaral pa ako? Oo naman pero hindi normal ang klase ko kumpara sa iba. Irregular ang schedule ko at depende pa yun sa gusto nung kumag kong Master. Siya kasi nagpapa-aral sakin, ang yaman kasi masyado. Sa murang edad niya mayroon na siyang kompanya, bukod kasi sa pagiging gwapo at antipatiko sobrang talino pa niya. O diba? Dream guy na? Wag nga lang isama ang ugali.
Kung paano naman ako napadpad dito ikukwento ko sa inyo.

YOU ARE READING
Maid By You....(One Shot Story) #wattys2017
أدب المراهقين@MAIDBYOU. @DRIZZLEFANTASIA. WARNING:⚠⚠⚠ -PLAGARISM IS A CRIME-