Chapter I

9 0 0
                                    

Lucy

I woke up from my deep slumber on the dusty floor inside the abandoned house. I can only see darkness except to the slit of light coming from the small hole of the roof. I rub my eyes and wait it to adjust at the caliginous atmosphere of the villa.

Nakita ko ang suot kong puting uniform na punong-puno ng dugo. Tinitiis ko ang sakit galing sa pilay sa balikat at saksak sa tagiliran ko. I saw a silhouette of a human lying on the floor beside me.

Nilapitan ko ang tao sa tabi ko.

"H-Hope w-wake up please! Wake up!"

Niyugyog ko ang duguang katawan ng kaibigan ko. Patuloy ang pag-agos ng dugo mula sa saksak sa kanyang dibdib. Halos maligo na sya sa sarili nyang dugo. Patuloy ang pagtulo ng dugo nya mula sa sugat sa ulo na sanhi ng malakas na pagkakahampas ng isang matigas na bagay. Hinawakan ko ang pulso nya at chineck kung buhay pa sya. Sinampal ko sya ng mahina para magising sya sa patuloy nyang pagkakatulog.

Patuloy ang pag-agos ng mga luha galing sa mga mata ko.

"Hoooooooppppppeeeeeee!"

Napatayo ako galing sa pagkakahiga ko habang tumutulo ang malamig na pawis galing sa noo ko. My heart pumps fast and I was chasing for my breath.

Panaginip na naman... halos magdadalawang buwan na din ang nakalipas pero napapaginipan ko pa din ang mga nangyari pero laging putol ang panaginip ko. Hindi ko maalala ang buong nangyari.

There are still missing pieces of my memory; the missing pieces that can complete the puzzle to answer all the questions on my mind. The answers that can give justice for the death of my dearest friend Hope.

Tumayo ako at bumaba galing sa kwarto ko matapos mag-ayos ng sarili. Bumungad sa 'kin ang babaeng may hanggang balikat ang buhok na naghahanda ng pagkain sa lamesa. Kapansin-pansin din ang mga puting hibla ng kanyang mga buhok at ang mga wrinkles na tanda ng kanyang katandaan. Si lola na ang kasama ko simula nung nawala ang mga magulang ko.

The warm and vibrant smile of my grandmother greeted me as I took my way to our dining room.

"Good morning Lucy! Umupo ka na at kumain, pupunta ka pa sa bahay nina Hope diba?" My grandma told me with a warm smile painted on her face.

"Pupunta po? Kina Hope?" I replied with a confusing tone.

Umupo ako sa mesa at naghanda para kumain ng almusal.

"Hay naku! Ambilis mong makalimot pagkatapos ng nangyari sa inyo ni Hope. Diba ngayon nyo pag-uusapan yung tungkol sa kaso ng pagkamatay ni Hope. Siguro nga 'di ka pa din nakakarecover sabagay 'di pa nababalik lahat ng ala-ala mo. Halos isang buwan ka ding tulog at nung gumising ka pa meron ka pang partial amnesia sabi ng doctor." sabi ni lola habang inaabot sa akin ang plato ng hotdog at scrambled egg.

Maya-maya habang kumakain kami ng breakfast biglang tumunog ang doorbell.
Tumayo si lola para tignan kung sino ang nagdoorbell.

Pagbukas ni lola ng pinto may narinig akong boses ng isang lalaki.

"Good morning po Tita Carol! Nandyan po ba si Lucy?"

"Oh ikaw pala Thyron pasok ka dito"

Tinignan ko ang lalaking pumasok sa bahay namin. May suot itong puting uniform katulad ng mga medical students. Bumagay sa maputi nyang kutis ang suot nyang unform. He has a pointed nose and brownish eyes. Nakabagsak ang kanyang mga buhok na abot hanggang sa kanyang mga mata. Binasa ko ang nakasulat sa nameplate na nakasabit sa kanyang kanang dibdib. He was Thyron Garcia, a Psychology student and my boyfriend.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 16, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Innocent SinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon