Gyltier's POV
"Gyllllll, di ka ba natatakot?" Alkeigh.
Todo kapit si Keigh sa braso ko. Ang dilim na kasi eh. 9 pm na kaya.
"Hindi. Bakit ako matatakot?" Ako.
"Baka may multooo~... Huhuhu, di na lang sana ako sumang-ayon na sa gabi tayo tatakas! Huhuhu... Mameeeyyy!" Alkeigh.
Hohohohoho... Takutin ko kaya to?
"Dyos ko po!" Sigaw ko.
"KYAAAAAAAAHHH!!" Alkeigh.
"Ganito na ba ang mga tao ngayon? Magpapabugbog at sa kalsada na lang matutulog?" Ako.
"Anong ibig mong sabihin?" Alkeigh.
"May nakita kasi akong kamay. Maraming sugat. At ang puti pa! Parang wala ng dugo!" Ako.
Lumingon ako sa likod ko.
"Asan ka tumitingin?" Takot na tanong ni Keigh.
"Malamang, sa likod. May tumawag sakin eh. Yun oh. Parang kakatakas nya lang din galing sa bahay nila. Nakapantulog eh. Puting dress..." Ako.
Tumingin si Keigh direkta sa mata ko. Pawis na pawis sya. Takot na sya.
"Gyl... Gyl naman ehh..." Alkeigh.
Hala, umiyak.
"Hala! Joke lang! Ito naman! Oy, wag ka ng umiyak." Ako.
Sinuntok nya yung tagiliran ko.
"Ohhhhhhhh... Hohoho... Ang Shakit. Sorry na." Ako.
"Ehhhhh..." Alkeigh.
Nagpatuloy kaming naglakad. Hanggang sa may hotel na kaming nakita.
Pumasok kami sq hotel at kumuha ng isang kwarto.
"Dito tayo magpapalipas ng gabi. Bukas, aalis tayo at bibili ng mga gamit natin. Sige, tulog na." Ako.
Tumango lang sya at natulog na. Ganun din ako.
Fast Forward
BINABASA MO ANG
A Princess Ain't a Mage
FantasíaGyltier Wyrtiou, ang princesa ng Wyrtiou Kingdom kasama ang best friend na si Alkeigh ay tumakas upang maging Mage. Sa Elpair Mage Academy sila papasok ngunit lalaki lang ang pwede pumasok sa eskwelahang yun kaya nagpanggap sila bilang isang lalaki...